Chapter 5: Mall (Part 2)

Mulai dari awal
                                    

Teka? para yatang may inaaway si unnie. Pupuntahan ko nalang sya kasi pinagtitinginan na sila ng mga ibang tao dito. Habang papunta ako sa kanila nakikita ko talaga sa mukha ni unnie na galit at mukhang hindi din sya magpapatalo dun sa lalaking kaharap nya. Bakit nya inaaway yung lalaki ehh mukha ngang bagay sila.. hehehe..

"Unnie may problema bah?"-tanong ko agad sa kanya.

"Wag mo kong alalahanin Babyseo. I'm perfectly fine. May bakla lang namang kulang ng pansin dito"-sagot naman ni unnie at tumingin sa akin. Bakla? tiningnan ko naman yung lalaki. Oo nga mukha syang babae

"Anong ginawa nya sa'yo unnie?"-tanong ko tapos tiningnan ulit si unnie.

"Sabi nya sya daw naunang nakakita sa mga Hello Kitty notebooks. Eh paano naman nya mabibili ang mga notebooks kung titingnan lang nya diba? So ako talaga ang may karapatan diba?"

Tumango nalang ako sa sinabi nya. Si unnie kasi ang hilig hilig nya sa kulay Pink. Maganda din naman ang kulay Pink. Pero white pa rin ang favorite ko...hihi

Sa totoo lang napaisip din ako. Mukhang babae na mukha namang lalaki yung kaaway nya. Tapos nakikipag sagutan pa sa babae? tapos Hello Kitty ang pinag-aawayan?


Tiffany's POV

"Sabi nya sya daw naunang nakakita sa mga Hello Kitty notebook. Eh.. paano naman nya mabibili ang mga notebook kung titingnan lang nya? So ako talaga ang may karapatan 'di ba?"-tanong ko kay Baby. Ako naman talaga may karapatan eh..

Tumango naman sya.

Ang saya pa naman ng araw ko ngayon tapos excited pa akong mamili ng mga gamit namin at notebooks ko tapos eto lang ang mangyayari? Sira na tuloy araw ko. Ewan ko ba bakit bigla nalang uminit yung dugo ko sa kanya nung sinabi nya na sya daw ang unang nakakita ng mga pink notebooks. Eh babae ako dapat pagbigyan nya ko.. 

Tama nga hinala ko siguro bakla nga sya.

"AMAZONA!"

Tumingin ako sa may tumawag sa'kin.

Sya! ang Bakla! ang tumawag sa'kin tapos itinaas nya ang plastic na ang laman ay puro mga notebooks na Pink.

Lalo akong nainis! ARGH!

"Unnie.. okay ka lang?"-alalang tanong ni Babyseo

"Kakainis naman ohh! magpatuloy ka nalang sa pamimili mo ng mga gamit natin at maghahanap nalang ako ng ibang Pink notebook dito. Wag mo nalang pansinin si unnie mo. Medyo mainit kasi ulo ko ngayon."-sabi ko

Sorry maknae pati ikaw nadamay sa init ng ulo ko.

Pasalamat kang bakla ka kung ito na ang una at huli nating pagkikita. Malas mo lang kung magkita pa tayong muli. Humanda ka talaga sa'kin...

WAH! Notebooks ko! huhu


Kai's POV

"Kawawa naman si Luhan Hyung mag-isa lang pumunta sa NBS."-namo-mroblemang sabi Kyungsoo Hyung

"Edi sana sinamahan mo."-sabat naman ni Chen Hyung

"Oh sige tapos ikaw nalang bumili ng mga ingredients ng mga pagkain na lulutuin ko mamaya? alam mo ba?"

"Ay hehe kawawa nga talaga si Luhan Hyung.."-ngising camel ni Chen hyung

"Yan kasi Chen. Pambara pa more!"-derp smile ni Yeollie hyung sa kanya

"Gusto mo Yeollie pagtripan din kita?"-saka sya tumingin dito..

COLLIDE (EXOSHIDAE) *COMPLETED* (REVISING)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang