Chapter 7

7.9K 213 26
                                    

Chapter 7




"Ang bilis mo. Para kang walang kasabay," reklamo ko nang abutan siya.



"Mabagal ka lang talaga."



"Hindi kaya. Mabilis ka lang masyado."



"Samahan mo ako sa palengke. Mamimili ako ng para sa lulutuin mamayang gabi."



"Ikaw ang toka?"



"Um." Namulsa siya at nagpatiuna na sa paglakad.



Pumasok kami sa pamilihang bayan at nagtingin-tingin kahit hindi ko naman alam kung ano ang bibilhin.



"Ano bang lulutuin mo para sa hapunan?"



"Ginataang alimango na may kalabasa."



"Wow! Sarap naman. Laki ng budget ah."



"Nagki-crave kasi si Madame sa ginataang alimango kaya binigyan niya ako ng pera kaninang umaga para ipagluto siya."



"Sana palaging mag-crave ng masarap si Madame para damay tayo."



Naglakad-lakad kami, naghahanap ng mga sangkap na gagamitin para mamaya. Mabuti na lang at kabisado na namin ang lugar kaya hindi na kami nahirapan. Bawas oras tuloy sa paghahanap ng magandang bibilhan. Umuwi na rin kami agad pagkatapos mamili para makapagluto na ng hapunan.










"Ang bango," sambit ko.



Pagbaba ko pa lang ng hagdan ay naamoy ko na kaagad ang niluluto ni Kheious sa kusina. Nakakatakam ang amoy niyon kaya hindi ko napigilang sundan. Nadatnan ko ang lalakeng nakatalikod at nasa harapan ng kalan na naghahalo. Natulala ako nang makita siya dahil wala siyang suot na pang-itaas.



Napatitig lang ako sa maganda niyang likod. Aalis na sana ako nang bigla siyang pumihit paharap sa akin. Hawak nito ang sandok at may suot na apron. Wala sa sarili akong napatanga sa kaniya.



"Bakit?" untag nito sa akin kaya napaayos ako ng tayo.



"I-Itatanong ko lang sana kung... kung luto na ba?"



"Malapit na, pero hindi pa ako sigurado sa lasa. Tikman mo nga." Kumuha ito ng kutsara at inabot sa akin upang tikman ko. "Kumusta?"



"Masarap ka— I mean masarap siya. Masarap iyong luto mo."



"Mabuti naman kung ganoon. Tawagin mo na sila nang makakain na tayo."



"S-Sige. Tawagin ko na sila."



Sa pagkataranta at kawalan sa sarili ay muntik pa nga akong madapa. Pinigilan nito ang sarili na matawa at nag-iwas na lang ng tingin, kunwari hindi ako nakita. Nakakahiya talaga! Tinawag ko iyong mga kasama namin para makakain na.











"Hindi ka makatulog?" tanong ni Kheious nang abutan ako na nakaupo sa labas, sa may hagdan.



"Katatapos ko lang gumawa ng project. Nasobrahan yata ako sa kape kaya hindi makatulog. Ikaw, bakit gising ka pa?"



"Nasira body clock ko dahil sa raket kong catering nitong nakaraan. Walang tulugan kaya ngayon, hirap tuloy akong makatulog. Gusto mo bang maglakad-lakad?"



"Um." Tumango-tango ako bilang pagsang-ayon.



Alas-onse na kaya sobrang tahimik na rin ng paligid. Maraming bituin at sobrang payapa ng gabi. Naglakad-lakad lang kami habang nagkukuwentuhan hanggang sa marating namin ang convenience store na malapit lang din dito. Pumasok kami roon para humanap ng mid night snack. Nagutom din ako sa kakaaral kanina.



Rhythm of Solitude (COMPLETE✔)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें