Chapter 25

262 9 2
                                    

Ayiesha POV


"KUMUSTA na siya Dok!" rinig kong sabi ng isang di ko kilalang boses. Ang hirap dumilat, para bang may nakadagan sa akin. Di ko narinig ang iba pa nilang pinag-uusapan, dahil kinain na ako ng kadiliman. Nagising akong masakit ang buo kong katawan, di ko alam kung nasaan ako. Pilit akong tumayo ng may pumigil sa akin.

"Hija, wag kang gumalaw." sabi ng isang matandang babae sa akin. Natakot ako na baka isa ito sa mga tauhan ng lalaking iyon. Kaya itinulak ko siya, pero di ito natinag.

"Lumayo ka sa akin!" sabi ko sabay hawak sa aking tiyan, pero wala akong makapa na umbok dito. Pagtingin ko, ay nanlaki ang mga mata ko ng lumiit ang aking t'yan.

"Nasaan ang anak ko?" sigaw ko dito. 

"Nag-aagaw buhay ka, gayon din ang bata, kailangan niyang alisin sa iyo para di kayo magdilikadong dalawa." sabi nito sa akin.

Nangingilid ang aking mga luha sa aking mga mata. Di ko matanggap na inalis nila ng walang paalam sa akin ang aking anak.

"Nasaan ang anak ko!" sigaw kong muli dito.

"Wala na ang bata, di siya nakaligtas!" nanlaki ang mga mata ko sa aking narinig.

"Hindi, hindi totoo iyan!" sigaw ko, isa-isang umagos sa aking mga mata ang aking luha. Nagwala ako dahil di ko matanggap na sa isang iglap lang ay mawawala ang aking anak.

"Hindi, ibalik nyo ang anak ko." Isa-isa kong binunot ang nasa kamay ko.

"Itigil mo iyan, di ka pa magaling." pigil sa akin ng matanda.

"Shut up, you old woman, siguro, kasabwat ka nila. Gusto nyong mamatay ang anak ko!" Histirikal kong sigaw sa kanya. Patuloy ako sa pag wawala. Hanggang sa may pumasok na Nurse at Doktor.

"Pakawalan nyo ako." sigaw ko at pagwawala ko. Hinawakan nila akong mabuti, at may itinusok sa akin. "No, please. Wag, maawa kayo sa akin!" sabi ko sa kanila. Pero wala silang narinig.

Hanggang sa nanghihina na ako. "Pagbabayaran nyo itong lahat, lahat kayo. Lahat ng may kasalanan sa pagkamatay ng anak ko." sabi ko sa mahinang boses, hanggang sa mawalan ako ng malay.

"Kumusta na siya, nay!" rinig kong sabi ng isang lalaki na di ko kilala.

"Nagwala siya kanina anak. Kung nakita mo lang ang sitwasyon nila, maawa ka talaga." mahinang sambit ng matanda.

"Ano kayang nangyari sa kanya inay no? Kasi nong nakita ko siya, nanghihina na siya. Para bang nasa bingit na siya ng kamatayan." sabi nito.

"Hindi ko alam anak." Kahit na naririnig ko sila ay di ko magawang igalaw ang mga paa at kamay ko. Ang lakas ng epekto ng gamot sa akin, di nagtagal ay nilamon ulit ako ng kadiliman.

Iminulat ko ang aking mga mata, agad kong inilibot ang aking paningin sa paligid. Nandito pala ako sa ospital.

"Gising ka na!" sambit ng isang boritonong tinig.

Nilingon ko ito. "Sino ka?" mahina kong sambit dito.

"Ako si Alex, ako ang nakakita sa iyo sa may sapa!" sabi nito sa akin.

"Ang aking anak? Where is my baby?" sabi ko sa mahinang boses pa rin. Nanghihina pa rin kasi ako.

"Sabi ni inay, patay na daw ang bata. Pero ng iniluwal mo ito ay buhay naman daw. Bigla na lang daw itong di humihinga."

Napaluha ako, my poor baby, namatay ito ng walang kalaban-laban. Napakuyom ako sa aking kamao, pangako anak, ipaghihiganti kita. Sa lahat ng umapi sa atin, sa lahat ng may kasalanan sa atin.

"Tulungan mo akong maghiganti!" sabi ko sa kanya.

"Gusto mong maghiganti?" tanong nito.

"Oo, tulungan mo ako!" sambit ko dito.

The Mafia Boss: Terrence Jude Alvarez (COMPLETED)Where stories live. Discover now