"I'm sleepy." Mahina nitong bigkas. Tumayo ako saka inayos ang pagkakahiga niya sa kama.

"Take a rest, okay. Paggising mo, may surprise ako sayo." Hinalikan ko ang noo nito, bahagyang gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi saka kinapa ang kamay ko. Hinawakan niya yun nang mahigpit hanggang sa tuluyan siyang makatulog.

Habang natutulog si Seiki ay muling pumasok ang doctor sa silid upang muling tignan ang kalagayan nito. Umiling-iling ang doktora nang ibaling nito ang tingin sa amin.

"Her body is getting weaker. Pwede tayong magsagawa ng heart transplant, kung gusto niyo. Ang problema lang ay kung tayo makakahanap ng compatible na heart niya, sa kaniya." Itinukod ko ang aking braso sa kama kung saan nakahiga si Seiki. Biglang nawala ang kaunting pag-asa sa puso ko. Biglang gumuho lahat ng pag-asang meron ako, kami.

Halos masira ang keyboard ng laptop ko dahil sa mabilis kong pagtatype. Nasa pangalawang kabanata na ako ng story na ginagawa ko, story kung paano nagsimula ang lahat sa amin ni Professor Guarin.

"Couz, gabi na. Matulog ka na." Binalewala ko ang pagsulpot ng pinsan ko sa aking kwarto. Hindi ko inalis ang atensyon sa screen ng laptop ko. Kailangan kong tapusin ito, kailangan kong ipabasa sa kaniya ito, kailangan niyang malaman na mayron na akong title ng lovestory naming dalawa. Kailangan paggising niya ay makita na niya agad baka.. baka sakaling gumaling siya.. baka sakaling lumakas siya.. baka sakaling mawala ang sakit niya. "Deinn.."

"I can't sleep. I don't want to. Ayoko." Kasabay ng aking pagpiyok ang mga luhang muling tumulo sa mata ko. "Mahal na mahal ko siya. And.. I don't know what to do, how to start kapag nawala siya.. so please, leave me, hayaan niyo na muna ako." Bumuntong hininga ang pinsan ko hanggang sa marinig ko na lamang ang yapak nito papalabas ng pinto. Isinubsob ko ang aking mukha sa study table ko saka pinakawalan ang mga luhang pilit kong itinatago.

Pinagmasdan ko ang mataas na gusali. Nagliliwanag ito dahil sa mga ilaw. Alas-kwarto na ng madaling araw at heto ako, nasa harap ng isang publishing company dala ang bagpack ko kung saan nakalagay ang laptop ko at ang ilang mga papel patungkol sa istoryang ipapa-publish ko ng wala sa oras. Alam kong imposibleng mangyari ang gusto ko pero wala akong pakialam. Lahat gagawin ko para kay Seiki.

"I wanna talk to Miss Olivia." Agad kong turan sa guard na sumalubong sa akin.

"May appointment po kayo, Ma'am?" Tanong nito saka ako pinasadahan ng tingin. Hindi parin ako nakakapalit ng aking damit. "Minor po ba kayo, Ma'am?"

"Wala akong appointment. Hindi na ako minor." Seryoso kong sagot dito. "I wanna talk to your manager, right now."

"Hindi po pwede kapag—".

"What's going on here?" Nilingon ko ang tinig mula sa aking likod. Bumungad sa akin ang isang babae na mukhang kakagaling lang sa tulog.

"Ma'am Athenna, gusto daw pong makausap si Ma'am Olivia e." Sagot ng gwardya sa kaniya.

"Bakit?" Tumingin ito sa akin. Binuksan ko ang aking dalang bag saka pinakita ang files ng story ko. "You want to publish this?"

"Please. Isang copy lang ang kailangan ko. Para lang sa girlfriend ko, please." Pagmamakaawa ko dito. Saglit ako nitong tinignan saka pinunasan ang luha sa gilid ng mata ko. Kasunod nun ang paghila nito sa akin papasok ng gusali.

Inilibot ko ang tingin sa silid. Ang opisina ni Olivia. Nagkalat ng mga papel at ibat-ibang libro sa sahig.

Pinanuod ko silang dalawa na mag-usap hanggang sa titigan ni Olivia ang screen ng laptop ko. Ilang minuto siyang nanatili doon hanggang sa iangat nito ang tingin sa akin.

"Hindi pwede yung gusto mong mai-publish ito. Masiyadong mabilis at isa pa may sinusunod rin kaming protocols. Kung gusto mong maibigay ito sa girlfriend mo na mukhang libro, i can help you with that." Saad nito saka inusod ang kapirasong tissue na nasa ibabaw ng mesa niya. "She'll be fine. Kahit hindi mo sabihin, batid kong story niyong dalawa ito. Wipe your tears and take a nap while, I'm doing this." Tumango ako sa kaniya saka lumakad palapit sa mesa niya. Dinampot ko ang tissue na naroroon saka pinunasan ang luha ko. Iginaya rin ako sa mahabang sofa ng babaeng humila sa akin kanina.

PROFESSOR SERIES Where stories live. Discover now