part 11

3.8K 143 8
                                    

AXIA

"tita" tawag ko kay tita pag pasok ko sa school admin. nasa office ako kanina ng tumawag sya at pinapapunta ako dito.

"take a seat. may importante tayong pag uusapan."
umupo ako sa kaharap na upuan. napatingin ako sa envelope na nilapag nya sa harapan ko. pag kakita ko pa lang sa sobre at nabasa ko kung saan ito galing kinabahan na ako.
"open it." kinuha ko ang envelope at binuksan.
halo halo ang nararamdaman ko ng mabasa ko ng tuluyan ang sulat.
"see? pinadala yan kanina galing board, at bibigyan ka ng suspension."
dahil sa sobrang inis nilukot ko ang papel

"pano nakarating sakanila ang ginawa ko kay perez?"
galet na tanong ko sakanya.

"hindi ko alam."

"si daddy."
mabilis akong tumayo at lumabas ng opisina. walang ibang gagawa neto saakin kung hindi si daddy.
pag dating ko sa parking agad kong pinaharurot ang sasakyan ko papunta sa alfonso.

"DAD.." malakas na sigaw ko sa opisina nya. nadatnan ko syang nakatalikod at nakatanaw sa labas ng opisina.

"ano? nakarating na ba sayo?"
so tama nga ako? tama nga ako na sya ang may gawa neto saakin?
paano nya ito nagagawa sa sarili nyang anak?
mas pinili nya talaga si perez kesa saakin. lumapit ako sakanya

"so tama nga ako na kayo ang may gawa neto?" galet na tanong ko sakanya.
"paano nyo ito nagagawa saakin?"

"ikaw ang may gawa nyan sa sarili mo." galet rin na sabi neto saakin.

"wala kang kwentang ama. mas pinipili mo ang babae mo kesa saakin. alam na alam mo kung gaano ka importante saakin ang pag tuturo pero nagawa mo pa rin to? dahil lang sa babae m-" hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil sa malakas na sampal ni daddy. agad na nag si bagsakan ang luha ko. namanhid ang pisngi ko dahil sa lakas ng pag kakasampal nya.

"kung meron mang dahilan kung bakit nangyayari yan sayo. ikaw yun.
masyado ka ng bastos, wala ka nang respeto saakin." napakuyom ang kamao ko

"respect? after all the cheating you did to me and mommy, do you think I will still respect you?"

"WALA NA KAMI NG MOMMY MO." malakas na sigaw neto saakin. tumalikod ito saakin
"nag sasama kami pero wala na kami, hindi na namin mahal ang isat-isa. that why we decide to seperate na dahil wala na mangyayari kung ipipilit pa namin para sayo." napansin ko na nag punas ng luha si daddy.
"ganun rin naman ang mommy mo. may gusto na rin syang iba, pero bakit nasaakin lahat ng galet mo?" humarap sya saakin. "tapos dinadamay mo pa ang mga taong wala namang kasalanan? si maxine?" tumigil ito saglit "parang anak na ang turing ko sa batang iyon tapos pinag iisipan mo ng masama? yung tita nya, yun ang girlfriend ko."
after nya yung sabihin nag madali na syang umalis. habang ako naiwang umiiyak.

nang hihinang napabuga ako ng hangin sa kawalan.
pinunas ko ang luha ko bago tumingala para pigilan ang pag landas ng luha ko.

this is the very first time na nakita ko na ganun kagalet si daddy saakin.

nakakainis lang kasi, lalo at alam nya kung gaano ko ka mahal ang pag tuturo tapos nagawa pa nya yun saakin. sige na wala na nga silang relasyon, pero yung gawin nya ito saakin na anak nya ay hindi makatarungan.
kahit pa makabalik ako sa pagtuturo after ng suspension hindi pa rin mababago na nag ka record ako.

inayos ko muna ang sarili ko bago ako lumabas ng opisina ni daddy. bumalik ako sa office ko

"meron pong nag hihintay sainyo sa loob."
salubong saakin ng bago kong secretarya.
seryoso ko syang tinignan.
"kakilala nyo daw po sya."
medyo malandi ang tono neto.

1 week na sya saakin na nag tatrabaho. kay perez wala na akong balita sakanya simula nung umalis sya. akala ko nga babalik sya kay daddy bilang secretarya ng daddy pero hindi pa rin pala sya bumalik.

