Chapter 35

12.1K 246 13
                                    


Chapter 35



"B-Balik na muna ako sa loob. Baka hinahanap na ako ni Khoein." Naglakad na ako pabalik sa hotel upang makaiwas.

Ano bang sinasabi niya na mahal niya pa rin ako? Minadali ko ang bawat hakbang. Akala ko makakalayo ako sa kaniya, pero ang gago sinundan pala ako. Pasara na ang elevator nang may kamay na biglang humarang doon.

"What are you doing here?" iritable kong tanong sa pumasok.

"We will talk," he replied coldly.

"Really, Kheious, in front of them?"

"What's wrong with that?"

"Hindi ka ba nag-iisip? Sinabi mo sa harap nilang lahat na mahal mo pa rin ako. Alam mo naman na bawal kang mag-girlfriend, 'di ba?"

"Pero hindi bawal sa amin ang magmahal. Mga tao lang din kami, Anaia."

Natahimik ako sa sinabi niya. Bumukas ang pinto ng elevator at nagpatiuna na siya sa paglabas.

"Ano bang gusto mong mangyari, huh?" tanong ko sa lalakeng naglalakad nang nakasuksok ang mga kamay sa bulsa. Huminto siya sa tapat ng isang pinto at sinamantala ko naman ang pagkakataon na iyon upang pumwesto sa harapan niya. "Sabihin mo nga sa akin; bakit mo ba ginagawa ito?"

"Bakit mo ba ginagawa ito."

"Kheious, ako ba talaga pinaglololoko mo?" inis kong tanong pero tinawanan niya lang ako.

Binuksan niya ang pinto at walang ano-anong ipinasok ako roon. Mabilis niya iyong isinara at dinala ako sa loob. Binuksan niya ang ilaw at naupo sa gilid ng kama.

"Ano bang ginagawa natin dito? H-Hindi naman ito ang kuwarto natin." Iginala ko ang mata sa paligid.

"Mag-uusap tayo, 'di ba?" He tapped the space beside him.

Nakabusangot akong naglakad palapit sa kaniya. "Hindi ako naniniwalang usap lang."

"I don't know what you're talking about, woman." He chuckled and pulled me to sit beside him.

Ilang segundong namayani ang katahimikan sa pagitan namin. Para bang nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita. Hindi ba dapat ay siya dahil siya naman ang nag-insist na mag-usap kami? Ako pa ba ang magpi-first move? Hindi naman yata tama iyon.

"Totoo iyong sinabi ko kanina. Mahal pa rin kita, Anaia."

"Kung sinasabi mo lang iyan bilang parte ng pagganti mo sa akin, please lang tama na. Pagod na akong makipaglaro sa 'yo, Kheious."

"I'm not playing with you." Nang lingunin ko siya ay nakita ko ang sinsiridad sa mga mata niya. "Noong iniwan mo ako, hindi ako tumigil na mahalin ka. Kahit masakit, kahit dapat, pinili ko pa ring huwag huminto."

"Tinanong kita noon kung mahal mo pa rin ako, Kheious. Ang sabi mo hindi na." Tumulo ang luha ko nang maalala ang eksenang iyon at ang mga sinabi niya. "You treated me like a wh*re. Hindi ko nakalimutan iyon."

"I'm sorry. I lied."

"Huwag kang mag-alala. Hindi na naman big deal pa sa akin iyon. Naiintindihan ko naman kung bakit mo nagawa iyon. Napag-usapan na rin natin ang tungkol doon kaya tapos na iyon."

"Aaminin ko ginawa ko iyon noong una para gumanti sa 'yo. Pero isa rin iyon sa way na naisip ko para makasama ka... para mayakap at mahalikan kita. Nagseselos ako kapag nakikita kang malapit sa iba. Ginusto kong markahan ang bawat parte ng katawan mo para malaman nilang lahat na may nagmamay-ari sa 'yo. But then I realized that I was so selfish for doing that. I'm sorry."

Rhythm of Solitude (COMPLETE✔)Where stories live. Discover now