Chapter 67

168 5 0
                                    

Agad kong pinahinto kotse na sinasakyan ko at lumabas. Pinuntahan ko iyong eskinita kong saan ko nakita si Ayiesha.

Pero bigo ako. Sinuyod ko na ang lahat ng daan. Kaso wala. Hindi ko siya mahanap. Napasuklay ako sa aking buhok gamit ang kamay ko.

"Ayiesha!" sigaw ko. Gusto kong mahanap na ang kapatid ko.

"Sir Liam. Let's go. May naghihintay po sa inyo."

Tinignan kong muli ang eskinita na iyon. Baka sakaling lumabas si Ayiesha. Pero bigo ako. Naglakad na lang ako muli papuntang kotse at sumakay.

Bago kami umalis ay tinignan kong muli ang eskinitang iyon.

Jen POV

Muntik na. Muntik na akong makita ni Kuya Liam. Yes, bumalik na talaga ang ala-ala ko 5 months ago. Pero di pa lahat.

Habol ko ang hininga ko. Dahil sa ginawa kong pagtago at pagtakbo. Ayaw ko siyang pagtaguan. Pero may pumipigil sa akin na magpakita sa kanya.

"Best."

Napakislot ako, dahil sa ginawa ni Asyang.

"Ano ba. Nakakagulat ahh!" sigaw ko sa babae.

"Ano ba ang nangyayari sa iyo? Bumalik ako. Kasi hindi ka sumunod sa akin."

"Sorry, wag mo kasi akong ginugulat."

"Halika na nga."

Dumaan kami sa isang eskinita na puno ng tambay at nag-iinuman.

"Miss," tawag nila sa amin. Pero hindi namin sila pinansin. "Teka, miss."

Napatingin ako sa kamay nitong hawak ang braso ko. Kumunot ang noo ko. Dahil nakakasura ang mukha nito. Okay sana kung gwapo. Ang kaso, mukhang napagdiskitahan ni Lucifer.

"Bitawan mo ako," mahina kong sambit.

Ngumisi ito.

"Jen. . ."

Nilingon ko si Asyang nakapalibot na pala sa amin ang mga lalaki.

"Pare, palaban," tumatawang saad ng isa sa kanila.

Alam kong marami sila. Pero kahit ni minsan ay hindi ko nakakalimutan ang turo ni Kuya Liam sa akin. I know how to defense myself.

"Teka lang, miss. Gusto lang naman naming makipagkilala sa iyo."

Tinignan ko ito ng masama. "Bitawan mo ako sabi!" sigaw ko sabay sugod ito.

Binigyan ko ng upper cut ang lalaking may hawak sa akin. Kaya ayon tumba at tulog.

"Sabi ko kasing bitawan mo ako. Hindi ka nakinig," matigas kong sambit.

Hinarap ko ang ibang mga kalalakihan. Nagulat ang mga ito at di agad nakagalaw. Unti-unti ay nagsiatrasan sila at nagsitakbuhan.

"Mga duwag pala," ayon kay Asyang. "Paano iyan?" turo ni Asyang sa lalaking walang malay.

"Hayaan muna."

Umalis na kami ni Asyang dahil mamasyal pa kami.

Kinahapunan ay umuwi na din kami. Umupo ako sa upuan na kawayan. Tinignan ko ang dagat mula sa loob ng bahay.

Sobrang lawak ng dagat. Naalala ko pa kung paano ako napadpad dito. Pero paggising ko wala na akong maalala. Kung meron man. Iilan lang.

Naalala ko ang lalaking nasa wheel chair. Sobrang pamilyar sa akin noong lalaki. Pero ang pinagtataka ko. Bakit nandoon si Kuya Liam? Iyon ang laging nasa tinatanong ko sa isip ko na di man lang makuhanan ng sagot.

"Oh! Nandito ka na pala, kanina ka pa?" tanong ni Graige.

"Hindi naman kakarating ko lang."

Pumunta ito sa kusina. Sinundan ko siya.

"Alam mo bang may nakita akong lalaki sa bahay ni mayor. Sobrang pamilyar siya sa akin. Nandoon din si Kuya Liam," saad ko.

