Chapter 57

126 5 0
                                    

Ayeisha POV

Ilang araw na akong gising. Pero ayaw kong may makaalam. Tanging si Clarissa at si Cole lang ang may alam na gising na talaga ako.

Hindi ko alam kong paano nalaman ni Terrence. Alam ko naman na hindi galit si Terrence kanina. Pero alam ko na magtatanong iyon at bakit ako naglihim.

I have reason. Alam kong may traidor dito sa loob na nakasama namin. Gusto ko lang siyang mahuli. Pero ilang araw na ay wala pa ring nangyayari.

"Kung si Cherry ang iniisip mong traidor ay parang hindi naman, kasi alam mo kung traidor talaga siya, Ayeisha. Di siya ililigtas ni Cole," sabi ni Clarissa sa akin.

Nilingon ko si Clarissa. Nagka usap na kami ni Cole bago nito iligtas ang impostor na Cherry na iyon. Talagang paniwalang paniwala sila na si Cherry iyon. Alam ko kung nasaan ang totoong Cherry. Gaya ni Cole ay nag-aagaw buhay din. Nailigtas na ito ni Cole. Pero huli na siya. Sobrang dami ng drugs ang nilagay nila kay Cherry at na overdose ito.

Bumukas ang pinto. Huli na para bumalik ako sa pagtulog.

"Mommy?" tanong ni Kaileen. "Kailan ka pa gising," saad nito.

"Shh! Wag kang maingay, Kaileen," saway ni Clarissa kay Kaileen.

"Where is Nichole?" tanong ko sa kanya.

"Pinaiwan ko sa ICU. Wala pa din kasi akong tiwala kay Ate Cherry, kahit na ginawa niya iyon sa babaeng iyon," sabi nito sa akin.

Nagkatinginan kami ni Clarissa.

"Stop thinking about that, Kaileen. Hindi maganda iyan."

"No, Tita Clarissa. I know, Ate Cherry. And that woman isn't she. Hindi si Ate Cherry ang kasama natin ngayon."

"Tumigil ka na, Kaileen. Hindi maganda ang mambintang."

"Hindi ako nambibintang. Totoo ang sinasabi ko," giit nito.

Tinignan ko si Clarissa. "Iwanan mo muna kami Clarissa."

Umalis si Clarissa. "Kaileen, listen to me, darling. Kung ano ang nakikita mo tungkol kay Cherry, please ilihim mo and itong pag gising ko. Wag mong ipagsabi. Please," paki usap ko sa kanya.

"Naniniwala kayo sa akin, mommy?" tanong nito sa akin.

"Yeah! I believe in you," nakangiti kong saad sa anak ko.

"Salamat, mommy." Yumakap ito sa akin, tapos ay lumayo din. Hinawakan nito ang aking kamay. "Promise, mommy. Walang makakaalam na gising ka na at makikipaglapit ako sa pekeng Cherry na iyon. Akala niya siguro mauuto niya ako."

Hinaplos ko ang buhok nito. "Just becareful. Wag mong ipahamak ang sarili mo. Nasa critical na kundisyon na si Kuya Cole mo. Hindi ko kakayanin na kung pati kayo mapahamak."

Ngumiti ito sa akin. Tapos ay lumabas na. Pumasok naman si Clarissa.

"Talaga bang naniniwala ka kay Kaileen na hindi iyon ang totoong Cherry?" tanong nito sa akin.

"Hayaan mo na si Kaileen. Matutulog lang ako."

Humiga na ako, ang dami kong gustong gawin pero hindi ko magawa. Dahil nga nakaratay ako dito sa kamang ito. Di naman ako pwedeng maglakad-lakad. Mabuti na lang at kumpleto sa gamit pang medical ang Mansion na ito.

Talagang inihanda ni Cole ang mansion na ito. Para incase na may mangyaring masama sa amin ay makapagtago kami habang nagpapagaling.

Nagising ang diwa ko na para bang may nakatingin sa akin.

