Chapter 21

11.9K 227 7
                                    


Chapter 21




"Mommy!" Tumakbo kaagad sa akin ang anak ko pagkababa ng sasakyan.

"How's your day, love?"

Palagi kong tinatanong kung kumusta ang araw niya dahil mahalaga na kinukumusta natin ang mga anak natin. Sa pamamagitan din niyon ay maipaparamdam natin na may paki tayo at handang makinig sa kuwento nila.

"I got stars!" Ipinakita nito sa akin ang braso niyang maraming star stamp.

"Wow! Ang galing mo naman, baby." Tumayo ako upang harapin si Dristan na kanina pa kami pinapanuod na mag-ina. "Salamat sa pagsundo sa anak ko. Hindi ko maiwan iyong niluluto ko eh. May hinahabol kasi akong order na kailangan ng mai-deliver mamaya."

"Patitikimin mo naman ako, 'di ba?" 

"Oo naman. Tara sa taas." 

Inakay ko na ang anak ko at umakyat na kami. Ikinuha ko si Dristan ng plato upang patikimin siya ng niluto ko. Nagbebenta kasi ako ng mga bento box dishes para may extra income. Nang sumama ako kay Dristan sa ibang bansa para sa project na in-assign sa amin ng kompanya ay doon ko na nga itinuloy ang pagbubuntis ko.

We lived there for three years hanggang sa matapos ang kontrata. Pag-uwi rito sa Pilipinas ay pinili ko ang manirahan sa probinsya, malayo rito sa syudad dahil nag-aalala ako na baka magkita kami. Hindi pa ako handa para roon. Nakaipon ako kahit papaano noong nasa abroad ngunit nawala rin lahat at nabaon pa ako sa utang nang magkasakit si Mama.

Tuloy pa rin ang gamutan niya. Sa awa naman ng Diyos ay bumubuti-buti na ang lagay niya kahit papaano. Nagkausap na kami at nagkapatawaran. Siya rin ang gumabay sa akin noong nagbubuntis pa lang ako at pinagtabuyan ng mga kamag-anak namin. Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na iyon.

"Anaia," hindi makapaniwala nitong sambit pagkabukas ng pinto.

"Magandang hapun po, Auntie."

Kahit naguguluhan ay pinagbuksan pa rin niya ako ng pinto upang patuluyin. Kabado akong naglakad papasok. Mahapdi pa ang mata ko sa kaiiyak dahil sa pag-uusap namin ni Kheious kagabi. Sinamantala kong umalis habang natutulog siya. Halatang puyat. Mukhang hindi nakatulog kagabi. 

Wala akong ibang mapupuntahan kaya rito lang talaga sa kamag-anak ang huli kong pag-asa. Ayoko rin naman na tumakbo kay Syn o sa mga kaibigan namin sa boarding house dati dahil sigurado ako na masusundan ako ni Kheious doon, at iyon ang ayaw kong mangyari. Ayokong sirain ang mga pangarap niya.

"Buntis po ako," mahina kong sambit habang nakayuko, na nagpatigil sa mga kumakain. 

"Ulitin mo nga iyong sinabi mo," utos ni Auntie na nagpipigil ng galit.

"B-Buntis po ako."

Narinig ko ang pagbagsak ng kubyertos. Bakas sa mukha nilang lahat ang pagkadismaya. Tahimik lang iyong dalawa kong lalakeng pinsan pero kita ko ang pagngisi ni Aleah nang sampalin ako ng mommy niya. Hindi na ako nagulat dahil hindi ko na siya kasundo noon pa.

"Sinasabi ko na nga ba at matutulad ka lang din doon sa malandi mong ina! Nasaan ang nakabuntis sa 'yo? Bakit hindi mo kasama ang lalakeng iyon dito?" Hindi ako umimik at tahimik lang na umiyak. Nangimi ang mukha ko sa lakas ng sampal. "Teka hulaan ko, iniwan ka noong nabuntis ka, ano? Sinasabi ko na nga ba at magiging disgrasyada ka lang din tulad ng nanay mo!"

Rhythm of Solitude (COMPLETE✔)Where stories live. Discover now