Pagkapasok ko palang ng opisina ni Miss Chad ay ang nakangiting mukha na agad nito ang bumungad sa akin. Napapansin kong mas nagiging masayahin ito sa bawat araw na lumilipas.



"Saya mo ha." Puna ko sa kaniya. Umirap ito ngunit agad ding ibinalik ang ngiti sa labi niya.



"Syempre, ikaw ba naman ang kasama ko tuwinh tanghali e."



"Whatever, Miss Chad." Inilapag ko sa mesa ang mga librong kailangan ko muling basahin.



"Call me, Love. Tayong dalawa lang naman dito."



"Huwag kang flirt diyan, mag-aaral ako." Lalong lumaki ang ngiti nito sa labi. Ilang sandali lang ay tumayo ito saka lumapit sa akin. "Kung ano man yang iniisip mo, please lang.. huwag mo na ituloy."



"Wala naman akong iniisip e, yayakapin lang kita kasi namiss kita." Niyakap ako nito mula sa aking likod. Napansin ko ang biglang pagtahimik nito kaya't hindi ko maiwasang hindi mag-alala.



"You okay?" Hinawakan ko ang kamay nito saka ko hinalik-halikan.



"Kakausapin ako ng Dean mamaya." Hindi ko maunawaan ngunit may kakaibang kaba akong nararamdaman. Alam na ba ng Dean ang namamagitan sa amin ni Miss Chad? "Wait mo ako sa bahay ha. Hmm, nuod tayong Netflix." Malambing nitong saad. Alam kong sinadya niyang pasiglahin ang boses niya upang hindi ako mag-alala. Pero paano akong hindi mag-aalala kung reputasyon niya ang nakasalalay? Kung sakaling malaman ng lahat, siya yung labis na maapektuhan.



Hindi ko alam kung ilang beses na akong tumingin sa orasan at kung ilang ulit pa ang gagawin kong paglingon sa pintuan. Isang oras na akong naghihintay kay Miss Chad, gaya ng hiling nito sa akin kanina ay hinihintay ko siya ngayon sa bahay niya. Ang kabang nararamdaman ay nawala nang makita ang sasakyan nito. Agad akong lumabas upang salubungin siya. Gumihit agad ang ngiti nito nang makita ako.



"Anong sinabi sayo?" Tanong ko nang nasa kama na kami pareho. Tanging pagyakap lang ang nakuha ko mula sa kaniya.



"Hmm, hindi naman ganun kaimportante. Huwag na natin pag-usapan, let's just enjoy this night." Wika nito sa akin saka ipinasok ang kamay niya sa damit ko.



"Akala ko ba manunuod lang, Miss Chad." Tinawanan ako nito saka kinagat ang balikat ko.



"Nagbago na isip ko e." Inamoy-amoy nito ang leeg ko. "I want you to own me tonight, Love." Bulong nito sa tainga ko.



"Miss Chadd.." Mahinang gumalaw ito sa tabi ko. Hindi ako makagalaw dahil sa pagdikit ng balat nito sa akin. Nang hindi ako nagreak sa galaw nito ay masama itong tumingin sa akin.



"Make me yours, Erin! Tonight!" Singhal nito.



"Teka lang naman, hindi ako prepar- Miss."



"Ayokong inuulit ang sinasabi ko, Erin." Napaawang ang bibig ko sa sunod na ginawa nito. Tumayo ito sa kama tsaka inisa-isang inalis ang suot niya. Heto na naman ako sa part na manghang-mangha sa kung gaano kaganda ang katawan niya. "Tell me, if ayaw mo sa akin-."



Hinila ko ang kamay nito kaya't tuloy-tuloy ang bagsak nito sa ibabaw ko. Hindi ko binitawan ang kamay niya saka hinalikan ang likod ng palad nito. Nanaig ang katahimikan sa aming dalawa.



"Erinn.." Humigpit ang hawak ko sa kamay niya dahil sa husky nitong boses. Kunti nalang ay mawawalan na akong control sa sarili. Muli, ay iginalaw nito ang katawan sa ibabaw ko and that's it, I lost my control.



Napasabunot ako sa sariling buhok saka mabilis na ipinagpalit ang posisyon naming dalawa. I am now on top of her. Nagulat pa ito sa naging galaw ko dahil namula ang pisngi nito. Bago pa ito makapagsalita, I immediately captured her lips while closing my eyes.

PROFESSOR SERIES Where stories live. Discover now