Chapter 29

14.6K 266 53
                                    


Chapter 29





-Anaia's POV-





Pauli-uli ako sa labas ng unit niya at hindi mapakali. Pakiramdam ko kasi ay may mali. Dito niya ako sa condo niya pinapunta at hindi sa room niya sa kompanya, na nangangahulugan lamang na hindi trabaho ang dahilan kung bakit niya ako ipinatawag. At kung anuman iyon ay hindi ko malalaman hangga't hindi ko siya nakakaharap.



Napahinto ako sa paglakad nang makita siyang palapit na sa kinaroroonan ko. Malamig ang mga mata nitong ako'y tiningnan bago ini-slide ang card key sa pintuan upang iyon ay mabuksan. Pumasok siya sa loob at nagkusa naman akong sumunod.



"Anong kailangan mo at pinapunta mo pa ako rito?"




"Tingin mo?" pabalik na tanong ng lalakeng nakatalikod sa akin.



"At talagang panghuhulain mo pa ako? Kung wala kang importanteng sasabihin, aalis na lang ako." Tinalikuran ko na siya.



"Hawak ko na ang result ng DNA test."



Napatigil ako sa paghakbang at para bang huminto saglit sa pagtibok ang aking puso. Hindi ako nakagalaw dahil sa pagkagulat. Kabado akong pumihit paharap sa kaniya.



"Why do you need to lie?" mahinahon ngunit kita ko ang galit sa mga mata niya.



Kaagad akong naghanap ng sagot sa sahig ngunit wala akong nakita. Hinawakan nito ang baba ko at itiningala sa kaniya.



"Kheious..."



"Bakit, Anaia? Bakit kinailangan mong gawin iyon? Bakit kinailangan mong magsinungaling?" Bumagsak ang kaniyang mga luha.



Agad akong tumalikod dahil hindi ko siya kayang panuorin sa ganoong ayos, lalo't ako ang dahilan niyon.



"Hindi na importante iyon." Hindi ko halos makilala ang aking boses.



"Tangina, importante iyon!"



Napapikit ako nang mariin kasunod ng pagtulo ng aking luha.



"Anak ko iyon eh. Tangina akin iyon. Bakit mo tinago?"



Humugot ako ng hinga at buong tapang siyang hinarap.



"Anong gusto mong gawin ko? Sabihin ko sa 'yo? Tapos ano? Ano ng mangyayari? Magqui-quit ka?"



"Bakit hindi?"



"Kheious, nag-iisip ka ba? Isasakripisyo mo lahat ng pinaghirapan mo para sa amin?"



"Oo! Gagawin ko." Humakbang siya palapit at ikinulong ang mukha ko sa kaniyang mga palad. "Gaano man kalayo ang narating ko ngayon, kung ibabalik ang panahon mas gugustuhin ko pa rin na sabihin mo sa akin."



"Bakit?" tanong ko habang nakatitig sa mga mata niya.



Pinunas ng kaniyang daliri ang luhang naglandas sa mukha ko.



"Ikaw iyon eh."



"Pero pangarap mo kasi iyon. Mawawala iyon kung sakaling sinabi ko sa 'yo."



"Balewala lahat ng iyon kung hindi kita kasama. Sa tuwing nagpe-perform ako sa stage, umaasa ako na nandoon ka at pinapanuod ako? Sa tuwing bababa ako, umaasa ako na sasalubingin mo ako ng yakap tulad ng palagi mong ginagawa noon. Pero wala ka... mas pinili mong iwanan ako."



Rhythm of Solitude (COMPLETE✔)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang