Chapter 30

15.1K 268 21
                                    


Chapter 30



"Mommy, where are we going?" tanong ng anak kong sinusuotan ko ng sapatos.


"May ipapakilala si Mommy sa 'yo."


"Okay!" bibong sagot nito at bumalik na sa panunuod sa iPad.


Nagpabango lang ako pagkatapos at sinuot ang aking heels bago lumabas akay ang anak ko. Ginamit ko ang kotse ni Syn dahil delikado kung magco-commute kami papunta roon.


"Mommy, do you have friend here?" Palinga-linga ito sa malawak na lobby ng condominium. "I think people who are living here are rich kasi it looks so nice and fancy eh."


"Akyat na tayo, baby." Pumasok kami sa elevator at hindi maiwasang mamangha ng anak ko sa ganda at moderno ng lugar.


"What are we doing here, Mommy?" tanong nito nang huminto kami sa tapat ng isang pinto.


Lumuhod ako upang magkapantay kami. "Hindi ba gusto mong ma-meet daddy mo?"


"Um." Tumango-tango ito.


"He's here." Pinigilan ko ang maiyak.


After all those years of being asked by my son about his father, finally, maipapakilala ko na rin sa kaniya ang ama niya.


"He's inside, Mommy?" he asked in amusement. Napatakip pa ito sa bibig.


"Um." Tumayo ako at kumatok.


Bumukas iyon at bumungad sa amin si Kheious na nakapambahay lang. Mukhang nagulat pa ito nang makita ako. Hindi ko naman kasi sinabi na pupunta ako ngayon dito.


"Anaia?" Hindi makapaniwala itong napatitig sa akin. Bumaba ang tingin nito sa batang kasama ko.


"I know you! You drove us home last time. Wait! Hmm..." He acted like he was in a deep thinking. "Woah! Don't tell me you're my..." Lumapit ito at bumulong. "Daddy."


Lumuhod si Kheious at pinakatitigan ang anak namin. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa magkakahalong emosyon. Naiiyak na tumango-tango si Kheious bilang sagot. Hindi ito nakaimik at niyakap na lang si Khoein. Nasa gilid lang ako at naiiyak na rin sa mga nakikita. Hindi ko na nga alam kung paano kami nakaabot sa kusina.


"Anong gusto mo sa egg?" tanong ni Kheious na may suot na apron at may hawak na spatula.


Nakaupo kami ng anak ko sa mataas na upuan, kaharap ang breakfast table.


"Uhm, mommy's scrambled egg."


"Okay." Tumalikod na ito at inumpisahan ang pagtitimpla niyon.


Rhythm of Solitude (COMPLETE✔)Where stories live. Discover now