Chapter 28

208 6 0
                                    

Ayiesha POV

DI AKO MAPAKALI, para bang anumang oras ay may dudukot ulit sa akin, na para bang may kukuha ulit sa akin, mula kay Terrence. Kahit na alam kong di niya ako pababayaan, nababahala pa rin ako. Ayaw kong maulit ang nangyari sa akin noon. Dumapa si Alex, gayon di si Terrence kaya dumapa na rin ako. May narinig kaming putok ng baril sa kung saan.

"Alam kong nand'yan kayo! Kaya lumabas na kayo!" tumawa nitong sambit. Tawa nang isang demonyo.

Ngumisi ako. 'Nagpakita ka rin demonyo ka.' sabi ko sa isip ko. Dahil di na nakahawak sa akin si Terrence ay ginawa ko iyong pagkakataon para lumayo sa kanya. Hindi si Alex o si Terrence ng papatay sa hayop na iyon kundi ako. Dahan-dahan ay gumapang ako papunta sa kung nasaan ang tinig na iyon. Kaya ng makita ko siya at agad akong tumayo.

"Are you looking for me?!" malamig kong sambit dito. Nilingon niya ako, ngumisi ito.

"Ayiesha, babe!" ngisi nito, may mapalarong ngiti sa mga labi nito. Kahit na nakasuot ito ng maskara ay may nakikita ako sa mga mata nito na kasiyahan. Pero di ako natutuwa.

Tumakbo ako papunta sa kanya, naghanda siya, pero di niya inaasahan ang galaw ko na iyon. Umikot ako at gamit ang libre kong paa ay pinatamaan ko siya gamit ang sipa ko. Napatukod ako sa lupa, galit ko siyang tinignan.

Nilingon ko nito. Nanlilisik ang mga mata nito na nakatingin sa akin. Tumayo ito, gayon din ako. "Una pa lang iyon, may kasunod pa." sabi ko sabay atake sa kanya.

Di niya ulit na paghandaan ang isa kong atake. Kaya sunod-sunod akong umatake, 

pero nasangga niya bawat atake ko.

"Not bad, ang galing mo talaga. Pero alam ko magaling ka din sa kama!" sabi nito sabay ngisi.

Inatake ko siya ng inatake puro salag lang ang ginagawa nito, hanggang sa nakakuha ako ng pagkakataon at natamaan ko muli siya. Napahiga ulit ito sa lupa.

Tumawa ito na para bang demonyo. "Pasalamat ka Ayiesha at di ko kayang saktan ka. Kahit na sinasaktan mo ako. Ganun kita kamahal!" sabi nito sabay bangon. "Pero nasaan ka? Nasa hayop na Terrence na iyon. Kitang-kita ko Ayiesha, kung paano ka umungol, kung paano ka umindak sa ibabaw niya na sana ay ganun din sa akin." sabi nito. Nabigla ako. Di agad ko nakagalaw.

"Kitang-kita ko Ayiesha, kung paano ka nasasarapan sa bawat ulos niya sa iyo, kung paano ka nasasarapan sa bawat pagkain niya sayo. Pero sakin nandidiri ka." sigaw nito. "Sinasaktan mo lang ang damdamin ko, alam mo ba iyon?"

"I always dream Ayiesha na sana ay ganun ka din sa akin. Puno ng pagnanasa ang mga mata at hindi pandidiri." sabi nito muli, may nababanaag na galit sa mga mata nito.

"Nakakadiri ka!" nandidiri kong sabi dito.

Tumawa lang ito. "paano ako gaganahan sa ginagawa mo kung bawat ulos mo sa akin ay ang pagmumukha mo ang nakikita ko at hindi kay Terrence. Paano ako gaganahan kung bawat haplos at halik mo ay di galing sa taong mahal ko, kundi sa taong kinamumuhian ko." galit kong sigaw dito. "Makuha mo man ako muli ay ganun pa rin, hindi ako titingin sa iyo na may pagnanasa, hindi ako gaganahan sa bawat halik at haplos mo." sigaw ko dito.

Ngumisi ito. "Bakit mo ako laging sinasaktan Ayiesha? Ano ang nakikita mo kay Terrence na wala sa akin?" sigaw na pabalik nito sa akin.

"Ang pinagkaiba n'yo ay mahal ko siya at ikaw ay hindi!" malamig kong sabi dito. Napatawa ito. May luha na umaagos sa mga mata nito.

"Mahal kita Ayiesha, bakit di mo ako magawang mahalin? Bakit di mo ako magawang pagbigyan sa gusto ko. Ikaw lang ang gusto ko Ayiesha. IKAW LANG, kung di ka rin mapapasakin, mabuti pang mamatay ka na lang!" sigaw nito sabay totok sa akin ng baril at kalabit dito. Nanlaki ang mga mata ko. Isang lalaki ang humila sa akin at hinila niya ako sa kung saan man.

"Don't scare me like that!" sambit nito, may lamig sa tinig nito.




