Part 28

3K 121 16
                                    

MAXINE

"Miss matinong tao itong si gio. Ang tagal ko na itong nakakasama sa trabaho kaya mag hinay hinay ka sa pinag bibintang mo sakanya."
Sabi saakin ng isang ginang.
Galet na tumingin ako kay gio na may malakeng ngisi sa labi.

"See? Kilala ako ng mga tao dito. Kahit si axia at si lux at arcilla, kilala ako na matinong tao."
Feeling ko pinag kaisahan na ako dahil sa mapag kunwaring lalake na ito.
"Pero kung yan talaga ang gusto mo sige pagbibigyan kita. Matulungin kasi ako sa mga nangangailangan. Ganun ako kabai-" hindi ko talaga masikmura na iniinsulto ang pagkatao ko.
Gusto ko ng umiyak pero pinipigilan ko lang ang sarili ko na wag umiyak sa harap nila dahil baka mas lalo akong mainsulto sa mga sasabihin ng lalakeng ito once na makita nya akong umiyak sa harap nya.

"What's happening here?" Sabay sabay kaming napatingin sa nagsalita sa likod ng kumpulan ng tao.
Agad na nag si giliran ang mga tao kaya ngayon kitang kita ko si maam axia sa harap ko kasama ang iba pa. Halatang nagulat sya pag kakita nya saakin. At hindi ko alam pero bigla na lang tumulo ang luha na kanina ko pa pinipigilan.

Ang sakit ng damdamin ko dahil muli nanamang nainsulto ang pagkatao ko.

"Ito kasing babaeng to axia. Niyayaya ako kahit isang gabi lang daw kailangan na kailangan daw nya tapos nung tumanggi ako bigla akong sinampal. Tignan mo umiiyak pa nga dahil sa hindi ko pinag bigyan."

"Sinungaling ka, wag mong baliktarin ang nangyari." Kahit hirap nagawa ko pa ring ipagtanggol ang sarili ko. Ayaw kong tumatak sa isipan ng mga bagong dating ang sinabi ng lalakeng ito.

Gusto kong makita kung anong gagawin ni maam axia para saakin. Gusto kong malaman kung ipagtatanggol nya ako. Lalo at sabi ng lalakeng ito na kaibigan nya si maam axia at si luxx.

Pero parang nilukot ang puso ko ng makita kong wala syang ginagawa. Nakatingin lang sya saakin at hindi alam kung ano ang gagawin.
Tumingin ako sa mga kasama nya mga naguguluhan lang sila na nakatingin saamin. Naiintindihan ko naman na ganyan ang reaction nila. Kaibigan nila ang manyak na lalakeng ito.
Muling dumako ang tingin ko sa dalawa pa nilang kasama. May isa silang ginang na kasama at ang mas lalong nakapag pawasak sa puso ko ay ng makita ko si maam marucci na nasa tabi ni maam axia. Hindi ko sya napansin kanina dahil sa galet ko sa lalakeng ito.

Mukhang mas masakit pa ata itong nakikita ko kesa sa pang iinsulto ng lalakeng kaibigan kuno nila.

Inis na kinuha ko ang bag ko sa mesa. Umiiling na tinignan ko si maam axia bago ako nag lakad paalis

Akala ko ba mahal nya ako? Bakit hindi nya ako magawang ipagtanggol? Akala ko ba mahal nya ako? Bakit kasama na naman nya ang ex nya?
Hindi ko na alam kung dapat ba akong maniwala sa nararamdaman nya para saakin.

••

AXIA

Pag kaalis ni maxine, tinignan ko ng masama si gio

"What? Dont tell me naniniwala ka sa babaeng yun axia?" Inis na lumapit ako sakanya kaya agad syang napaatras. Rinig ko ang gulat sa mga taong kasama namin.

"Hindi sya basta babae lang." Madiing sabi ko.

"Ano ba sya? Babae naman talaga sya. At bakit mo ba sya pinag tatanggol?" Matapang din na tanong nya saakin.

"Sainyong dalawa, sya ang mas paniniwalaan ko." Nagulat sya sa sinabi ko pero agad ring tumawa.

"Kaibigan mo ako, at kilala mo ako."
Nakakunot noo na sabi nya.

"Gusto mo talaga syang makilala?" Tanong ko sakanya. Nababakas ang kaba sa mukha nya dahil sa sinabi ko. "I love her" napasinghap ang lahat sa mga sinabi ko. Napansin ko ang pag lunok ni gio kaya napangisi ako. "Ngayon kilala mo na sya?" Tanong ko sakanya.

