IV

46 37 0
                                    

The Aftermath Of Being With Him - Chapter Four: Unexpected

-----------------------------------------------------------

Patuloy pa rin sa paghahanap si Arjie kay Aya at hanggang ngayon ay hindi nya parin ito nakita

Nanlulumong bumalik si Arjie sa kung saan sila nagkita ni Aya, laking gulat nya ng makita nya doon si Aya na naghihintay

"Saan ka galing?" Alalang sabi ni Aya

Kay Arjie na ngayon ay magulo ang buhok at puno ng pawis, kumuha si Aya ng panyo galing sa kanyang shoulder bag at pinunasan ang pawis ni Arjie

"Hinanap kita... bigla ka na lang kasi nawala" hinihingal na saad ni Arjie

"Hala sorry, nagrestroom lang ako hindi na kita inisturbo kanina kasi mukhang seryoso ka sa kinakausap mo sa cellphone kanina" pagpapaumanhin ni Aya

Napabuntong hininga na lang si Arjie at ngumiti "Basta sa susunod magpaalam ka muna" sabi nya at ginulogulo ang buhok ni Aya

Agad naman napahawak ng ulo si Arjie "shit bakit biglang sumakit ang ulo ko" sabi nya sa kanyang isip at hinihilot hilot ang kanyang ulo

"Okay ka lang ba?" Alalang sabi ni Aya

"Oo by the way sabi sakin ni dad pupunta tayo sa Villarreal ngayon" sabi ni Arjie at tinignan si Aya agad naman na umiwas ng tingin si Aya

"B-bakit? Bakit tayo pupunta sa inyo?" sabi ni Aya at nagulat ng biglang hawakan ni Arjie ang mukha nya at ilapit ni Arjie ang mukha nito sa kanya

"Parang nakita ko na talaga si Aya maliban kahapon" sabi ni Arjie sa isip nya habang tinitigan ang mga mapupungay na mata, matangos na ilong at mapupulang labi ni Aya

"Medyo kamukha nya si Mitch hindi mas maganda sya kay Mitch pero mas maganda pa rin si Mitch, wtf ano ba tong nasa isip ko i guess dapat ko na talagang kalimutan si Mitch" sabi ni Arjie sa isip nya at binitawan ang mukha ni Aya

Halos habulin ni Aya ang hininga nya dahil magkalapit ang mukha nila ni Arjie kanina, napatalikod na lang si Aya at hinawakan ang dibdib nya na walang tigil sa pagtibok ng malakas

"Basta, I'll explain it to you while we're in the car" tugon ni Arjie at hinawakan ang kaliwang kamay ni Aya at hinila ito

"S-saan t-tayo p-punta?" naguguluhang sabi ni Aya at tumingin si kanyang kamay na ngayon ay mahigpit na hawakhawak ni Arjie, kinurot nya ang magkabilang pisngi nya

"sigurado ba talagang hindi panaginip to?" Sabi ni Aya sa isipan nya at sinampal ang pisngi nya na agad naman syang napatigil ng biglang lumingon si Arjie

Nagtama ang tingin nilang dalawa at agad namang umiwas si Aya dahil naiilang pa rin sya rito

"Pupunta tayo sa parking lot ng mall na to or should I say ng mall nyo by the way, okay ka lang ba? Kanina ka pa namumula sabihin mo lang sakin kung hindi maganda ang pakiramdam mo" sabi ni Arjie

"Okay lang ako" agad naman na sagot ni Aya

Nanatiling tahimik ang dalawa hanggang sa makapunta sila sa parking gulat, laking gulat naman ni Aya ng makita nila ang kanilang sasakyan katabi ng sasakyan na binuksan ni Arjie

Pinagbuksan naman ni Arjie si Aya ng sasakyan "pasok na Aya" malambing na sabi ni Arjie

"Teka lang ha, mukhang andito pa kasi yung sundo ko sana" sabi ni Aya at kinatok ang sasakyan "Kuya Francis! Kuya Francis!"

Agad namang nagising ang lakaki na matipuno sa sasakyan at binuksan ang bintana ng sasakyan

"Ma'am sabi po pala ni Daddy nyo dito kayo sasakay papunta sa Villarreal" sabi ni Francis at napangiti na agad ring nawala ng makita nya si Arjie

The Aftermath Of Being With HimWhere stories live. Discover now