Ipinikit ko ang aking mata, huminga ako ng malalim at hinayaan ko ang katawan kong bumaksak sa malawak na swimming pool ng University. Dito kami nag-eensayo ng mga kasama ko sa swimming club.

Hinayaan ko ang katawan kong lumubog sa tubig. Tuwing nasa tubig ako ay nakakalimutan ko ang lahat ng problema sa bahay. Kung gaano ka-komplekado ang pamilyang mayron ako. Sa isip ng iba ay lumaki ako sa perpektong pamilya, ang hindi nila nila alam ay mayroon akong Lolo na ubod ng strikto, mayroon akong magulang na sunod-sunuran sa kaniya, at higit sa lahat pare-pareho silang homophobic.

Ano bang mali sa pagiging gay? Tao pa rin naman kami. Isa pa hindi naman namin ginusto ito, hindi namin pinilit ang sariling maging ganito. Otherwise, I am so proud of my Brother, nagawa niyang ipaglaban ang pagmamahal niya kay Jion. Hindi katulad ko na hindi ko magawang mag-out sa pamilya. Hindi ko nagawang ipaglaban ang babaeng pinakamamahal ko. Imbes na ipakilala siya sa pamliya ay pinili kong iwan siya.

Natigil ako sa malalim na pag-iisip nang maramdaman ko ang isang kamay na humihila sa akin, paangat sa tubig. Habol-habol ko ang aking paghinga nang maangat ng tuluyan ang katawan ko. Hinawi ko ang nagulo kong buhok saka ko hinilamos ang aking mukha gamit ang palad ko. Saktong pagmulat ko ng mata ay ang pag-ahon ng babaeng may kulot na buhok. Perpekto ang tangos ng ilong nito at mukhang natural ang pagkakapula ng kaniyang labi. Napakakurap ako ng paulit-ulit nang maging malinaw ang imahe nito sa mata ko. Rensey.

"If you keep doing that, you'll die early idiot." Saad nito saka pinunasan ang mukha gamit din ang palad niya. Katulad ko ay gumuhit din ang pagkakabigla sa mukha niya nang mapagtanto kung sino ako. "Are you out of your mind? You can't lose yourself while swimming." Bawi nito sa pagkakabigla.

"Rensey?" Hindi ko alam kung bakit iyun ang unang salitang lumabas sa bibig ko. Ayun lang naman kasi ang salitang nasa isip ko ngayon. Para akong nawala sa sarili ngayon nasa harapan ko siya- ngayong nasa harapan ko ang babaeng iniwan ko dalawang taon na ang nakakalipas. Imbes na sagutin ay umahon ito sa tubig at umupo sa may gilid ng pool. Laglag ang panga ko habang nakatingin sa katawan nito. Katulad ko ay nakaswimsuit din siya. Ibinalik ko ang tingin sa mukha nito pero para akong tinatraydor ng mata ko dahil agad din iyun bumaba sa labi niya. Napalunok ako saka umiwas ng tingin. The last time I check ay nakamove on na ako sa kaniya, pero bakit ako nakakaramdam ng kirot ngayon, thou ako ang nang-iwan.

"Don't do that again, Miss Yeona Garcia. Are you listening?" Halata sa boses nito ang pagkairita kasunod nun ang pagtaas baba ng kilay niya sa akin. Hindi ko mahanap ang tamang salita na dapat ay isasagot ko sa kaniya. Para akong nawawala sa isang madilim na kagubatan dahil sa titig niya- dahil muli kong nasilayan ang titig niya. "I guess, you're not paying attention." Muli nitong inilunod ang katawan sa pool at lumangoy palapit sa akin. "May I know why?" She mumbled. Umahon ang ulo nito sa tubig sa mismong harap ko. I gulped. Domoble yata ang ganda niya ngayon.

"You're too close, Ren-rensey." I uttered. Ngumisi lang ito na ikinabilis ng tibok ng puso ko. Fuck.

"I'm aware of it, Yeona." Ang mapaglarong ngisi sa labi nito ay naroroon pa rin. Maging ang mga tingin nito ay naging mapanukso. Pilit kong nilabanan ang mga titig nito ngunit sa huli ay ako rin ang natalo, ako rin ang unang umiwas ng tingin.

"I'm aware din sa ginagawa ko kanina. Isa pa, swimmer ako. Obviously, marunong akong sumisid kahit gaano pa kalalim ang tubig." Pilit kong nilakasang loob ko kahit sa totoo ay para akong hihimatayin dahil sa tinging ipinupukol niya. "W-what?" Nauutal ko saad nang inilapit pa nito ang mukha sa akin.

"I see. Bukod pala sa marunong kang mang-iwan, natuto kana rin lumangoy." Agad sumikdo ang puso ko nang bitawan niya ang mga salitang iyun. "Keep swimming, gotta go." Pagkasabi nito ng mga salitang ito ay lumangoy ito palayo sa akin kasunod nun ang pag-ahon niya sa pool. Sinundan ko ng tingin ang papalayo nitong likod. Nakita ko pang binati siya ng mga nakasalubong niyang estudyante. Wait- anong ginagawa niya dito sa University? At bakit- bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?

"Anong meron?" Agad kong usisa nang makapasok ako sa silid kung saan kami nagmemeeting nga mga kapwa ko swimmer. Nakita kong nakatayo sa harap ang instructor naming si Mr. Martinez.

"Alright. We all gathered here for one reason. Beginning tomorrow, hindi na ako ang magiging instructor/coach niyo." Agad umani ka ibat-ibang opinyon ang sinabi ni Mr. Martinez na agad niya rin pinatahimik. "I need to go abroad for some personal matters. Hindi ko naman kayo iiwan na walang maghahandle sa inyong magaling na swimmer. She's a gild medalist pagdating sa swimming. Everyone, let's all welcome your new coach, Professor Rensey Chua." Nang marinig ko ang pangalang iyun ay otomatikong napalingon ako sa likod kung saan nanggagaling ang yapak. Sinundan ko ng tingin ang babaeng sopistikadang naglalakad papunta sa harap. Ang babaeng bahagi ng nakaraan ko, na ngayon ay mukhang bahagi ulit ng kinabukasan ko.

Nang makatayo ito sa tabi ni Mr. Martinez ay iginala nito ang tingin. Hindi ko alam kung namamalikmata lamang ako pero kumislap ang mga mata nito nang tumama ang tingin nito sa akin.

"Mayroon lang ako isang bagay na hihilingin sa inyo, kapag napagod kayo sa bagay na ito, kapag pakiramdam niyo walang patutunguhan ang bagay na ginagawa niyo, huwag niyo iyun agad tatalikuran. Lalo na kung ang bagay na iyun, ay ang nagiging dahilan ng saya niyo. Do what you love, let's swim together." She said nang hindi inaalis ang tingin sa akin. Hindi ko alam kung tungkol sa swimming ba ang tinutukoy nito o ang nakaraan naming dalawa. "That's all for today, I guess. Let's meet again, tomorrow." Pagkatapos nitong sabihin ay naglakad na ito palabas ng silid. Hindi ako nito tinapunan ng tingin nang makadaan ito sa harap ko kaya nakahinga ako ng maluwag. Ang maluwag na paghinga ay agad din iyun napalitan ng panlalamig ng katawan nang maramdaman ko ang daliri nitong humaplos sa batok ko. Nang lingunin ko siya ay nakalayo na ito at tanging pagngisi na lamang ang natanggap ko sa kaniya. And, I guess I'm doomed.

PROFESSOR SERIES Where stories live. Discover now