"What?" Rinig kong sabi ni luxx sa likod namin.
"Diba studyante mo sya? Alam mo na bawal yun axia." Sabi nya.

"Alam ko." Sagot ko habang masama pa rin ang tingin kay gio. "At handa akong iwanan ang pagtuturo ko para sakanya. At handa kong kalabanin ang mga taong tumututol saaming dalawa" dugtong ko pa.
"Kaya ikaw." Turo ko kay gio
"umalis ka sa harapan ko at wag na wag ka ng babalik kahit kelan, dahil kung hindi baka makalimutan ko na naging mag kaibigan tayo" nang gagalaiti na sabi ko sakanya pero parang wala syang narinig
"ALIS.." malakas na sigaw ko kaya naman halos hindi sya mag kanda ugaga sa pag alis.
"Freak."

Inis na tinanggal ko ang hard hat na suot ko bago ko sila nilingon lahat kaya agad silang nag si balikan sa kanya kanya nilang ginagawa. Ang iba lumabas

"Honey, bakit mo naman pinaalis si gio? Kailangan natin sya sa trabaho." Mahinang tanong ni mom.

"Kayang kaya ko syang palitan mom. Hindi ko kailangan ang isang tulad nya dito."

"Kaibigan natin si gi-"

"Kaibigan mo." Putol ko sa sasabihin ni luxx.
"At wag na wag mong ibabalik ang lalakeng yun dito. Dahil kung hindi ako ang makakalaban mo. Naiintindihan mo?" Tanong ko sakanya na agad naman nyang ikinatango pero agad rin syang umapila na ikinainis ko.

"Pero hindi pa naman natin alam kong ano ba talaga ang nangyari. What if totoo naman talaga na si max-"

"Ano bang gusto mong sabihin luxx? Hindi ganun si maxine." Galet kong sabi sakanya. "Ako nga na gusto nya hindi sya basta basta bumibigay, sa ibang tao pa kaya? Masinop yun sa tao kaya wag mo akong pag sasalitaan ng ganyan, at mas lalong wag na wag mo syang pagsasalitaan ng ganyan, dahil baka hindi kita matantya."
Tinanggal ko ang gwantes at boots ko.
"If that's how you think about her, I'd better take her back. From now on, she will work for me because she is no longer safe with someone like you."
Mukhang napahiya naman sya sa sinabi ko

Inis na iniwanan ko na silang lahat para puntahan si maxine, kaso ang problema ko ay kung saan ko sya hahagilapin. Pero hindi naman sya yung klase ng tao na kung saan saan pumupunta kaya naisip ko na puntahan na lang sya sa bahay nila.

Pero agad rin akong natigil sa pag pasok sa sasakyan ko ng may tumawag saakin. Bored na tinignan ko si candace

"Sinabi mo lang naman yun para ipag tanggol lang sya diba?" Napakunot noo ako sa tanong nya.
"Hindi mo naman talaga sya mahal diba?"
Napakamot ako sa batok ko

"Look candace." Sabi ko sakanya.
"Lahat ng narinig mo na sinabi ko ay totoo" biglang gumuhit ang sakit sa buong mukha nya.
"Mahal ko sya. Kaya please lang, tigilan mo na ako. Tama na ang pag gamit kay mommy para mapalapit ka pa saakin. dahil hindi na maibabalik pa yung pagmamahal na meron ako sayo noon."
Biglang sumeryoso ang mukha nya.

"Hindi. Ilalaban kita. Alam ko na meron ka pang nararamdaman saakin. Natatabunan lang ng galet mo dahil iniwan kita." Lumapit sya saakin at hinawakan ako sa mukha. "Mahal mo pa rin naman ako diba?" Tanong nya saakin. Hindi ako sumagot kaya agad na nag unahan ang luha nya sa pag landas.
Agad ko syang tinulak ng halikan nya ako

"Candace ano ba? Hindi ka ba nakakaintindi?" Galet na tanong ko sakanya "hindi na kita mahal. Si maxine, sya na ang mahal ko"

"H-hindi totoo yan. Alam ko na may nararamdaman ka pa saakin. babawiin kita sakanya hindi ako papayag na mapupunta ka lang sakanya. Saakin ka."
Pag kasabi nya nun agad syang umalis.

Napatiim bagang ako dahil sa sobrang inis.

••

REJECT the REJECTIONWhere stories live. Discover now