Alam ni Graige ang nangyayari sa akin. Sinasabi ko sa kanya iyon. Dahil baka matulungan niya ako.

"Paanong pamilyar?" tanong nito sa akin.

"Hindi ko alam. Basta pamilyar siya sa akin."

"Baka isa siyang parte ng nakaraan mo."

Napatingin ako kay Graige. "Is that so? Kailangan yata siyang puntahan."

"Bukas na. Gabi na, eh!"

Tumango ako. Bukas ko lang puntahan ang lalaking iyon. Baka isa nga siya sa parte ng nakaraan ko.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Di ako nakatulog ng maayos, dahil sa mga iniisip ko. Pinakiramdaman ko ang sarili ko. My heart beat fast. Para bang excited ako na makita siyang muli.

"Best!" sigaw ni Asyang mula sa labas.

Kumunot ang noo ko. Dahil literal na sumisigaw talaga ang kaibigan ko.

"Bakit ba? Sigaw ka nang sigaw," angil ko dito.

"Naghahanap ng private nurse si mayor. Para sa pamangkin niya. Di ba nurse ka naman. Iyon ang sabi mo."

Kumunot ang noo ko. 'Nurse ako? Kailan pa?'

"Ahh. . .Oo," sagot ko. Dahil gusto ko ding mapalapit sa lalaking iyon. Gusto kong malaman kong sino ba siya o ano ko ba siya.

"Sige, samahan kita," ngiting sambit ni Asyang.

"Graige," mahinang sambit ni Asyang.

Ngumiti ako. Alam ko na may gusto si Asyang kay Graige. Sobrang seryoso kasi ng kuya-kuyahan ko. Namula tuloy si Asyang.

Maganda naman si Asyang, exotic beauty na habulin ng mga kano. Pero parang nabihag talaga ito ni Graige.

"Ano iyan, Asyang?" boritonong sambit ni Graige.

"A-no, si mayor k-kasi naghahanap ng private nurse," utal-utal na sambit ni Asyang.

"Mag-a-apply ka?" tanong ni Graige.

"Oo, kailangan. Kung ito ang paraan para makalapit ako sa kanya ay gagawin ko."

"Mag-ingat ka."

Niyakap ko siya. Bigla itong nanigas. "Salamat, Graige sa bawat suporta mo sa akin. Ikaw ang tumayong kuya o magulang ko dito sa Isla."

"Bakit parang nagpapaalam ka."

Tinignan ko siya. Lumayo na ako sa kanya. "Ikaw naman nagpapasalamat lang, iba naman iyang iniisip mo."

"Ang tono mo kasi ay parang namamaalam ka."

"Hindi naman."

Nasa bahay na kami ni mayor. Maraming applikante. Maraming nag-apply para sa pamangkin ni mayor na maging nurse. Mayroong magaganda. Namumutakti sa makeup naman ang iba. Pero ako simple lang. Walang halong makeup.

Kahit na gusto ko na maglagay ng kalorete sa mukha ay hindi ko ginawa.

"Jen Albais."

Tumayo ako nang tinawag ang pangalan ko.

Nasa gilid ni mayor ang lalaki. Napatingin ako dito. Pero hindi ito nakatingin sa akin. Tulala lang ito.

"Mayor, pwede ko bang lapitan si Sir Terrence?" tanong ko kay mayor.

"Go on. Para kung ikaw ang mapili namin maging pamilyar na siya sa iyo."

Nilapitan si Sir Terrence. Lumuhod ako sa harapan nito. Hinawakan ko ang kamay nito. Malambot, mainit at kakaibang init din ang nararamdaman ko.

"Terrence. . ."

Iyon ang namutawi sa bibig ko. Namumunggay ang mga mata ko na nakatingin sa lalaki.

Tumingin ito sa akin. Nagtama ang aming mga mata. Biglang nanlaki ang mga mata nito nang makita ako.

"Ayiesha, love, is that you?" tanong nito sa akin.

Nagulat ako ng bigla itong magsalita. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Bigla ay pinagtulungan na pigilan si Sir Terrence. Dahil hinawakan niya ako ng mahigpit at tinawag na. . . Ayiesha.

The Mafia Boss: Terrence Jude Alvarez (COMPLETED)Where stories live. Discover now