Chapter 30

261 8 1
                                    

Ayiesha POV

NAGISING AKONG sa isang madilim na silid, sinanay ko muna ang aking mga mata bago ako bumangon. Napalingon ako sa aking tabi, napangiti na lang ako, dahil nasa aking tabi pa rin ang lalaking mahal ko.

Tumayo ako at pumunta sa may veranda ng aming kwarto, gaya ng dati, sa tuwing nakatingin ako sa labas, mula sa veranda na ito ay isang malawak na kadiliman ang bumungad sa akin.

Niyakap ko ang aking sarili, dahil sa umihip na hangin. Sobrang lamig ng hangin na iyon. After 15 years, hanggang ngayon ay di pa rin nahahanap si Mr. D, ang demonyo na lumapastangan sa akin noon. Napakuyom na lang ako sa aking kamao.

'Pag ako ang nakahanap sa iyo, Mr. D, pag babayaran mo ang ginawa mo sa akin, sa kamay ko, ikaw mamamatay.' sabi ko sa sarili ko.

Ipaghihiganti ko ang pagkamatay ng aking panganay na anak. Ipapalasap ko sa iyo ang sakit na nararamdaman ko, noong nawala ang aking anak. Kayong lahat. Lalo ka na Leigh. Pagbabayarin din kita sa kasalanan mo, ikaw ang naging dahilan kung bakit nawala ng tuluyan sa akin ang aking anak. Di ko mapigilan ang lumuha.

Sobrang sakit ang nararamdaman ko, ngayong bumalik na ang mga ala-ala ko, pagbabayaran ninyong lahat ito. Wala akong ititira sa lahi ninyo. Napapitlag ako, dahil sa isang yakap, niyakap niya ako mula sa aking likuran. Agad mo namang isinandal ang aking ulo sa dibdib nito.

"Bakit gising ka pa?" tanong nito.

"Bumalik na ang mga ala-ala ko, Terrence.  Masaya ako, dahil bumalik na lahat, pero bakit ang sakit-sakit. Wala akong kasalanan pero, bakit pinaparusahan ako ng ganito, love?" Di ko mapigilan ang aking sarili na umiyak.

Ilang taon kong kinimkim ang galit at poot sa aking puso, ilang taon ko iyong inalagaan. Ngayong bumalik na ang mga ala-ala ko, pinapangako ko, babalikan ko kayong lahat. Pangako ko sa aking sarili.

Terrence POV

HINAPLOS ko ang pisngi ng aking mahal na asawa, masaya ako, dahil bumalik na ang ala-ala nito, masaya ako dahil sa wakas ang magiging kumpleto na kaming muli.

Tumunog ang aking cellphone. Tinignan ko ito, napangiti ako ng wala sa oras.

"Hello, Cleo!" bati ko sa aking panganay. 

Oo, aking panganay, siya ang namatay noon na bata na akala ni Ayiesha ay patay na talaga.

Ilang araw pa ang nagdaan ng matagpuan namin si Ayiesha ay may dumating na bata sa condo ko, bitbit ito ni Liam. Sabi nito, iyon daw ang bata na pinagbubuntis ni Ayiesha, ang anak ng aking kaaway. Pero iba ang naramdaman ko sa batang iyon.

Di galit ang aking nararamdaman, kundi isang pagmamahal, pagmamahal ng isang ama, para sa kanyang anak. Kinuha ko ang bata kay Liam at dinala sa loob. Umupo kami sa sofa.

"She is Ayiesha's son," sambit ni Liam.

"I know!" wala sa sarili kong sambit, dahil ang aking buong atensyon at nasa bata. Nilalaro ko ang kanyang maliit na kamay.

"And your son."

Palingon ako ng wala sa oras kay Liam. Seryoso ang mukha nito, walang bahid na nagbibiro ito.

"How come?" tanong ko.

"Noong dinukot si Ayiesha, ay may nangyari sa inyo, di ba?" taas-kilay nitong sabi. "Akala ni Ayiesha, walang nabuo ng araw na may nangyari sa inyo. Pero ang totoo nyan, ay may nakauna na sa sinapupunan niya, bago pa siya nagahasa. Kaya akala ni Ayiesha ang batang iyan at anak ng hayop na iyon. Pina DNA ko na din ang bata and It's match. Mag-ama nga kayo!" tinignan ko ang bata.

Mahimbing itong natutulog sa aking bisig. Hinaplos ko ang pisngi nito at napangiti na lang ako ng wala sa oras.

"At ang alam ni Ayiesha ay patay na ang bata. Pinalabas kong patay na ang anak nito, para makapag focus si Ayiesha, pagdating ng panahon na kailangan niyang lumaban.

The Mafia Boss: Terrence Jude Alvarez (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon