Chapter 17

8.2K 166 11
                                    


Chapter 17


"Sino ako? Ako lang naman ang nagmamay-ari ng mga paupahang bahay rito. Nakarating na sa akin na dalawang buwan na kayong hindi nakakabayad ng renta."

"Pasensya na po, Madame. Medyo gipit lang kami ngayon," paghingi ko ng paumanhin.

"Aba hindi pwede ang pasensya lang. Ako naman ang malulugi sa inyo kapag ganiyan."

"Ginagawan na po namin ng paraan."

"Kapag hindi kayo nakabayad ngayong buwan, mag-impake na kayo!

Nagkatinginan na lang kami ni Kheious. Kinabig niya ako palapit at niyakap. Sa mga ganitong pagkakataon ay ang isa't isa lang ang sandalan namin.

"Kung huminto muna kaya ako para makatulong sa 'yo sa mga bayarin."

"Hindi mo gagawin iyan. Kaunting tiis na lang naman at matatapos ka na rin sa kolehiyo."

"Pero nahihiya na rin kasi ako sa 'yo. Ikaw na ang nagbabayad ng lahat ng gastusin dito sa bahay tapos pati mga pangangailangan ko sa school ikaw na rin ang sumasagot."

"Okay lang iyon. Sabi ko naman, 'di ba, gagawan ko ng paraan. Huwag mong kaisipin."

Niyakap ko siya at isiniksik ko ang mukha sa kaniyang dibdib. Yakap namin ang isa't isa sa kama, kapwa pagod sa maghapun at mga problema. Ang dami naming kailangang bayaran. Kapag napalayas kami wala kaming ibang mapupuntahan.

"May naitabi pa naman akong pera. Ipambayad na lang muna natin iyon."

"Ako rin mayroon pa. Pagsamahin natin."

"Sa 'yo na iyon. Baka bigla mong kailanganin sa school. Mahirap mag OJT ng walang pera. Huwag kang mag-alala kaya ko. Magagawan ko ng paraan."

"I love you." Niyakap ko siya bagay na tanging magagawa ko sa sitwasyong ito... ang damayan at suportahan siya.

Habang tumatagal ay pahirap din nang pahirap ang sitwasyon. Sunod-sunod ang bayarin at ang gastusin. May mga pagkakataon na hindi na nga nakakakain ng hapunan si Kheious dahil bagsak na siya pag-uwi dahil sa training at trabaho. Naaawa ako sa kaniya pero hindi ko naman siya matulungan dahil kinakain ng OJT ang oras ko.




"Love, mainit ka." Nataranta ako nang masalat ang nakakapaso niyang leeg.

Hindi siya umimik, nanghihina, at mistulang kinakaligkig. Kumuha kaagad ako ng plangganang may maligamgam na tubig at bimpo upang punasan siya. Nagluto rin ako ng pwede niyang kainin para makainom siya ng gamot tapos ay hinilot bago ako matulog. Nagdasal ako sa Diyos na sana'y malampasan namin lahat ng pagsubok. At mukha namang pinakinggan niya ako.

Kinabukasan ay mabuti-buti na ang pakiramdam ni Kheious. Hindi nagtagal ay tuluyan na rin siyang gumaling. Nagkaroon din siya ng magagandang raket kaya paunti-unti ay nakabayad kami sa mga bayarin. Palagi lang akong nasa tabi niya para alagaan siya dahil iyon pa lang ang tanging magagawa ko sa ngayon.





"Congrats, love. Graduate ka na." Masaya niya akong niyakap pagkatapos ng graduation ceremony.

"Thank you. Sinuportahan mo ako," naiiyak kong sambit.

Hindi ko alam kung makakaabot ako sa puntong ito kung wala siya.

"Sinusuportahan natin ang isa't isa."

Nag-picture kami para may souvenir sa napakaimportanteng sandaling ito ng buhay namin.

Rhythm of Solitude (COMPLETE✔)Where stories live. Discover now