"Poor you, Ayeisha. Nakaratay ka na lang ngayon sa kamang iyan and soon, ay hindi na magiging," tumatawang sambit nito.

Alam ko kung sino ang nasa kwartong ito. Hindi ako nagpahalata na gising ako.

"Ang mga tao dito ay uto-uto. Ang daling bilugin ng mga ulo. Lalo na si Cole. He even save me and take note. May nangyari sa amin,  ang sarap pa lang ni Cole."

Naikuyom ko ang aking mga kamao. Alam kong hindi niya makikita iyon dahil may kumot na nakatabil sa aking mga kamay.

"Sayang hindi mo makikita kung paano namin papatayin. Isa-isa ang mga tao dito. Uunahin ko syempre, ikaw… isusunod ko si Cole at ang mga anak mo. Lahat dito."

Gusto ko siyang dambahin. Pero hindi pwede. Hindi pwedeng masira ang plano ko.

Naramdaman kong may ipinasok siya sa dextrose ko. Napangisi ako sa aking isipan. Dahil alam ko na di naman talaga direktang nakakunek sa ugat ko ang dextrose. Iyon siguro ang napansin ni Terrence. This woman is plain stupid. Di man lang niya napansin? How pathetic she is.

Umuklo ito papunta sa akin at bumulong. "Good bye, Ayeisha. See you, when I see you," tumatawa nitong sabi ko sa akin.

Nang maramdaman ko ng wala na ito sa loob ng kwarto at tsaka pa lang ako dumilat. Patingin ako sa pinto kung saan lumabas ang babaeng iyon. Akala niya siguro makakatakas pa siya ngayon. Lalo na't alam ko, na alam na ni Terrence ang lahat.

Cherry POV

Napangisi ako. Dahil alam ko anumang oras ay mamatay na si Ayeisha. How poor she is. Mamatay siya ng walang kalaban-laban. Mas lalo akong napangisi ng ang alam ng lahat na nandito ay isa-isang nahuhulog sa aking mga kamay.

I know our plan will lead to victory. Lahat ng nandito na paniwalang-paniwala na ako talaga ang totoong Cherry. But sad to say, the real Cherry is now dead. Isang malamig na, na bangkay.

Akala ko hindi ko na makukuha ang loob ng Kaileen na iyon. Dahil ang batang iyon ang matigas ang paniniwala na hindi talaga ako ang totoong Cherry. Will, kailangan ko lang pa lang galingan sa pag arte. Nasaktan ko pa talaga ang babaeng iyon. Will mamatay din naman iyon. Hindi ko na lang din patatagalin ang buhay niya.

Tumunog ang cellphone ko. Tinagnan ko iyon at napangiti ako kung sino ang caller.

"How are you, seph," nakangiti kong bati sa kanya.

"Talagang pinuruha  ako ng gagong Cole na iyon," nanghihina nitong sambit.

"Will mabuti at buhay ka pa. Si Cole nga ay nag-aagaw buhay lang naman," balita ko sa kanya.

"Good. Patayin mo na silang lahat."

"Unti-untiin natin. Hindi madali ang ginagawa ko, Seph. Lalo na't bantay sirado ng mga tao dito ang Pamilya Alvarez."

"Okay, basta mag-ingat ka. Ingatan mo ang anak natin."

Tumawa ako. "Wala tayong anak. Anak namin ito ni Cole," saad ko sa kanya.

"I know that is mine. Ayaw ko sanang payagan ka sa gusto mo. Pero mapilit ka."

"Alam mo naman na gusto kong makita at makilala ang kinikilalang pamilya ng kakambal ko, Seph. Alam mo iyan."

"Sige na. I'll hang up."

"Tapos ka na bang makipag usap sa kasabwat mo…" saad ng isang tao na nasa likuran ko. "… Terry." Napalingon ako sa taong iyon.

The Mafia Boss: Terrence Jude Alvarez (COMPLETED)Where stories live. Discover now