Chapter 52

132 7 2
                                    

Hello, sa mga readers ko. Kung mayroon man akong readers.

Nagpapasalamat ako, kasi kahit papaano ay may ilang nagbabasa ng mga stories ko. Sana di kayo magsasawang supportahan ako. Sana ay nandoon pa rin kayo sa mga bawat stories na i-po-post ko dito sa wattpad. Aminin ko na sa bawat on-going ko ay matagal talaga ang update ko.

May buhay din kasi ako. Hindi lang pagsusulat ang ginagawa ko. May pamilya din akong inaasikaso. Actually, completed na po talaga ang story ni Ayeisha at Terrence. Inisa-isa ko na lang ang paglalagay para kahit papaano ay may nagbabasa naman.

Salamat po talaga nang marami sa mga nagbabasa. Sa mga mat'yagang nag-aantay nang bawat updated ko.

Kaya ito na po ang dalawang chapters para po sa mga readers ko.

----

Chapter 52

Clarissa POV

Nagising ako na masakit ang ulo ko. Bumangon ako at agad na may humawak sa akin.

"Mahiga ka lang muna, tita," pigil sa akin ni Cherry.

"Si Ayeisha?" tanong ko sa kanya.

"Safe po si mommy. Mabuti na lang at maaga ang paglipat sa kanya. Dahil kung nahuli ay baka nahuli na."

Nakahinga ako ng maluwag. Dahil nailipat ng maayos si Ayeisha. Ang clone niya ang nakuha.

"Iyong clone?" tanong ko.

"Nabawi din agad. Dahil nandoon pa si Cole, kaya nabawi agad."

Nakahinga ako ng maluwag. Naikuyom ko ang aking mga kamay.

"Sino ang may gawa nito."

"Si Danica."

Nanlilisik ang mga mata ko sa galit. Talagang sumusobra na ang babaeng iyon.

"Cherry!" tawag ni Cole dito. "Yes, love," masiglang sagot ni Cherry.

Kumunot ang noo ko na napatingin kay Cherry. Bakit sobrang hyper ng babaeng ito ngayon? Napatingin ako kay Cole. May nababanaag ako sa mga mata nito. Pero di ko alam kong ano iyon. Tila isang warning iyon.

Yumuko na lang ako. Ayaw kong makialam.

"Let's go."

"Pero maiiwang mag-isa dito si Tita Clarissa."

"Pupunta na si Tito Liam. So, you don't need to worry."

Tumayo si Cherry. Napatingin ako sa Cherry na kaharap ko ngayon. Ibang-iba ang katawan nito, kesa dati. Ilang araw ba akong natulog.

"Ilang araw akong natulog?" tanong ko sa kanila.

"Isang linggo po," sagot naman ni Cherry.

Di na ako nagulat. Pero di agad magbabago ang isang katawan ng tao, sa isang linggo lang. Unless kung...

"Let's go, Cherry."

Lumabas na si Cherry. Tinignan ulit ako ni Cole. May pagsusumamo sa titig nito. Tila sinasabi nito na siya na ang bahala.

The Mafia Boss: Terrence Jude Alvarez (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora