Chapter 54

125 3 0
                                    

Napaluha ako nang makita ko kung sino ang nasa may pinto.

Agad akong tumakbo papalapit sa kanya. Niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi maawat-awat ang luha sa aking mga mata.

"Salamat at dumating ka, Cole," umiiyak kong sambit.

"Di ba sabi ko sa iyo. Darating ako. Kaya hintayin mo ako."

Inalis niya ako mula sa pagkakayakap sa kanya. Pinahid niya ang luha sa aking mga mata.

"Halika na. Baka dumating na sila," sambit nito sa akin.

Dali-dali kaming lumabas ni Cole sa bahay na iyon at tumakbo palabas. Pero napahinto din kami ng humarang sa amin si Seph.

"Akala nyo makakatakas kayo? Hindi ko kayo hahayaan!" galit nitong sambit sa amin.

Humigpit ang kapit ko sa kamay ni Cole. Gayon din ito sa akin. Napatingin ako kay Cole. Umiiting ang panga nito, dahil sa pinipigilan nitong galit.

"Hindi mo pwedeng kunin sa akin si Cherry, Alvarez!" sigaw nito sa amin.

Ngumisi si Cole. "Hindi mo pag-aari si Cherry. Asawa ko siya," madiin na sambit ni Cole.

"Asawa? Ilang beses kong inangkin si Cherry, habang nasa poder ko siya, Alvarez," tumawang sambit nito sa amin.

Napayuko ako. Bibitaw na sana ako ng humigpit ang kapit sa akin ni Cole. Napatingin ako sa kanya.

Unti-unti ay tumulo ang aking mga luha. Dahil sa galit na pinapakita ni Cole. Alam kong nasasaktan ko ang lalaking mahal ko.

"Madumi na akong babae, Cole," umiiyak kong sambit kay Cole.

Nilingon ako ni Cole. "Madumi? Hindi mo naman ginusto iyon di ba?" tanong nito sa akin.

"Hindi, pero ginahasa niya ako ng paulit-ulit, Cole." Hindi ko mapigilan ang umiyak. Dahil sa sinapit ko sa kamay ni Seph.

"Kung ganun, hindi ka madumi. Walang ibang nagmamay-ari sa iyo, kundi ako lang. Tandaan mo, Cherry. Akin ka!" galit na may diin nitong sambit.

Mas lalo akong umiyak. Dahil sa sinabi ni Cole. Bakit ko ba nagawang saktan ang lalaking noon pa man ay mahal na mahal ko, walang ibang iniisip si Cole. Kundi kapakanan namin ni Denise.

"Kaya iuuwi kita, hinahanap ka na ni Denise. She miss her mom so much." Tango na lang ang tanging naisagot ko kay Cole.

"How sweet naman. Anong akala nyo. Palalabasin ko kayo ng buhay dito? Hindi pa ako hibang, Alvarez. Kung hindi man lang din mapapasa akin si Cherry. Walang ibang pwedeng mag may-ari sa kanya!" sigaw nito.

Itinutok ni Seph ang baril nito sa akin at ipinutok ito. Pumikit ako. Pero walang tama ng baril ang tumama sa katawan ko. Pero ramdam ko ang higpit ng yakap ni Cole. Muli ay nakarating ako ng isa pang putok.

Dumilat ako. Ang nakangiting mukha ni Cole ang bumungad sa akin.

"Tapos na, love. Makaka uwi na tayo."

Tinignan ko ang kamay ko ng maramdaman ko na tila basa ang kamay ko. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko iyong may dugo.

"Cole!" sigaw ko.

Dali-dali ko siyang dinaluhan, dahil natumba na ito. Dalawang bala pala ang tumama sa kanya. Habang si Seph ay nakabulagta na ay wala ng buhay.

"Cole, please. Wag mo akong iwanan. Kailangan pa kita," saad ko.

Niyuyugyog ko ang lalaking mahal ko. Dahil nakapikit na ito.

Clarissa POV

Dahil sa nangyari kay Ayeisha ay mas lalong pinahigpit ni Terrence ang pagbabantay sa asawa.

Nasa kwarto ako kung nasaan si Ayeisha ng may makita akong paparating na sasakyan na tila ba nagmamadali.

Agad na bumaba ang nasa driver seat at binuksan ang back seat. Ang mga tauhan ni Cole ay agad na lumapit sa may sasakyan. Nanlaki ang mga mata ko kung sino ang inilabas.

Dali-dali akong lumabas sa kwarto ni Ayeisha at bumaba sa sala.

"What happened?" tanong ko.

Nakita ko kung paano umiyak si Cherry. Kaya nilapitan ko ito at niyakap.

"This is my fault, tita. Kasalanan ko ito," hagolhol nitong sambit.

Alam ko kung gaano kamahal ni Cherry si Cole. Pero ang pinagtataka ko at bakit ngayon lang sinama ni Cole si Cherry dito. Palagi naman silang magkasama.

"Mabuti at nakapunta ka na dito, Cherry," sambit ko.

Nakatingin ito sa akin na may pagtataka. "Po?" tanong nito sa akin.

"Mabuti at nakapunta ka na dito. Palagi kayong magkasama ni Cole. Pero ngayon ka lang niya dinala."

"Hindi ako iyon. Kinidnap nila ako, para makuha nila si Cole, maperahan."

Napatakip ako ng bibig. Akala ko talaga si Cherry ang kasama ni Cole. Hindi pala.

"Kaya nag-aagaw buhay ngayon si Cole. Dahil sa akin. He save me, Tita Clarissa. Dahil sa akin baka mawala ang lalaking mahal ko," umiiyak nitong sambit.

Niyakap ko siya ng mahigpit. "Shhh! Tahan na, everything will be alright. Malakas si Cole. Kaya niya iyan."

"Dalhin sa kwarto si Cole. Parating na si Terrence."

Nagulat ako. "Dadating si Terrence?" tanong ko kay Craige.

"Yes, siya ang mag opera kay Cole. Gaya ng kay Ayeisha."

Ngumiti ako. 'How do I forget na doktor pala si Terrence. Siya ang nag opera kay Ayeisha. Pinalabas lang na ibang doktor."

3rd Person POV

On the way na si Terrence sa safehouse kung saan ang anak nitong si Cole. He need to.be there ASAP. Para mailigtas nito ang anak.

Pero ang hindi alam ni Terrence ay may sumusunod sa kanya. But he noticed it right away. Kaya iniba niya ang direksyon ang kanyang kotse. Para maiwala ang sumusunod sa kanya. Nang mawala na ang sumusunod sa kanya ay agad na tinahak ni Terrence ang daan papuntang safehouse nito.

Sa kabilang banda naman ay pabalik-balik sa paglalakad ang isang babae. Kamukhang-kamukha nito si Cherry at di mo aakalain na ang impostor pala ang nasa bahay na iyon.

Kinuha nito ang cellphone at tinawagan ang ang isang importanteng tao.

"Hello," sambit nito. "Hindi pa umuwi si Cole," frustrated niyang sambit. Nais nitong maghisterikal at mag wala dahil hanggang ngayon wala pa si Cole.

"Relax," sagot ng nasa kabilang linya. "At wag mo ng hintayin ang lalaking iyon. Dahil alam na niya ang totoo. He know that you aren't his wife," tawa nitong sambit sa kabilang linya.

"Hindi pwede. He is mine!" sigaw ng babaeng kamukhang-kamukha ni Cherry. Galit na galit ito.

"Oppss. Darling, let me remind you. He is not yours. Nandyan ka lang sa kinalalagyan mo, dahil sa trabaho mo," tumawa ulit ito sa kabilang linya. "Oh my gosh, inlove ka kay Cole?" tanong nito sa sa babae.

Natigilan ang babae di nakapagsalita. Aaminin niya nahulog na siya ng tuluyan kay Cole Alvarez, kahit na sobrang lamig nitong mga nakaraang buwan. Super sweet kasi nito noong mga panahon na ako na si Cherry.

Kaya pala hindi na ganun ang tungo sa akin ni Cole. Dahil alam na pala nito ang totoo.

The Mafia Boss: Terrence Jude Alvarez (COMPLETED)Where stories live. Discover now