part 14

3.8K 117 8
                                    


MAXINE

"kaya ko na maam"
sabi ko sakanya. paano ba naman gusto pang sya ang mag suot saakin ng seatbelt.

"i told you to call me, axia. A.X.I.A." inispell nya pa talaga pangalan nya saakin.
"and beside you we're no longer my student anymore." nag taka ako sa sinabi nya. kasi ang alam ko 2 months lang ang suspension nya at sa pagkakaalam ko rin may subject syang hinawakan sa 4rth year.
"joke lang." wow marunong rin pala mag joke ang professor na to.

"pero seryoso ako. call me, AXIA nalang, maxine."
napatingin ako sakanya dahil sa huling binanggit nya.
tinawag nya ba ako sa pangalan ko? ito ang kauna unahang tinawag nya ako sa pangalan ko. usually kasi perez ang tinatawag nya.

tapos nya ng ikabit ang seatbelt ko, kaya lumayo na sya saakin.

"okey." yun nalang ang nasabi ko.
nag drive na sya para ihatid ako sa bahay. ayaw pa sana ni luxx pumayag kasi gusto nya sya ang maghahatid saakin dahil sya daw ang nag yaya saakin kumain. pero itong isa hindi nag patalo dahil sya daw ang maghahatid saakin. muntikan pa nga silang mag away e kaya wala na akong nagawa kundi sumama kay maam.

nalipat ang tingin ko kay maam axia. seryoso lang syang nag dadrive at nakatingin sa daan. feeling ko may malalim syang iniisip.

ilang beses ko na syang napagmasdan pero ngayon ko lang napansin ang sobra sobrang kagandahan nya.
hindi ko akalain na may ganito kaming relasyon sa isat-isa. ilang beses nya na akong nakuha, at hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na may ganito kaming connection.

nag iwas ako ng tingin sakanya dahil mukhang bumalik na ang senses nya sa nangyayari. hindi na sya tulala ngayon at baka madakip nya pa akong nakatitig sakanya.

napatingin ako sa cellphone nya na nasa dashboard. tumunog kasi ito. tumatawag ang mommy nya.
tumingin muna sya saakin bago kinuha ang cellphone nya at sinagot ang tawag.

"mom." panimula nya

"yeah.. pauwi na rin ako.. sige daan ako dyan mamaya. bye i love you." ibababa na sana nya ang cellphone pero mukhang nag salita ulit ang mommy nya. napansin ko ang pananahimik nya at ang pagbabago ng mood nya, pero kalaunan nagsalita ulit sya. "mom, wala na kaming connection and kung magkita ulit kami hindi na namin maibabalik ang dati. she left me, remember?"
medyo may inis na sabi nya.
binaba na rin nya ang telepono pagkasabi nya nun. mukhang nainis sya sa sinabi sakanya ng mommy nya para mag kaganito sya.

"o-okey ka lang?" tanong ko sakanya dahil mukhang hindi sya okey, pero mukhang wala naman syang balak sagutin ako kaya nanahimik nalang ulit ako. sino nga ba naman ako para sagutin nya.

"yeap. medyo masama lang pakiramdam ko." muli kong binalik ko ang paningin ko sakanya. masama pala pakiramdam nya sana hindi na lang nya ako hinatid at umuwi na lang sya para makapag pahinga na sya ng mas maaga.

"ibaba mo na lang ako dyan sa tabi. mag commute na lang ako para makauwi ka na at makapag pahinga." nag aalalang sabi ko sakanya. napansin ko ang pag daan ng munting ngiti sa mga labi nya bago sya tumingin saakin.

"nag aalala ka sakin?" anong klaseng tanong yan? natural, oo. masama pakiramdam nya.

"natural po."

"hindi na, ihahatid na kita. ako naman may gusto net-"

"pero masama pakiramdam mo?"
mahina itong tumawa. at hindi ko alam pero ang gaan sa pakiramdam na marinig ang ganong klaseng tawa nya. ito ang unang beses na narinig ko syang tumawa ng ganito.

"im okey. pero kung gusto mo na umuwi na ako, then sumama ka sa bahay." natahimik ako sa sinabi nya. kakaiba talaga.
ayaw ko nga baka mamaya kung ano na naman ang gawin nya saakin, nakakailan na sya.

"no thanks" yun na lang ang sinabi ko.

