part 6

4.1K 161 7
                                    

MAXINE

"Tita alis na po ako." paalam ko kay tita. nag wawalis sya sa bakuran namin.

"sige anak. ingat ka ah? tyaka ano, pasabi sa tito mo kung pwede dito na kumain mamayang gabi." naku patay? paano ako nyan makakalapit kay tito lalo at si maam axia na ang boss ko. grabe pa naman yun mang bakod.

"opo." gagawan ko nalang paraan.

sumakay na ako sa trycicle papuntang sakayan. papasok ako ngayon sa alfonso camp. nag papasalamat ako dahil bakasyon na. makakapag full time na ako sa trabaho sa loob ng 2 months.

nag ready na ako para sa pagbaba ko. malapit na kasi ang sinasakyan kong bus sa alfonso comp.

"dito na lang po." sabi ko sa bus driver. bumaba na ako ng bus patawid pa lang ako ng may biglang sumulpot na sports car sa harapan ko. muntik pa akong masagasaan kaya napaatras ako.
grabe ang kabang naramdaman ko. ang masaklap hindi man lang nag sorry ang muntikang makabangga saakin. basta lang itong tumuloy sa pag papatakbo at ang mas kinagulat ko is pumasok ito sa parking ng alfonso.

"sino yun?" tanong ko sa sarili ko.
"napaka bastos." tumingin muna ako sa kaliwa at kanan ko bago tumawid.

tinignan ko ang orasan ko at hindi pa naman ako late.

kinuha ko ang foldable knife sa bag ko saka tumuloy sa parking.

good thing walang cctv dito sa parking. meron pero dalawa lang yung nasa entrance papasok ng parking at yung entrance naman papasok sa main building galing parking.

hinintay ko munang umikot ito at nung masiguro ko na hindi na ako nahahagip mabilis akong tumakbo papasok.

yumuyuko pa ako para hindi ako makita ng guard na nasa bukana papasok sa main building.

hinanap ko ang black sportcar na sinadyang sagiin ako kanina. buti nalang hindi sya nag tagumpay.

alam ko na sinadya nya dahil malayo palang sya sumenyas na ako na tatawid ako pero hindi ko alam na dumeretso pa rin sya.

nakita ko ito sa may bandang gilid nakapark. mabilis akong lumapit dito. agad kong tinusok ang gulong saka dahan dahang binunot ang kutsilyo para hindi mag ingay masyado ang hangin sa pag labas.

nang masiguro ko na wala na itong hangin. nag madali na akong bumalik palabas ng parking sakto naman na hindi nakatutok ang cctv kaya tumakbo na ako.

inayos ko ang sarili ko bago pumasok sa lobby.

"good morning max." bati saakin ni kuyang guard.

"good morning kuya ron" bati ko sakanya pabalik.

Pag dating ko sa harapan ng opisina ni maam axia pumasok na ako. napatingin ako sa pinto papasok sa main office ni maam.

sure ako na nandito na sya dahil may nakapatong na folder sa table ko. sya lang naman ang maglalagay neto sa table ko dahil sya ang boss ko.

After ko ayusin ang mga gamit ko binuklat ko na ang folder. may papel na nakapatong sa documents.

bring me coffee. wag mo lalagyan ng lason dahil papatayin kita.

napa ismid ako dahil sa nabasa ko.
anong akala nya saakin mamamatay tao? hindi naman ako kagaya nya.

tumayo ako para kuhaan sya ng kape.
pag bukas ko ng pinto sakto naman na nasa labas si maam.

may dala syang folder.

sinamaan nya ako ng tingin.

"tabi." mataray na sabi neto. hindi sinasadyang napatingin ako sa mga labi nya. medyo hilom na ang sugat sa labi nya.

REJECT the REJECTIONWhere stories live. Discover now