"Kung ganun, doon mo itatago si Ayeisha?" tanong ko.

"Oo, lalo na't naghihinala na si Danica. Alam ko ang galaw nila Danica. Kaya mas mabuti nang mailayo ko kayong lahat, bago pa nila malaman ang totoo."

"Paano ka nakakasiguro na ligtas na si Ayeisha sa bansang iyon."

Nilingon ako ni Terrence. "Hawak ko ang bansang US, kaya alam ko iyon. Isa na ako ngayon sa lider ng organisasyon na iyon at ang US ang hawak ko. Nasisiguro ko na maitatago ko si Ayeisha doon. Kesa sa Pilipinas."

Bumalik ang tingin ni Terrence kay Ayeisha. "Pag maayos na ang lahat ay aalis din agad ako. I will install the CCTV kung saan man si Ayeisha. Para malaman ko o ma monitor ko ang lahat. Kahit wala ako sa tabi nito."

Hindi ko naisip na ganito pala kalaki o kalawak ang pagmamahal ni Terrence para kay Ayeisha. Ngayon ako nakakasiguro na handang ibuhis ni Terrence ang buhay nito. Para lang mailigtas ang babaeng mahal.

"Excuse me po. Bawal po ang maraming tao dito."

Pasimpleng ibinalik ni Terrence ang mask at lumabas. Lumabas na din ako, napatingin ako kung saan dumaan si Terrence. Papunta ito sa unahan ng eroplano.

Bakit hindi ko pala naisip na maaaring si Terrence ang isa sa nagpapalipad ng eroplano. He is a pilot after all. Isang piloto so Terrence, pero hindi alam ng lahat iyon.

Bumalik na ako sa kinauupuan ko.

"Tita, mommy is okay, right?" tanong ni Nichole. Alam ko na ang mga bata ang mas naapektuhan sa lahat.

"I saw daddy a while ago."

"Talaga, Kaileen? Nasaan?" tanong agad ni Nichole.

I know, miss na miss na nila ang ama nila.

"Tama na iyan. Okay ang mommy mo, Nichole. Kaya niyang malampasan ang lahat ng ito. And Kaileen. Your daddy is not here," sabi ko sa kanila.

Hindi nila pwedeng malaman nandito si Terrence. Iyon ang kabilin-bilinan ni Ayeisha sa akin.

"I miss him already. Sobrang tagal naman bumalik ni daddy."

Ang alam ng mga bata ay nasa isang business trip si Terrence at matatagalan pa bago bumalik.

"Baka susunod si tatay, Kaileen. Alam mo naman iyon, hindi matitiis si nanay."

"Baka, sana nga."

They are full of hope na isang araw ay magpakita sa kanila ang kanilang ama. Pero alam ko na magpakita man si Terrence kay Ayeisha ay hindi sa mga bata. Dahil baka hindi na gugustuhin na umalis si Terrence.

Nakarating kami sa airport ng maayos. Agad na cheneck ng doktor si Ayeisha, pati ang bata. Nang matapos na ang pag check ay agad na isinakay sa Ambulance si Ayeisha. Para dalhin sa hospital.

Nang makarating kami sa hospital ay sobrang tahimik. Alam ko na hindi muna pinapapasok ni Liam ang mga nurse at doktor ngayong araw. Dahil nga darating kami. Walang pwedeng makaalam na darating kami ngayon.

Pagkalabas ng Ambulance kay Ayeisha ay todo alerto ang mga tauhan ni Liam. Pumasok agad kami sa hospital. Pinahanda na din ni Liam ang 6th floor, ang last floor ng hospital. Dahil doon ilalagay si Ayeisha. Kumpleto sa gamit ang 6th floor. Dahil inayos na ni Liam ang lahat bago pa man kami umalis.

Sumakay kami sa elevator. Nakarating naman kami sa 6th floor. Buong floor ang pinasara ni Terrence at Liam. Dahil okupado naming lahat ang 6th floor. Iyon ang gusto ni Liam, na nasa iisang lugar lang kami. Nasa 5th floor naman ang operationg room. Kung saan ooperahan si Ayeisha. Bukas ng hapon.

Nailagay na si Ayeisha sa kwarto nito, sa ICU. Doon ay mananatili si Ayeisha, hanggang matapos ang operasyon nito at magising. Ginawang tinted din ang glass window. Nilagyan ng makakapal na kurtina ang mga glass window. Para walang makakita kay Ayeisha mula sa loob.

The Mafia Boss: Terrence Jude Alvarez (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon