Chapter 38

13.2K 227 8
                                    

Chapter 38



Gulat akong napatayo sa sinabi nito. "S-Seryoso ka ba?" tanong ko dahil mukhang pabigla-bigla siya.

Hinawakan ni Kheious ang kamay ko at tiningala ako. "Noon pa kita gustong tanungin... at noong ko pa dapat ginawa ito." Lumuhod siya sa harapan ko at inilabas ang singsing. "Kahit hindi ko pag-isipang mabuti... alam kong ikaw iyong babaeng gusto kong makasama habang buhay. Ms. Cassianaia Noreen Servantes, will you marry me?"

"Yes," naiiyak kong sagot.

Isinuot niya sa akin ang singsing at niyakap ako. Batid kong mahirap at nakakatakot dahil sa sitwasyon namin, pero hanggang kailan ba kami matatakot? Hindi pwedeng habang buhay na lang kaming magpapadala roon. Unfair man sa iba pero hindi ba't deserve din naman naming sumaya? Ilang taon din ang sinakripisyo namin para sa iba, and I think it's time para piliin naman namin ang mga sarili namin.

"OMG! So totoo nga?" kinikilig na pagkumpirma ni Syn nang ipakita ko sa video call ang singsing na suot ko. Nasa sala ako at kausap sila sa laptop. "Ang ganda, sis!"

"Patingin!" singit naman ni Brea. "Mukhang ang mahal. Magkano kaya iyan kapag sinangla natin-- aray!"

"Ikaw talaga, Brea, puro ka kalokohan," sermon ni Syn at natawa na lang ako sa dalawa.

"Aba ilang concert tickets, albums, at photocards na rin katumbas n'yan, ano? Pero syempre biro lang iyon. I'm so happy for you, sissy. Don't worry tanggap ko ng mag-aasawa na bias ko."

Naalala ko tuloy iyong time na nagwo-work pa ako sa coffee shop kasama siya. Kilig na kilig siya habang tinuturo si Kheious sa screen. Tapos ngayon heto at pinag-uusapan na namin ang tungkol sa engagement namin ng idol niya.

"Salamat, Brea, ah. Salamat sa pag-intindi."

"Ano ka ba wala iyon, ano? Deserve din naman ni Kheious na sumaya... deserve n'yong sumaya."

"Sana lahat ng tao gan'yan mag-isip." Malungkot akong napangiti. Naiisip ang mga taong bumabatikos sa relasyon namin. Pero hindi ko naman sila masisisi dahil mahal na mahal nila si Kheious. Masyado rin naman kasi talagang nakakagulat ang balitang may anak na siya. Nangunot ang noo ko nang humagikghik ang dalawa. "Why?" takang tanong ko.

"Hindi ka talaga updated sa mga nangyayari sa so-med, 'no?"

"Alam n'yo naman na simula noong pumunta kami rito nag-deactivate na muna kami ng accounts para na rin makahinga sa mga issue. Ang dami ng nangyayari online. Hindi na maganda sa mental health. Bakit ano bang update?"

Nagkatinginan muna ang dalawa bago ako hinarap. Mas na-curious tuloy akong lalo sa sasabihin nila. May alam ba sila na hindi ko alam at dapat kong malaman?

"Nagka-backlash ang kompanya, Anaia," sagot ni Brea na labis kong ikinagulat.

"B-Backlash?"

"Nalaman kasi nila iyong tungkol sa pag-terminate kay Kheious sa grupo. Syempre iyong mga fans ni Khe umalma sa naging desisyon nila. Maraming nagalit at na-disappoint sa paraan ng pagresolba nila sa issue. Kaya naman ngayon ay nahaharap sila sa mga batikos."

"Tama ang sinabi ni Brea. May mga fans pa nga na nagbanta na ibo-boycott nila ang upcoming concert kapag hindi kasama si Kheious. He's the ace and leader of the group after all. Hindi siya pwedeng mawala."

"My god." Napahilot ako sa sintido. "Eh iyong issue tungkol sa amin, kumusta?"

"Okay na, sis," nakangiting sagot nila Syn at Brea.

"Huh? Paanong okay na?" naguguluhan kong tanong.

Kulang na lang ay bantaan kaming papatayin ng ibang fans noong nakaraan tapos ngayon ay sasabihin nilang okay na. Ano na bang nangyayari?

Rhythm of Solitude (COMPLETE✔)Where stories live. Discover now