Chapter 22

11.1K 230 17
                                    

Chapter 22



Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko habang nakatago, natatakot na baka makita niya ako. Bakit kasi ngayon pa? Sa lahat ba naman ng kuwarto, rito pa talaga?

Sh*t! Palapit na siya. Napapikit na lang ako nang mariin. Nag-iisip na ng isasagot ko sa kaniya sa oras na magtanong siya. Para akong nabunutan ng tinik sa lalamun nang mag-ring ang telepono niya.

Lumayo siya saglit upang sagutin iyon. Sinamantala ko naman ang pagkakataon upang makaalis. Dahan-dahan akong lumabas, panay ang lingon sa likuran. Nang makalayo ay tinakbo ko na ang kahabaan ng corridor. Dumiretso ako sa restroom upang huminga.

"N-Nandito siya," hindi makapaniwala kong sambit habang hinihingal na nakasandal sa likod ng pinto.

Tiningnan ko ang sariling repleksyon sa malaking salamin sa lababo na nasa harapan ko, ilang metro lang ang layo. Wala sa sarili akong napangiti, kahit bakas sa mukha ang pagod.

Ilang taon kong hindi narinig ng personal ang boses niya. Hindi ko itatanggi na na-miss ko siya. Gustuhin ko man kaninang pakinggan pa pero wala naman akong ibang pagpipiliian kundi ang umalis. Hindi ko rin alam ang sasabihin kung sakaling magkaharap kami.




"Kumustang work? May gwapong guest ba?" kinikilig na tanong ni Syn na nasa harapan ng kaniyang laptop.

"Oo," tipid kong sagot habang nakaharap sa kalan, patalikod sa kaniya, at naghahalo ng niluluto ko.

"Sino? Nakilala mo? Nakaharap? Single ba? Matangkad?" kinikilig niyang tanong.

"Kilala mo siya."

"Huh?" Hindi man ako nakatingin, batid kong nakakunot na ang noo niya ngayon. "Sino?"

"Si Kheious."

"What?!"

"Shh! Boses mo. Baka magising iyong bata."

"Teka, seryoso ka ba? Nakita mo talaga siya?" Hindi na nga siya nakatiis pa at lumapit na sa akin. Tumango-tango lang naman ako. "Anong nangyari? Nakita ka rin ba niya? Nagkausap ba kayo? Anong sabi niya?"

"Nagtago ako."

"Para ka namang kriminal n'yan."

"Anong magagawa ko? Alangan naman na magpakita ako? Isipin mo nga, paano kung nagkaharap kami? Anong sasabihin ko? Baka matulala lang ako lalo pa't... basta."

"Lalo pa't ano?"

"Wala."

"Hmm... ano nga?"

"Topless siya." Uminit ang pisnge ko.

"Ikaw ah." Nginitian ako nito nang makahulugan. "Affected pa rin naman pala."

"Tigilan mo nga ako, Syn. Basta endgame hindi kami nagkaharap. Hindi pa pwede." Ibinalik ko ang atensyon sa paghahalo ng niluluto.

"Hmm... pagkakaalala ko sabi mo noong nakaraan, sasabihin mo sa kaniya iyong tungkol sa anak ninyo kapag pinagtagpo na kayo ulit ng tadhana."

"Malay ko ba naman na ganoon kabilis."

"So ano sasabihin mo na ba?"

"Sabi ko naman, 'di ba? Hindi pa pwede. Mas malaking gulo kapag may nakaalam. Isa pa kailangan mo munang kapain ang sitwasyon. Ang dami na kasing... nagbago."

"Tulad ng?"

Pinatay ko ang kalan at naupo sa harap ng hapagkainan. "Parang ibang tao na siya. Ang layo na niya masyado."

"Mahirap na bang abutin, sis?"

"Ibang-iba na ang buhay niya ngayon. Mukhang nakausad na siya sa nangyari sa amin. Good for him."

Rhythm of Solitude (COMPLETE✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon