Simula

111 4 0
                                    

"I'm sorry. We tried our best to save your grandmother pero mahina na talaga ang puso ng pasyente at hindi na kinaya ng katawan niya. I'm so sorry for your lost Mr. Jimenez."

"I'm so sorry for your lost Mr. Jimenez."

"I'm so sorry for your lost Mr. Jimenez."

"I'm so sorry for your lost Mr. Jimenez."

Ang mga salitang iyon ang paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ni Eugene na parang isang sirang plaka. Sobrang sikip na ng dibdib niya at hindi na makahinga dahil sa balitang tuluyang gumuho sa masayang mundo niya.

It was November 15th, year 2011 that day, ang mismong araw ng kaarawan niya at ang mismong araw din kung saan niya natanggap ang balitang pumanaw na ang lola niya dahil inatake ito sa puso at hindi na nailigtas pa. Matanda na rin kasi ito kaya siguro bumigay na ang pangangatawan.

Sobrang malapit si Eugene sa kaniyang lola kaya naman hindi niya matanggap na wala na ito. Ang pinaka-importanteng tao sa buhay niya ay nasa kabilang buhay na. Hindi man lamang nito nahintay ang pag-uwi niya at hindi man lamang nito nayakap ang lola bago ito bawian ng buhay. Hindi niya alam kung paano magsisimula ulit o kung paano niya tatanggapin na wala na ito.

Ni hindi nga niya alam kung paano ibabalita ito sa mga magulang niyang nasa ibang bansa dahil sa trabaho. Para kay Eugene ito na ang pinaka-worst na birthday na naranasan niya sa buong buhay niya. Dahil sa pangyayaring ito hindi na siya magiging excited sa mga darting pa niyang kaarawan. Pakiramdam niya tuloy ay isinumpa ang araw ng kaarawan niya.

"Eugene! Nasaan si mama? Ayos ka lang ba?" napaangat ang tingin ni Eugene mula sa pagkakayuko at bumungad sa kadarating lang niyang tiyahin na si Rochell ang mapupulang mata niya dahil sa walang tigil na pag-iyak. Halata na rin ang pamumugto ng mga ito na ikinalungkot naman ng muka ng tiyahin niyabg si rochell.

Naabutan ni Rochell ang binatang si Eugene na nasa labas ng morgue ng hospital at nakasalampak habang nakasandal sa pader at yakap-yakap ang sariling mga binti. Ang pagtaas baba ng balikat nito ang nagbigay ng ideya sa kaniyang tiyahin na umiiyak ito ngunit walang lumalabas na tunog mula sa bibig nito na tila ba pinipigilan nito ang sarili na mapahagulgol.

"T-tita... Wala na po si l-lola. I-iniwan niya na po tayo." nanginginig ang boses at nagkakanda utal-utal na panayam ni Eugene kasunod ng pagdaloy ng mga luha nito sa kaniyang pisnge na ngayon ay namumula na din dahil sa sobrang pag-iyak.

Mas lalo pang napahagulgol ang binatang si Eugene nang bigla siyang dambahin ng yakap ng kaniyang tiyahin kasabay ng pag-iyak din nito. Alam ng mga kamag-anak niya kung gaano siya kalapit sa lola niya kaya naiintindihan ng Tiya rochell niya na siya ang higit na mas naapektuhan at mas nasasaktan sa pag-panaw nito.

"Shhh.. Tahan na, Eugene. Hindi gugustuhin ni mama na makita ka niyang umiiyak ng ganito. Isipin na lang natin na nasa mabuti na siyang kalagayan ngayon. Wala na siyang mararamdamang sakit at paghihirap." pagpapatahan ng tiya niya sa kaniya ngunit mas lalo lang naiyak si Eugene dahil doon.

Kahit ilang pagpapagaan pa ng loob ang marinig ni eugene sa mga kamag-anak niya tila ba wala man lang pumapasok sa isip niya ni isa sa kanilang mga sinasabi. Blangko ang isip niya habang nakatulala sa kalangitan.

Isang linggo. Isang lingo na ang nakakalipas simula no'ng mamatay ang lola niya at kalilibing lang din nito kahapon. Ang mga magulang niya naman at nakababatang kapatid ay bumalik din kaagad sa ibang bansa dahil sa trabaho ng mga magulang niya at pag-aaral ng kapatid na hindi pwedeng iwan ng matagal.

Nag-paiwan siya sa pilipinas dahil gusto niyang nasa tabi lang siya ng lola niya pero kahit na ngayon na wala na ito at inaya siyang sumama na sa ibang bansa hindi pa rin siya pumayag. He's still bitter about her grandmother's passing. Hindi niya kayang iwan agad ang mga ala-ala nito na naiwan.

The Bittersweet Taste Of Falling In Love | ✓ [COMPLETED]Where stories live. Discover now