part 9

4K 152 2
                                    


MAXINE

"maxine, cellphone mo tumutunog." tawag ni tita saakin. minadali ko na ang pag ligo ko.
wala akong pasok sa work ngayon dahil saturday.

pag katapos ko maligo lumabas na ako para tignan kung sino ang tumawag. napakunot noo ako ng makita ko na si maam axia ito.

tinawagan ko pabalik ang cellphone nya. nakailang tawag kasi ito at baka may kailangan.

"what took you so long?" pagalit na tanong nito sa kabilang line.

"sorry maam. naliligo po kasi ako. hindi ko po napansin."

"nasa meeting ako ngayon at hindi ako makaalis pwede bang kunin mo yung green folder sa ibabaw ng table ko sa office? text ko sayo address."
agad nya ng binaba ang tawag.
hindi man lang ako hinintay na mag salita.

pahinga ko itong araw na ito pero hanggang dito ba naman may inuutos sya? hanep.
umiling ako bago ko binaba ang cellphone ko
pumasok ako sa kwarto ko para mag bihis dahil kailangan kong pumunta sa opisina para kunin ang inuutos nya saakin.

pag dating ko sa opisina walang katao tao. except sa guard na nag babantay ng buong building.

Pag dating ko sa office agad kong nakita yung folder na sinasabi nya kinuha ko yun saka ako pumunta sa address na senend nya saakin. agad ko rin silang nakita sa may gilid ng coffee shop

may kaharap si maam na isang matipunong lalake.
halatang alaga ang katawan sa gym. pag lapit ko doon ko lang nakilala na si sir luxx pala pamangkin sya ni sir alfred

"ito na po maam."
agaw pansin ko sakanilang dalawa dahil kanina pa sila nag tatawanan at hindi man lang napansin ang pag dating ko.

parehas silang napatingin saakin.

"oh shes here."
sabi ni maam kinuha nya ang folder saakin
binuklat nya ito at nilapag sa harapan ng lalake.

"hi miss, im luxx." nilahad nya ang kamay nya na agad ko namang kinuha.

"maxine-"

"yeah i know you. nakikita kita sa office ni tito and sa board." ngumiti ako sakanya bago binawi ang kamay ko dahil parang ayaw nya pang bitawan.

tumingin ako kay maam mag sasalita pa lang sana ako para mag paalam na aalis na e agad naman nyang pinutol ang sasabihin ko.

"you stay here." tinap nya ang tabi nya kaya walang nagawa na naupo na lang ako.

dapat nasa bahay ako at nag papahinga.

"may i know how much the budget for this project?" agaw pansin ni sir luxx kay maam.

"2 billion or morethan."

"ang mahal naman. sure ba si arcilla na this is for masa?"

"luxx mahal naman talaga mag pagawa ng village for condominiums and its for a long run naman."

"sabagay."
naramdaman ko ang kamay ni maam sa hita ko kaya hindi ko maiwasang mapatingin sakanya. pero chill na chill lang sya habang nakikipag usap sa lalakeng kaharap nya.

umusog ako ng kaonte para makalayo sa mga pinag gagawa nyang pag torture nanaman saakin.

"excuse me" mabilis akong tumayo para pumunta ng banyo. pag dating ko sa banyo napatingin ako sa reflection ko sa salamin. nilabas ko ang panyo ko para punasan ang pawis sa noo ko.
napabuga rin ako ng hangin.

ang landi talaga. kelan ba sya titigil sa mga pinag gagawa nya saakin. halos araw araw na lang. hindi ko na alam kung nananadya ba sya o part ito ng plano nya?

REJECT the REJECTIONWhere stories live. Discover now