part 10

3.9K 155 10
                                    



MAXINE

nagising ako dahil sa silaw ng liwanag ng araw sa bintana ng kwarto ko. napakusot ako ng mata naramdaman ko na may gumalaw na kamay sa may tiyan ko at doon ko lang naalala si maam axia. nilingon ko sya mabibigat pa ang pag hinga neto.

dahan dahan kong inalis ang kamay nya sa pag kakayakap nya saakin. at ng matanggal ko na ito bumangon na ako.  inayos ko ang kumot nya

hindi pala ito nakapag palit man lang ng damit. kung ano yung suot nya pag punta dito kagabe yun pa rin ang suot nya ngayon.

pumasok na ako sa banyo para makaligo pag katapos ko lumabas na ko at nadatnan ko si maam na tulog na tulog pa rin. yakap nya ang unan ko

napailing na lang ako bago nag lakad palabas ng kwarto

"nasaan si max?" nakaramdam ako ng matinding kaba dahil sa taong nag salita sa kusina. si tito alfred.
ano nalang ang sasabihin ko pag nag pang abot sila ni maam?

nag paikot ikot ako dito sa sala habang nag iisip.
hindi ko rin pwedeng sabihan si tito na kailangan nya ng umalis dahil nandito si maam. ano nalang iisipin nya? na natutulog ang anak nya kasama ko?
baka magalit sya saakin.

"for sure tulog pa yun. pumunta yung kaibigan nya dito kagabe dito ata natulog. diko nga alam na may kaibigan pala ang batang yan, ngayon lang kasi may pumuntang kaibigan nya dito."
sagot ni tita.

napasabunot ako sa buhok ko.

ano na?

"good to know."
makakapag good to know pa kaya si tito pag namalan nya na anak nya ang pumunta dito kagabe?

paano na to? lagot na talaga ako.

"oh maxine?" nalipat ang tingin ko kay tita na papasok ng sala.
"gising ka na? asan na ang kaibigan mo? nandito ang tito mo sabay sabay na tayong kumain."

"tulog pa tita. baka mamaya pa yun magising." sana nga.

"o siya sige. mauna na tayo. halika na."

agad na akong sumunod sakanya papuntang kusina.

"morning tito alfred."

"morning hija." bati nya pabalik. "nasaan na yung kaibigan mo?" napakamot ako ng ulo. tumayo ito para halikan ako sa tuktok ng ulo. ganito talaga sya saakin.

"nako tulog pa po-"

"morning." agad akong natigil sa pag sasalita dahil sa taong kakapasok pa lang sa kusina.
napalunok ako dahil sa galet na titig nya sa ama nya.

"oh hija gising ka na pala? halika na at kumain."

"axia?" gulat na usal ni tito habang nakatingin sa anak nya at maya maya saakin.
"what are you doing here?"

"mag kakilala kayo?" tanong ni tita sa dalawa.

tumayo ako para sundan si maam na nag mamadaling lumabas ng kusina. tatayo rin sana si tito pero senenyasan ko na ako nalang kakausap. humingi rin ako permission kung pwedeng ako nalang mag sabi buti pumayag sya.

lumabas ako ng bahay at ng masiguro ko na hindi pa nakakalabas ng bahay si maam muli akong pumasok saka pumunta sa kwarto ko.

nadatnan ko syang sinusuot ang heels nya kagabe.

"maliwanag pa sa sikat ng araw ang nakita ko perez. and dont you dare to deny it in front of my face." galet na usal neto.

"mali ang akala m-" hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil basta basta na lang ito tumayo at galet akong hinarap. dinuro nya pa ako.

REJECT the REJECTIONWhere stories live. Discover now