Chapter 34

11.5K 231 10
                                    


Chapter 34



Mabilis kaming napakalas sa isa't isa nang dumating ang mga kaibigan ni Kheious.

"Anaia, hiramin muna namin ah."

"S-Sige." Ngumiti ako.

"Tara na, dre, Mayang gabi n'yo na lang ituloy iyan."

Gosh! Nakita ba nila? 

Nang umalis sila ay umahon na rin ako dahil medyo nilalamig na rin. Dumiretso ako sa hotel room namin  upang magbihis. Hanggang doon ay isip-isip ko ang ginawa niya-- kung bakit niya ako hinalikan. Paglabas ko ng banyo ay naabutan ko si Syn na nakaupo sa kama at palinga-linga sa paligid.

"Talagang twin bed?"

"Oo, kay Kheious tapos sa amin ng anak ko."

"Ang weird n'yo. Pwede naman kayong magsama sa iisang kama ah."

"Masikip na."

"Aba edi dito mo sa kabilang kama ihiga anak mo."

"Uunahin ko pa ba siya kaysa sa anak namin? D'yan siya."

Kinuha ko ang blower at tinuyo ang buhok ko gamit iyon. 

"Ah basta ako hindi naniniwala na hindi kayo magtatabi mamaya."

"Bahala ka. Teka, si Khoein pala?"

"Nabihisan ko na. Nandoon sa labas kasama ang daddy niya. Nag-iihaw sila ng barbecue."

"Naku baka mag-amoy usok naman iyong anak ko."

"Tayo-tayo lang naman. Saka gusto niya iyon. Mas okay na rin iyong nagba-bonding silang mag-ama."

Matapos kong magbihis ay bumaba na rin kami ni Syn dahil mag-uumpisa na ang party. Inilabas na ang cake at nagtipon-tipon na kami sa lugar upang kantahan si Khoein.

"Happy birthday!" bati naming lahat at nagpalakpakan matapos nitong hipan ang  sindi ng kandila.

"Naks naman, Khoein, international singers pa kumanta sa birthday mo," anang Brea at nagtawanan kami.

"Ano bang w-in-sh mo, inaanak?" tanong ni Syn sa anak naming karga ni Kheious.

"Hiya ako eh." Sumubsob pa ito sa balikat ng ama.

"Ano iyon, baby?"

"Ayaw."

"Sabihan mo na. Malay mo maibigay namin."

Umimik ito pero walang boses kaya nahirapan kaming hulaan. Mukhang pinagt-trip-an kami ng anak namin.

"Ano?"

"Bulong mo kay daddy," sabi ni Kheious.

Inilapit nito ang bibig sa tainga  ng ama upang bumulong. Nagsilapitan din kami upang makiusyuso. 

"Gusto ko kapatid."

Namilog ang mata ko sa narinig. Mukhang pati nga si Kheious ay nagulat sa hiniling ng anak. 

"Kapatid? Ay si daddy at mommy mo na bahala d'yan," sabi ni Lawrence sabay tawa.

"Paano ba iyan? Kapatid daw, dre."

"First birthday wish iyan sa 'yo ng anak mo, tol, alangan namang hindi mo pagbigyan."

"Huwag n'yong i-pressure si Master, pilitin n'yo." Tumawa si Rhye.

"Need pa ba pilitin? Parang hindi naman," gatong ni Aki.

Nagtawanan sila habang kami naman ni Kheious ay hindi magkatinginan dahil sa hiya. Inasar-asar pa nila kami at para bang gusto ko na lang tumalon sa tubig at maglaho. Minsan talaga ang bata dapat hindi na pinipilit magsalita.

Rhythm of Solitude (COMPLETE✔)Where stories live. Discover now