Chapter 33

13.1K 235 14
                                    


Chapter 33



Nahihiya akong pumasok sa loob ng kotse niya. Sobrang tahimik ng aming naging byahe. Ibinaling ko na lang ang atensyon sa view sa labas ng bintana upang hindi ko masyadong maramdaman ang awkward na atmosphere sa paligid.

"Dadaan tayo sa drive thru for Khoein. Ikaw na ang mag-order," basag nito sa katahimikan.

"Sige," tugon ko nang hindi siya nililingon.

Naipit kami sa traffic kaya naman mas tumagal tuloy ang aming naging byahe. Nangawit na ang leeg ko sa paglingon sa bintana kaya naman tumuwid na ako ng upo. Saktong andar naman ng sinasakyan namin dahil umusad na ang sasakyan na nasa unahan.

Nilingon ko ang lalakeng nagmamaneneho sa tabi ko. Hindi ko itatanggi na mas gumwapo siya ngayon. He looked hotter and more attractive from this angle too because of his perfect jawline. Nakita kong binasa nito ang labi kasabay ng pagpihit sa manibela that made the veins in his hand and arm more visible.

Wala sa sarili ko siyang tinitigan kasabay ng pagragasa ng mga alaala. Iyong mga moments namin sa jeep, iyong kapag kumakain kami ng street foods, at iyong mga panahon na naglalakad lang kami pauwi sa boarding house upang makatipid sa pamasahe.

"Ang layo na pala."

"Malayo ang?"

Nagulat ako hindi dahil bigla ko iyong nasabi vocally, kundi dahil hindi ko inakala na nagpe-pay attention pala siya sa paligid. Teka, ibig sabihin ba niyon ay alam niya rin na kanina pa ako nakatitig?

"M-Malayo pa ba iyong drive thru?" Sana makalusot.

He chuckled sexily while staring in front. "Medyo."

"Huwag ka ngang ngumiti d'yan," iritable kong wika.

"Why?" he asked between his laughter.

"Huwag nga sabi!" Pinag-cross ko ang mga braso.

"Bakit nga kasi?" tanong pa nito ulit.

"Kasi ano uhm..." Kasi baka mahulog na naman ako ulit. "Kasi naiipit na tayo sa traffic tapos parang masaya ka pa rin."

Those smiles reminds me of the old him. Iyong Kheious na nakasama kong tumira sa boarding house noong college. Iyong lalakeng may magandang ngiti at maliwanag na aura. Bumabalik sa akin ang nakaraan namin kapag nakikita ko iyon at sa tuwing naririnig ko siyang tumatawa. Natatakot ako na baka sa susunod ang nararamdaman ko naman ang bumalik.

Huminto ang sasakyan sa drive thru at ako na ang nag-order dahil hindi rin naman pwede na siya. Delikado kapag may nakakita sa kaniya. Paniguradong pagkakaguluhan siya ng mga tao. Itinaas ko rin kaagad ang tinted na bintana pagkabigay ko ng order ko dahil pansin ko si Ate na sinisilip kung sino ang kasama ko. Nakahinga lamang ako nang maluwag nang makuha na namin ang mga in-order.

"Hindi ka ba nahihirapan?" tanong ko habang binabaybay namin ng maluwag na kalsada.

"Nahihirapan saan?"

"Sa sitwasyon mo. Sikat ka pero at the same time para ka ring kriminal na nagtatago."

"Sanay na," sagot nito habang abala sa pagmamaneho.

Sabagay, ilang taon na rin naman silang laman ng medya at kahit saan ay pinagkakaguluhan sila, kaya siguro naka-adopt na rin sila sa ganoong sitwasyon. I know it was hard but they have to. Ganoon na ang mundong ginagalawan nila kaya kinailangan na rin nilang masanay. Ngunit hindi iyon nangangahulugan na pwede na nating i-disrespect ang privacy nila dahil lamang sa public figure sila.
















Rhythm of Solitude (COMPLETE✔)Where stories live. Discover now