Part 33

2.7K 92 3
                                    


MAXINE

"Hi max." Walang ganang nilingon ko si jacobo na kakaupo lang dito sa tabi ko. Wala ako sa mood ngayon dahil sa mga nangyari kahapon saamin ni maam axia. Hanggang ngayon nag tatampo pa rin ako sakanya. Ilang beses nya ako sinubukang kausapin kanina pero hindi ko sya pinapansin.
"Ay deadma." Rinig kong bulong ni jacob.

" hindi ka na talaga tatalab dyan jacobo." Rinig kong sabat ni megan.

"Bakit naman?"

"Basta."

Walang ganang pinaikot ikot ko ang tinidor sa pasta ko saka ito sinubo.

"Speaking of."

"Good afternoon maam archeles." Bati ng dalawa kong kaibigan sa bagong dating. Walang ganang inangat ko ang paningin ko sa bagong dating at nakita ko na ansama ng tingin nya kay jacobo.

"Good after maam." Nakangising bati din sakanya ni jacobo.

"Andito ka na naman?"
Irita na tanong ni maam bago umupo sa tabi ko.

"Palagi naman akong nandito, lalo na nung panahong wala ka maam. Sayang nga hindi mo nakikita." Mabilis kong nilingon si jacobo pero ngumiti lang ito saakin.

"Walang sayang sa hindi kita nakikita." Narinig ko ang pag pigil ng tawa ng dalawa kong kaibigan.
Pati nga ako nag pipigil na tawa dahil sa bangayan nitong dalawang kasama namin.

"Hindi naman kasi ako ang tinutukoy ko. What i mean is, Kaming dalawa ni maxine."

"Whatever. Kahit anong gawin mo, you can't have her." Sunod kong narinig ang pag ismid nya.

"Bakit ba g na g ka palage saamin ni maxine?"

"Saamin?" Maarteng tanong nya. "Sayo lang jacobo."

"Alam mo kung hindi ka lang babae, iisipin ko na may gusto ka kay maxin-"
Napaubo ako dahil sa naging detalye ni jacobo
"Okey ka lang ba max?" Akma nya sana akong hahawakan sa likod pero agad itong tinapik ni maam.

"Dont you dare to lay your filthy hands on her." Madiin at maawtoridad na sabi nito kay jacobo pero mukhang hindi naman natakot ang isa.

"Ano bang problema mo?" Medyo may kalakasang tanong ni jacobo kay maam at pagalet pa ang tono nya, napatingin na rin saamin ang mga studyante dito sa canteen. Mabilis akong uminom ng tubig bago ko hinarap si jacobo para pigilan ito.

"Tama na" pakiusap ko sakanya. Yung galit na aura nya kanina biglang lumambot.

"Im sorry max. Aalis na ako."

"Go." Tinignan ko si maam at pinandilatan sya ng mata. Sasabat pa e.
Nag iwas lang ito ng tingin saakin saka uminom ng tubig doon sa baso na ininoman ko.

"Sige na jacob" ngumiti ako sakanya at kumaway.
Tinignan pa neto ng masama si maam bago nag lakad palayo.

"Tsk." Rinig kong usal ng isa.

"Pwede ba sa susunod pigilan mo ang sarili mo? Napapaaway ka e." Pagalit ko sakanya.

"E ang bastos nya mag salita e. Can you stay away from him? Hindi ako komportable sakanya." Sabi neto saka sumubo nung pasta na kinakain ko.

REJECT the REJECTIONWhere stories live. Discover now