"MAAM." pag tatama ko sakanya. yumuko naman ito
at halatang nahiya. gusto ko lang iparealised sakanya na boss nya ako. hindi porket nagamit ko sya e pwede nya na akong iwalang respeto.

iniwanan ko na ito at nag lakad papasok sa opisina ko.
nadatnan ko si arc na nakaupo sa sofa habang nag cecellphone.
agad itong napatingin saakin ng mapansin nya ako.

"bago na pala secretary mo?" bungad nya saakin. tumayo sya at beneso ako.

"good afternoon to you too." sarcastic na sabi ko sakanya. nilapag ko ang bag ko sa tabi ng upuan.
narinig ko na tumawa si arc.
"oo bago na, tinanggal ko na si perez. at kung nasaan man sya ngayon wala na akong pakialam."

"so hindi mo pa rin pala alam?" napakunot ang noo ko sa sinabi ng kaibigan ko. anong ibig nyang sabihin?
"nakay luxx nag tatrabaho si perez." what?
hindi ko man lang sya nakikita? kahit sa nakaraang board meeting hindi ko sya nakita.

"how did you know?"
tumawa ito.

"kasama sya ni luxx nung isang araw sa meeting namin about sa building interior design for my business." nag salubong ang kilay ko
"anyway kamusta na pala kayo ni tito?"
sumandal ako sa swivel chair ko at huminga ng malalim. pinag iisipan ko kung sasabihin ko ba kay arc yung nangyari at mga nalaman ko ngayon araw, pero kaibigan ko sya.

"na suspend teacher licence ko ngayon araw."
agad na napatingin saakin si arc. nag kibit balikat ako bago pinag patuloy ang sasabihin.
"kagagawan ni dad."

"ohh my god axia. ilang araw?" tanong nya.

"2 months." hinilot ko ang noo ko.

"gosh, and haba ng suspension mo. nagawa talaga ng daddy mo yun sayo? at dahil kay pere-"
agad ko ng pinigilan si arc sa sasabihin nya.

"hindi nya pala kabit si perez." sabi ko. "kaya pala lagi ko sya nakikita kila perez ay dahil tita ni perez ang girlfriend ni daddy." napanganga si arc dahil sa nalaman saakin. "but im still mad at her. hindi pa rin mababago na pinili sya ni dad over me. sya pa rin ang rason kung bakit nagkaroon ako suspension."

"maling akala mo lang pala lahat."

"you cant blame me arc. simula kasi nung pumasok yan si perez dito nakikita ko na sobrang lapit ni dad sakanya tas lagi ko pa nakikita na hinahalikan sya si dad." binuklat ko ang laptop ko.
"anyway since tapos na rin naman na yung interior design ng building, mag set na ako ng meeting para sa mag mamanage ng project para makapag budget na rin for materiales na gagamitin."
pag babago ko sa usapan. ayaw ko na kasi pag usapan pa yun. mas lalo lang ako na sstress.

"yeap. nagustuhan ko yung gawa ni luxx. sinabi pa nga nya na ang iba dun is idea ni perez and i like it." napatingin ako sakanya dahil sa huli nyang sinabi.
"i think may alam rin si perez sa art."
ganun na ba sila ka close agad para mag bigay sya ng opinion sa isang seryosong trabaho? 1 week pa lang naman sila nag sasama.

"good for them." nakakunot noong sabi ko. narinig ko na tumawa si arc.

"bakit parang masama pa yata loob mo?" 
napaangat ang isang kilay ko kay arc.
"and i think may something si luxx kay perez. iba tumingin e." napansin ko rin yun nung pinapunta ko si perez sa isang coffee shop para mag hatid ng folder.
iba talaga tumitig si luxx sakanya at mas napatunayan ko pa yun nung umalis si perez, dahil grabe sya makatanong about sa buhay ng babaeng yun.

Kaya hindi na ako nag taka na sakanya napunta si perez. baka binigay ni dad sakanya or sya nag request.
tumingin si arc sa relo nya

"oh my god. late na ako sa appointment ko with mr. Suares." kabadong sabi nya. lumapit ito saakin at hinalikan ako sa pisngi "alis na ako bye."
tumango ako sakanya.
tumayo rin ako para ihatid sya sa pinto.

"ingat ka."

"yeah, you too."

•••

REJECT the REJECTIONWhere stories live. Discover now