Terrence POV

MATAPOS kaming dumapa at agad sana akong tatayo ng di ko mahawakan ang kamay ni Ayiesha, paglingon ko ay wala si Ayiesha. Agad akong napatayo, lumingon-lingon. Pumunta ako sa kanang bahagi ko at may narinig akong nagsalita.

Nang makita ko si Ayiesha at ang lalaki na iyon ay di muna ako lumabas, pinakinggan ko ang palitan ng salita nilang dalawa. Nakita ko din kung paano sugudin ni Ayiesha ang lalaki at natumba ito.

Namumungay ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Ayiesha. Mahal ako ni Ayiesha. Napatawa ito. May luha na umaagos sa mga mata nito.

Nakita kong nakatutok na kay Ayiesha Ang baril at kinalabit ito ng di inaasahan. Nanlaki ang mga mata ko. Kaya agad akong tumakbo papunta sa gawin nina Ayiesha at sa lalaking iyon. Di ako napigilan ni Alex ng tumakbo ako papunta kay Ayiesha para iligtas ito. Agad ko siyang dinamba, sabay tayo at hila sa kanya sa kung saan.

"Wag mo akong takutin ng ganun." sabi ko sabay hawak sa pisngi nito. "Ikamamatay ko Ayeisha kung may mangyaring masama sa iyo." sabi kong muli dito, sabay yakap ng mahigpit dito.

Ngumiti ito. "Sorry, umalis ako ng walang paalam!" hinging paumanhin nito. Ngitian ko na lang siya at niyakap. I kiss her hair.

"Tama na ang lambingan, nandito na si Demon," sabi ni Alex na may ngisi sa labi. Kaya tumakbo kami papunta sa kung saan. Nang makarating kami sa highway ay may nag-aabang doon na kotse.

Agad kaming sumakay at pinatakbo ito ni Alex ng mabilis. Habang nagmamaneho si Alex ay nakatingin din ito sa rear mirror.

"Kapit kayo, bibilisan ko ang pagpapatakbo, para maiwala natin sila." sabi nito. Kaya lumipat ako sa backseat para alalayan si Ayiesha upang di ito taaman.

Binilisan ng takbo ni Alex ang sasakyan nito. Kaya mabilis din ang sumusunod sa amin, hanggang sa magpaputok na sila at tinamaan ang likod ng kotse. Pinayuko ko si Ayiesha para di ito tamaan, nakatabon lang ang dalawa nitong kamay sa tainga nito.

Sumungaw ako sa bintana ng kotse para gumanti ng putok, pinaputukan ko ang gulong ng mga sumusunod sa amin kaya napahinto sila.

Nag ring ang cellphone ko. Kaya sinagot ko ito.

"Hello," sagot ko sa tawag mula sa kabila.

"Where are you?" naiiritang tanong ng kapatid ko.

"Hinahabol kami ngayon ng mga kalaban!" sabi ko dito.

"What?" sigaw nito. Kaya inilayo ko ang cellphone tainga ko. Nabingi ako sigaw ng kapatid ko. Agad kong ibinalik ang cellphone sa tainga ko.

"I'm on my way, brother. Hintayin mo ako!" umiling na lang ako, di ko din naman mapipigilan ang kapatid ko na iyon. Kahit na sabihin ko sa kanya, na okay na ako ay sisigi pa rin iyon, pupuntahan pa rin ako nito. My sister is so stubborn to the point na mapapahamak ito.

Gumilid kami, dahil darating ang kapatid kong magaling. Nang hintay kami ng ilang minuto at may tumabi na sasakyan sa gilid.

"Terrence!" tawag nito sa akin. Kaya nilingon ko ito. Pero ang mga mata nito ay nandoon kay Alex.

"What are you doing here?" nakapamewang na tanong nito kay Alex. Tahimik lang si Alex, minamasdan lang nito si Beatriz.

"Kilala ninyo ang isa't-isa?" tanong ko sa kanilang dalawa.

"Yes, at sino ang makakalimot sa mukha na iyan? Siya lang naman ang nang-iwan sa akin." galit nitong sabi.

"At galit ka na sa lagay mo na iyan?" tanong ko sa kapatid ko.

Tinignan niya ako ng masama. "Alam mo, just shut up, brother." nanlilisik na mga matang saad nito.

"And you mister. Why are you here," nakapamewang na sambit ni Beatriz kay Alex.

"He is the one who save me, Beatriz." Ani ni Ayiesha. Sumingit na ito kasi alam na nito kung paano magagalit si Beatriz.

"Who? What?" sigaw nito. Nanlaki pa ang mga mata nito.

"Kaya tigilan mo na yang katatalak d'yan, Beatriz. Wala ka ng magagawa, sa ayaw at sa gusto mo, Alex will be part of our team." sabi ko dito. Irap lang ang tanging ibinigay nito sa akin.

"Ano ang plano mo ngayon?" tanong nito sa akin. Napaisip ako.

Sa ngayon kasi wala pa talaga. Pero alam ko, gagalaw at gagalaw ng mga kalaban namin at hahanap sila ng tempo para atakehin at pilayan kami.

The Mafia Boss: Terrence Jude Alvarez (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz