Prologue

27 14 0
                                    

The Aftermath Of Being With Him Prologue


Napakagwapo niya talaga sana hanggang sa lumaki kami ay makasama ko siya, crush na crush ko talaga siya

Paano ba naman ang cute cute at ang bango bango pa niya. Nakita ko namang tumingin siya sakin nang nakangiti agad naman na namula ang mga pisngi ko

"promise mo sa'kin friends pa rin tayo hanggang paglaki ha!" sabi ko

"Oo naman, promise" saad nito at inabot ang pinky finger niya

"Promise" malambing na salita ko

"Paglaki ko hahanapin kita tapos magpapakasal tayo" sabi nito na para bang seryosong seryoso at tumitig sa akin

"Kasal? Ano yun?" curios na tanong ko

"Kasal, parang ano yung mommy at daddy natin magkasama silang dalawa tapos magkakaroon sila ng anak" pag eexplain nito at hinawakan ang kamay ko

"Sus! Ako papakasalan mo ko? Talaga ba? Baka naman kapag tumanda na tayo makahanap ka ng mas maganda pa sakin" sabi at ngumuso

"Hindi no para sakin ikaw lang ang pinakamaganda" nakangiting sabi nito

Napahawak naman ako sa magkabilang pisngi ko pagkatapos ay napahawak ako sa dibdib ko, ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso ko

Wahhh mommy, normal lang ba to? TwT

Sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko at niyakap ako

"Talaga ba? Kung ganon mas maganda pa ako kay Alessandra?" sabi ko at tinuro ang kalaro namin na si Alessandra

"Oo naman Aya" sabi nito at pinisil pisil ang magkabilang pisngi ko

"Oo nga pala may gusto akong sabihi-"

Hindi ko na natapos ang gusto kong sabihin ng biglang sumulpot ang nakakabatang kapatid ni crush

"Hoy! Kanina ka pa hinahanap ni mommy" sabi ng nakakabatang kapatid nito na nakapameywang

"Huwag mo kong ma hoy! Hoy! baka nakakalimutan mo kuya mo ko no" sabi ni crush atsaka tumayo

"Bleh" sabi ng kapatid nito at bumelat

"Ano nga pala Aya ano ang gusto mong sabihin?"

malambing na sabi nito at inilahad ang kamay niya, inabot ko naman ito at tumayo rin

"Wala hehehe bukas ko na lang sasabihin" sabi ko at ginulo gulo ang buhok niya

"Eh bakit bukas pa? Pero dahil sabi mo sige, bye Aya! See you tomorrow layo tayo ulit" sabi nito at hinalikan ako sa pisngi tsaka kumaway paalis

"Bye A-"

Little did we know that it would be the last time that we would see each other

Agad akong nagising at hinabol ang hininga ko. Wait ano nga ba ang pangalan niya? A?

Bakit ba palagi ko siyang napapaginipan? Mga memorya ko ba yun when I was still young? bumangon na lang ako tsaka naghanda na papasok sa school

"Good morning mommy, good morning daddy" pagbati ko kay Mommy at daddy atsaka hinalikan sila sa pisngi

"Good morning darling! You're finally in highschool, basta remember if may nang aaway sayo andito lang si mommy" sabi nito at hinawakan ang tinidor tsaka tinusok sa hangin

"Ano ka ba Miya baka mamaya ay maging war freak pa ang anak natin dahil sayo, huwag kang makinig diyan sa mommy mo nak! Basta tandaan mo pag may nang-aaway sayo huwag mo na lang patulan" sabi ni daddy tsaka kinurot si mommy

Ngumuso naman si mommy "sus! Basta Aya pag may nang away sayo huwag ka papaapi" pagpupumilit ni mommy

Tinignan naman ito ng masama ni daddy "by the way dahil first day of school mo ngayon nak, kaming dalawa ni mommy mo ang maghahatid sayo" nakangiting sabi ni daddy

"Talaga daddy?" tuwang-tuwa na sabi ko

"Yeah, napansin ko rin lately masyado kaming naging busy ni daddy mo at napapabayaan ka na namin kaya we adjusted our schedule para lang masamahan ka namin ngayon" sabi ni mommy at hinaplos ang kamay ko

I'm so glad that I'm born with these parents who love me unconditionally

Pagkatapos naming kumain at hinatid na nga ako ni mommy at daddy sa school

at dahil nga hindi namin namalayan ang oras dahil magkausap kaming tatlo

Ay late na ako, waaaaah!

I'm late, pagkapasok ko sa school ay agad akong tumakbo, shet I'm late.

Teka? Saan nga pala yung room ko? Napatingin ako sa paligid ang lawak lawak pala dito mas malawak pa sa elementary school ko huhu

At wala man lang katao tao, huhu malamang Aya diba school hours na and 15 minutes ka ng late

Ewan ko na kung saan ako papunta basta tumakbo lang ako nang tumakbo

"Ouch" mahinang daing ko ng mapatumba ako

Shet may nabangga ako and worst nadaganan ko pa siya. Tinignan ko ang mukha nito.

Familiar

"Miss?" nahihiyang sabi nito

"Omg I'm so sorry" sabi ko at tumayo at pinagpag ang buong katawan ko

"No, okay lang, by the way you look familiar" saad nito at tinignan ng maigi ang mga mata ko

Agad naman na bumilos ang tibok ng puso ko at hindi na nakapagsalita pa

"By any chance naliligaw ka ba?" Tanong nito at tinignan ako sa mata agad naman ako na nag iwas ng tingin

Omg. I can't look straightly into his eyes

"Uhm.. oo eh" nahihiyang sabi ko at tumalikod kasi ramdam ko talaga na nag iinit ang pisngi ko

"Gusto mo hatid na kita sa room mo?" pag aalok nito

"Sure ka? Mukhang malalate ka na rin sa class mo oh" pag aalanganin na sabi ko

"Okay lang because we own this school dali na hatid na kita sa room mo sige ka maliligaw ka dito and there's a chance that you'll miss your entire class" sagot nito at ngumiti

"Uh okay" nahihiyang tugon ko

"By the way saan nga pala ang room mo?" Tanong nito sakin

Sasagot na sana ako ng biglang may dumating na apat na lalaki. Lahat sila ay guwapo at may matatangos na mga ilong pero mas gwapo pa rin yung lalaking nasa harap ko ngayon.

"Hey Arjie kanina ka pa namin hinahanap" sabi ng isang lalaki na parang may lahing japanese

Wait? Familiar! Yung pangalan niya ay

"Arjie?" Mahinang bulong ko

Kasabay ng pagka alam ko ng pangalan niya ay ang pagbalik ng mga alaala kong kay pait na dapat sana ay hindi ko na naalala ulit.

The Aftermath Of Being With HimWhere stories live. Discover now