Hininto ko ang minamanehong sasakyan ng marating ko ang dating bahay ni Miss Chad. Sa bahay niya kung saan niya ako iniwan. Mula sa salamin ay pinagmasdan ko ang labas ng bahay gaya ng dating ginagawa ko kapag namimiss ko siya.



Lumabas ako sa aking kotse upang mas mapagmasdan pa ang bahay niya. Hindi ko alam kung dito pa siya tumutuloy nang makabalik ito sa Pilipinas. Simula nang umalis din ito ay wala na akong naging balita sa kaniya. Ni hindi ko alam na naging Attorney rin pala ito dahil maging ang mga social media, ay denelete niya.



Marami akong gustong itanong sa kaniya. Marami siyang kailangan ipaliwanag sa akin. Mapait akong ngumiti habang ang mga mata'y nanatili sa malaking bahay.



"What's bring you here?" Agad kong nilingon ang tinig na iyun mula sa aking likod. Si Miss Chad. Seryoso itong nakatitig sa akin. "Attorney Erin, what are you doing here?" Lumakad ito palapit sa akin. Gusto ko itong hilahin upang yakapin siya, dahil sobrang miss ko ang presensya niya. Sa lumipas na taon ay isang bagay lang ang napatunayan ko, I'm inlove with her at kahit gaano pa kasakit, mamahalin ko parin siya.



"I'm just-." Napili ko na lamang na hindi ituloy ang sasabihin ko nang ngumisi ito sa akin. Ang epekto nito sa akin noon ay epekto parin niya sa akin ngayon.



"Wanna come inside?" Tanong nito saka binuksan ang gate. Alinlangan man ay sumunod ako rito, ito na ang pagkakataon ko upang malaman ang lahat. "Congratulations."



"Ha?" Narinig ko ang pilyong tawa nito dahil sa naging sagot ko.



"I said congratulations. Attorney kana." Binuksan nito ang refrigerator at kumuha ng tubig. Tumango ako saka sinimulang ilibot ang tingin.



"Buti may time ka pang inayos tong bahay mo." Puna ko. Napansin ko kasing maayos na maayos ang loob ng bahay niya. Maraming prutas rin ang nasa ibabaw ng mesa. "At buti, naalala mong bisitahin."



"Dito ako nakatira, Erin. Dito ako tumuloy nang makauwi ako." Inilapag nito sa harap ko ang basong naglalaman ng malamig na tubig. "A year ago, andito na ako. Nakikita ko nga madalas ang kotse mo sa labas ng gate ko." Nanlalaki ang mga mata kong dinampot ang baso ng tubig sa nilagok ito. "I guess, you're not mad at me."



"Bakit ako magagalit sayo? May ginawa kabang mali?" Seryoso ko itong tinignan. Napakagat labi ito. "Tell me.. what did you do, Miss Chad.. oh Attorney Chad?"



"Let's not talk about it. Go home Erin."



"We need to talk, Miss Chad."



"Erin!" Napatili ito ng hablutin ko ang braso nito saka hinila. Dire-diretso itong napaupo sa kandungan ko. "Let go of me, Attorney Erin. This is harassment."



"Harassment huh?" Nag-iwas ito nang tingin ng ako naman ang ngumisi sa kaniya. "Where your guts now, Attorney Chad?"



"You've changed." Mahinang usal nito. Hinawakan ko ang baba nito at iniharap sa akin.



"I am.. because of you." Gumuhit ang kirot sa mga mata nito. Pilit nitong iniwas ang tingin. Hinawakan kong mabuti ang baywang niya ng aakmain niyang umalis sa kandungan ko.



"I'm sorry." Parang sinaksak ng maraming karayom ang puso ko nang makita ang paglandas ng luha nito. "Alam kong gustong-gusto mong maging A, at ayokong masira yung pangarap mo dahil sa makasarili ako. Ayokong mawala yung pagkakataon mong maging abogada, dahil sa pagmamahal ko sa'yo. Natakot akong baka hindi mo matupad yung gusto mo kapag hindi ko nilayo yung sarili ko." Hindi maproseso ng isip ko ang mga binitawan nitong salita. Humihikbi itong itinago ang mukha sa leeg ko. "I'm sorry, Erin."



Hindi ko ito sinagot at tanging paghaplos nalang sa likod niya ang nagawa ko. Tuloy-tuloy parin ito sa paghikbi at dama ko ang sakit na nararamdaman niya, kagaya ng nararamdaman ko.

PROFESSOR SERIES Where stories live. Discover now