Chapter 51

1K 62 6
                                    

Chapter 51

"Thank you for your hard work and for keeping this a secret, Sir Grigo. Hindi mo talaga ako binibigo." Tipid kong ngiting sabi sa kaniya.

"Of course, lady Alora. You're my number one customer kaya hindi ko talaga hahayaan na mabigo ko kayo." Pormal namang sabi saakin ni Sir Grigo na ikinatango ko.

"Glad to hear, Sir Grigo." Sagot ko naman sa kaniya. "Maraming salamat din sa inyong tatlo. Alam kong hindi madaling gawin ito lahat na kayo-kayo lang pero nagawa ninyo."

"Ginagawa lang po namin ang aming trabaho, lady Alora." Nakayuko namang sabi ni Enzo.

"Kung mamarapatin po ay pwede po bang malaman kung bakit ipinaggawa ninyo itong bahay at tore na malapit sa pangpang?" Lakas na loob namang sabi ni Dino, ang pinakabata sa tatlo. I think ka-edad niya lang si Mario. I already check his background at ang alam ko ay siya na lang ang bumubuhay  sa nanay niyang may sakit at kapatid niyang babae na limang taon pa.

"Dino?!" Rinig kong sambit ni Renzo sa pangalan niya na parang pinipigilan ito.

"Bilang isang manggagawa ay hindi natin pinapakialaman ang magiging kinahihitnatnan ng proyektong ibinigay saatin, Dino." Malamig na sabi sa kaniya ni Sir Grigo na ikinayuko niya. Nang makaramdam na ako ng tension ay nagsalita na ako.

"It's alright, Sir Grigo." Tipid kong ngiting sabi Kay Sir Grigo na ikinayuko niya lang.

"Hindi ko pwedeng sabihin sa inyo sa ngayon ang dahilan kung bakit ipinaggawa ko sa inyo ang dalawang proyekto na to." Walang emosyon kong sabi sa kanila. " Ngunit, masisigurado ko sa inyo na makakatulong ito at maganda ang maidudulot nito lalung-lalo na sa mamayan ng Alba." Seryoso kong sabi sa kanila.

"Magtitiwala po kami sa inyo, lady Alora." Nakayuko namang sabi ni Ronie na ikinatango ko. Pagkatapos ng pag-uusap namin ay nagtungo ako sa ipinaggawa kong opisina dito sa loob ng Cabin. Naging satisfied naman ako sa kinalabasan ng opisina ko dito kahit hindi ito masyadong kalakihan.
Maya-maya'y narinig ko naman ang yapak ng tatlo, Si Sir Grigo, Mario at Banjo. Pinasunod ko kasi ang tatlo dahil kailangan ko silang makausap ng pribado. Nang tuluyan na silang makapasok ay sinenyasan ko muna si Banjo na isarado ang pinto bago kami magsiupuan.

"So, how's your trip in Zephyreu, Mario?" Casual kong tanong sa kaniya.

"Naging maayos naman, lady Alora." Nakangiti namang sagot nito saakin.

"Mabuti naman." Tipid kong ngiting sabi sa kaniya. "Nahanap mo ba ang pinapahanap ko sayo?" Tanong ko ulit sa kaniya.

"Yes, my lady. Pero may iilan po sa pinapahanap niyo na hindi makikita sa Zephyreu. Ngunit, may nahanap po akong impormasyon na makikita po ang iba sa kabilang kontinente." Sagot niya naman saakin.

"Ayos lang. Sa susunod mo nalang hahanapin ang iba. For now, let's stick in Zephyreu." Seryoso kong sabi sa kaniya na ikinatango niya. Inabot naman niya ang mga papel na binigay ko sa kaniya na may mga guhit na iba't ibang prutas, gulay, puno at bulaklak. Nakita ko din ang markang check sa ibaba ng ginuhit ko na sa tingin ko ay ibig sabihin ay nakuha o naibili na niya.

Nakaramdam naman ako ng saya ng meron siyang nadala na parang cherry blossoms na puno. Based on the books that I read about Zephyreu ay makikita lang daw ang mga punong ito sa Isla ng Haphrea, ang pinakamalaking Isla sa South ng Zephyreu. Kaso, ang tawag nito sa mundong ito ay Pastel Blossom at may tatlong klase itong kulay, the pink pastel, purple pastel at blue pastel. Every Spring din ito ito namulaklak at ang mas nakakaganda pa sa mga punong ito ay every Spring ay naging glow in the dark ito kapag gabi. Nang mabasa ko nga ito ay sobrang na excite akong makakita ito ng personal. Kaso nga lang, hindi pa ako pwedeng bumyahe kaya nagbabasakali talaga ako na makakuha o makabili man lang si Mario nito kahit imposimble.

Alora: The Nobody Kde žijí příběhy. Začni objevovat