VI

40 33 0
                                    

The Aftermath Of Being With Him - Chapter Six: Intentions

-----------------------------------------------------------

It was already October 9, 2020

3 days had passed since Arjie knew na ikakasal na si Mitch,

Napagdesisyonan ni Arjie na tuluyan ng kalimutan ang dati nyang nobya na si Mitch at ituon na lang ang pansin sa fiancee nyang si Aya

Sa loob ng tatlong araw na nakalipas ay magkasama sila laging dalawa

Na ikinagalak naman ni Aya, dati pa man ay gustong gusto nya na makasama lagi si Arjie na hindi nya magawa dati

Sa loob ng tatlong araw na iyon ay lagi silang dalawa na namamasyal at kumakain sa labas

Ngayong October 9, 2020 naman ay napagdesisyonan ng dalawa na gumala sa AM or Asia's Mall na pagmamay ari ng pamilya nina Aya

Sa kasalukuyan ay hawak kamay na naglalakad ang dalawa tungo sa paboritong fast food chain ni Arjie yung ay ang McDonald's

"Ano ang gusto mo?" Nakangiting tanong ni Arjie kay Aya pagkapasok nila sa McDonald's

"Ikaw? Joke ikaw bahala" Pabirong sabi ni Aya at tumawa

"Sure! I'm all yours" sabi ni Arjie sabay kindat kay Aya at pumila na sa counter para umorder ng makakain nila ni Aya

Napahawak si Aya sa dibdib nya at sinundan ng tingin si Arjie na pumipila sa counter "shet! Inlove na talaga ako" sabi ni Aya sa isipan nya

nag inhale exhale na lang sya at naghanap ng table na mauupuan nila ni Arjie

Nang makita nyang bakante ang table na malapit sa dingding na glass ay ka agad syang lumapit dito at umupo

Hanggang ngayon iniisip pa rin ni Aya ang naging pag uusap nila ng kanyang mommy at daddy kagabi

October 8, 2020 8:35 pm

"Now we know, bakit hindi magkanda ugaga yang si Vicencio na ipakasal ang anak nila kay Aya" taas kilay na sabi ni Miya (ang ina ni Aya)

"Bakit nang una pa lang ba hindi mo na napaghahalataan yang mga yan" seryosong tugon ni Lucio ( ang ama ni Aya) at pinagpatuloy ang pagkain

Kasalukuyang kumakain si Aya kasama ang kanyang mga magulang

"Ano po bang ibig nyong sabihin" takang tanong ni Aya sa kanyang mga magulang

"Well we just knew! Na nalulugi na pala ang kompanya nila so I just thought na maybe kaya ka papakasalan ni Arjie anak ay for them to gain their reputation at para na rin sa stocks nami-"

hindi na natapos ni Miya ang vusto nyang sabihin ng tapikin sya ni Lucio at ngumuso kay Aya, napatakip naman ng bunganga si Miya

"Ah well hindi ko naman gustong sabihin na gusto ka lang pakasalan ni Arjie dahil nga doon pero siguro nga gusto ka talagang pakasalan ni Arjie" sabi ni Miya at ngumiti

Tumango na lang din si Aya bilang tugon, napabuntong hininga na lang si Lucio at tinignan ang asawa nyang si Miya ng masama, nagpeace sign na lang din si Miya

Current time

Hindi mapigilang isipin ni Aya na paano nga kung tama ang sabi ng kanyang ina

Na baka papakasalan lang sya ni Arjie ay dahil para sa kompanya nila

"Paano nga kung tama si mommy?" Mahinang utal ni Aya,

agad naman syang nagulat ng biglang sumulpot si Arjie at pinatong ang dala dala nyang tray sa lamesa

The Aftermath Of Being With HimWhere stories live. Discover now