"isang kiss na lang, sure na gagaling na ako."
tumaas ang kilay ko sa sinabi nya. binaling ko ang tingin ko sakanya at doon ko nakita ang kakaibang ngiti.

"ang manyak mo talaga." sabi ko sakanya saka nag iwas ng tingin.

"what?" natatawang tanong nya. "nagtatanong nga ako diba?"

"ewan ko sayo. kung gusto mong halik, doon ka sa secretarya mong parang ispasol sa puti ng foundation. hindi ko nga alam na ganun pala ang mga tipo mo sa babae." naiinis na sabi ko pero muli nanaman syang tumawa.
ano bang problema nya at tawa sya nang tawa?

"maganda naman sya ah?" maganda? anong maganda dun? mas maganda pa nga ako dun. tss.
tumahimik sya sandali pero muli ring nag salita.
at nakakairita. sana hindi na lang sya nag salita. tss
"maganda sya." mas maganda ako
"at matalino." matalino naman ako
"hindi pakipot" hindi naman ako nagpapakipot ah? nakakainis lang talaga ang ugali nya nung ako pa ang secretarya nya.
"sinusunod ang mga gusto ko." sinusunod ko rin naman ang nga gusto nya ah? except doon sa mga ibang gusto nyang mangyari. ang manyak nya kasi wala na sa lugar.
"at easy to be- get" pagbago nya sa sasabihin nya sana.

"ganyan rin naman ako ah?" wala sa sariling sabi ko pero agad rin akong napatingin sakanya ng marealised ko kung ano ang sinabi ko. "i mean-"

"got cha." sabi nya na may malaking ngisi sa labi. bwisit, bakit ang hot nya sa paraan ng pag ngisi nya?

"hindi ganyan ang ibig kong sabihin." pagiiba ko.
"i mean. sinusunod ko rin naman ang mga utos mo at gusto mo."

"bakit? natatawang tanong nya "wala naman akong sinasabi na kakaiba ah?"

"kilala kita. at sa kamanyakan mo alam ko kung ano ang ibig mong sabihin." naiinis na sabi ko pero tumawa lang sya ng malakas na ikinainis ko.

"e totoo naman diba? hindi mo naman talaga sinusunod ang mga gusto kong gawin."

"dahil ang bastos mo." inis na sabi ko
"kakaiba ang gusto mong gawin. kaya mo nga ako pinalitan diba? kasi hindi ko nagagawa ang mga gusto mong gawin ko at yung bago mong secretarya nagagawa nya at mukhang gustong gusto naman nya!"
nag iwas ako ng tingin sakanya dahil kitang kita ko na nagulat ito sa mga pinagsasabi ko.
nakakabwisit.

"bakit ka ba nagagalit?" maya maya tanong nya. hindi ko sya nilingon at nakatingin pa rin sa kalsada.

"hindi ako galet." sabi ko "at isa pa bakit naman ako magagalet? maganda nga na pinalitan mo na ako. at least kay luxx ako napunta at mabait sya wala syang kabastusang ginagawa saakin."

"tss. kung ayaw mo edi sana nagsabi ka. pumapayag ka namang gawin natin yun diba?"

"oo dahil minsan binablackmail mo ako. galet ka saakin kaya natatakot lalo at kailangan na kailangan ko ng trabaho. yun lang ba ang gusto mo? sex?"

"yung kanina? gusto mo naman yun diba?" tanong nya habang nasa daan ang tingin. hindi ako umimik.
"silent means yes. i think ginusto mo naman yun"
hindi pa rin ako umimik.
"i promise hindi na kita pipilitin if ayaw mo, basta mag sabi ka lang."

"need pa ba mag sabi? what if wag mo na lang gawin?"

"fine. kung ayaw mo edi wag. ang ganda ganda ko na umaarte ka pa dyan. samantalang andami daming naghahabol saakin mapababae lalake."

"im not them."

"then lets see. sisiguraduhin ko na ikaw ang unang lalapit saakin para may mangyari saatin." napa ismid na lang ako.

"hindi ako kagaya mo no. hindi ako sex addict kagaya mo."

"then lets see." napalunok ako sa pag smirk neto. nag iwas na lang ako ng tingin sakanya at hindi na ako sumagot pa. buti na lang at tumigil na rin sya. walang nagsasalita saaming dalawa hanggang sa nakarating kami sa bahay.

"salamat." yun na lang ang nasabi ko saka mabilis na bumaba.

••••

REJECT the REJECTIONWhere stories live. Discover now