Chapter 26

223 4 0
                                    

Ayiesha POV

NAGISING ako ng maaga dahil ngayon ang unang araw ng aking ensayo, tuturuan ako ni Alex ng self defense, kapag marunong na ako sa self defense ay tuturuan naman niya ako, kung paano humawak ng baril. Nagsuot na ako ng cycling. Dahil iyon lang ang pwedeng suotin para sa pag e-ensayo ko. Lumabas na ako ng bahay, nandoon na si alex. Nag wa-warm up na ito.

Kaya lumapit na ako sa kanya para makapag simula na kaming dalawa. I just try to punch him, pero nailagan niya ang atake ko.

"Tsk-tsk-tsk! Masyado ka pang mahina para sa isang laban, Ayiesha!" sabi nito sa akin. Binitawan nito ang kamay ko na sinalo nito.

"Kaya nga magpapaturo sa iyo di ba." Naka cross arm kong sabi.

"Magsimula na tayo, alalahanin mo wag mong ibaba ang depensa mo, aataki ako sa iyo at di ako maawa sa iyo kahit babae ka pa." sabi nito sabay atake sa akin. Napaatras ako ng bigla itong umatake, isang suntok ang pinakawalan nito at agad ko iyong nasangga.

Umiling ito, "kulang ka pa talaga sa ensayo," Sabi nito.

Umatake muli ito at natamaan ako sa mukha. Napahiga ako ng wala sa oras at dumugo ang aking labi. Pinunasan ko ang aking labi agad akong tumayo at sinugod siya. Sinugod ko siya ng sinugod at panay ang sangga nito sa bawat atake ko. Hanggang sa makakita ako ng pagkakataon na mapuruhan siya.

Natamaan ko siya sa mukha at di ito natumba kay umikot ako at tinamaan ko siya sa mukha na siyang nagpatumba sa kanya.

Hinihingal ko siyang tinignan. "Don't underestimate me, di mo pa alam ang kaya kong gawin." sabi ko sabay ngisi nito.

Ngumisi ito sabay tayo. "Tama ka, dapat di kita minaliit," sabi nito sabay sugod sa akin. Panay ang ilag at sangga ko sa mga atake nito. Nang makakita ako ng pagkakataon ay ako naman ang sumugod.

Tinamaan ko siya sa t'yan at umikot akong muli at sa mukha ko naman siya sinipa. Napahiga ito muli. Hinihingal na ako, dahil di din biro ang kalaban ko. He is an assassin, he work for my brother. Kaya alam ko na ang kalaban ko ngayon ay isang professional.

Napaupo ito, ngumisi at umiiling, "Akala ko ba mahina ka? Bakit ang galing mong makipaglaban." sabi nito, nanatili itong nakaupo.

"Pasekreto akong nag-eensayo, dahil alam kung ayaw ni mommy at daddy ang ganitong bagay. Hindi na din lingid sa akin ang negosyo namin." sabi ko dito. "Ang akala nila ay wala akong alam, na di ko alam na ang pamilya ko ay isang mafia." sabi ko. Nakalagay sa likod ang aking kamay.

"So magaling ka na sa paghawak ng baril?" tanong nito.

"Oo naman!" tumango-tango ito.

"Kung ganun bakit nakuha ka nila?" tanong nito sa akin.

"That time ang emosyon ko ang nangunguna sa akin, kaya nawala ako sa focus. Kaya nakuha nila ako. Kaya di ako nanlaban ng gahasain ako ng hayop na iyon ay dahil gusto ko na di sila makahalata na may alam na ako. May purpose doon kung bakit ako pumasok at nagpahuli!" sabi ko dito. "Gusto ko malaman kung sino ang leader, kung sino ang nasa likod ng organisasyon na iyon. Pero nabigo ako. Kahit na alam ko na ang lalaking iyon ang leader ay di ko nakikita ang mukha no'n, palaging nakamaskara." sabi ko dito.

Tumango-tango ito. "So, di na pala kita dapat turuan?" Napatingin ako sa kanya.

"Tapos na kayo?" sabi ng isang tinig sa aking likuran.

"Tapos na!" ngisi ng lalaki nasa harapan ko.

Nilingon ko ang tao na nasa likuran ko. Binigyan ko siya ng walang emosyon sa mukha at malamig na tingin. Tinalikuran ko na sila. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa niya bago ako nawala. He didnt follow me, kaya nakuha nila ako. Hindi niya agad ako sinundan, kaya gusto ko siyang bugbogin, pero pinipigilan ko ang aking sarili.

The Mafia Boss: Terrence Jude Alvarez (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin