Chapter 41

1.2K 75 1
                                    

"Thalie?!" Malakas na tawag ni Dimi saakin. Gulat naman akong napatingin sa kaniya at napakunot ang noo.

"Ano ba yang iniisip mo? Kanina ka pa tulala diyan." Nakakunot ang noo na sabi nito saakin. Hilaw naman akong ngumiti at lihim na napatingin sa bulaklak na nakalagay sa vase doon sa center table.

"Nothing, Dimi. Kulang lang talaga ako sa tulog kaya medyo lutang ako ngayon." Pagdadahilan ko. "By the way, ano nga yung sinabi mo kanina?" Hilaw kong ngiting tanong sa kaniya. Napabuntong hininga naman ito bago sumagot.

"Tsk. Sa susunod na ako magkukuwento sayo." Nagtatampo nitong sagot sa akin.

"Hehe, pasensya na talaga, Dimi. Promise, babawi ako." Malambing kong sabi sa kaniya.

"Hmm." Rinig kong sagot niyaa. Kinuha naman nito ang isang news paper at sinimulan nitong basahin. Lihim nalang akong napabuntong hininga bago kinuha yung isang box na puno ng liham na binigay ni Bella saakin kahapon para isa-isang basahin ngayon. Most of it are congratulations letter. Agad din naman akong kumuha ng malinis na paper and pen para gumawa ng liham bilang sagot ko sa mga liham nila at para iabot din sa kanila ang aking pasasalamat. Habang ako'y nagsusulat, bigla namang may kumatok sa pinto ng opisina na ikinagulat naming pareho ni Dimi. Nakakunot naman itong lumingon saakin bago binalik ang atensyon sa binabasa. Lihim nalang akong napailing dito.

"Come in." Seryoso kong sagot dito habang pinagpatuloy ang naudlot kong sulat. Naramdaman ko naman ang presensya ni Sarah na pumasok. Rinig ko din ang mga yapak nito papasok at amoy na amoy ko din ang dala nitong tsaa at yung mga cookies na gawa ko pati na din yung chocolate chip cookies na gawa ko kaninang umaga.

"Magmeryenda po muna kayo, my lady and young master Dimitri." Nakayukong sabi ni Sarah habang isa-isang inilapag ang tsaa at isang platong may lamang cookies sa center table. Rinig ko naman ang tipid na pasalamat ni Dimi kay Sarah. Lihim nalang akong natawa na seryoso itong nakahawak sa binabasang newspaper pero kanina pa ito pasulyap-sulyap sa cookies na nakalapag sa harap niya. I'm sure excited na yang kumain.

Pagkatapos ilapag ni Sarah ang ibang dala sa harap ni Dimi ay agad naman itong lumapit saakin at inilapag ang tsaa at isang plate na may lamang cookies sa mesa na nasa gilid ko. Nang matapos ito ay agad din akong nagpasalamat.

"Thank you, Sarah." Tipid kong ngiting sabi sa kaniya.

"Walang anuman po, my lady." Nakayukong sabi nito saakin bago nagpaalam na umalis. Agad naman akong tumango. I'm sure marami din yang gagawin dun sa baba.

Alas dos emedya na ng hapon pero hanggang ngayon ay marami pa ding customers sa baba. Bumisita na din dito sila Tito Alen at Tita Daphnie kasama si Daddy kaninang umaga pero hindi nagtagal ay nagpaalam din silang umalis para makapaglunch at para umuwi sa mansion ni Kuya Achie para makapagpahinga. So, yun nga hinatid din sila ni Daddy. Kasama din naman nila si Dimi papunta dito pero ewan ko sa batang to at nagpaiwan dito sa shop. Sabay na din kaming naglunch kanina at ngayon, kasama ko siya dito sa opisina. Kanina pa nga nagkukuwento ito saakin ng kung anu-ano pero wala talaga ako sa focus dahil marami din akong ginagawa at tiyaka minsan hindi ko namamalayan na natulala nalang ako kagaya kanina.

Sino ba naman kasi ang hindi mapapa -isip kung may taong hindi mo kilala na palaging nagpapadala sayo ng bulaklak. Simula nung 11th birthday ko ay palagi nalang akong nakatanggap ng bulaklak sa C.V. na iyon. Kahit mga special holidays at nung 12th birthday ko din ay nagpadala din ito. Ayoko pa naman sa lahat ay yung mga ganito dahil hindi ako sigurado kung mabuti ba ang intension nito saakin o hindi. Marami pa naman akong napanood na mga movies sa past lives ko tungkol sa mga creepy stalkers na halos obsessed na sa mga biktima nila. Yes, I can handle and protect myself but I'm still worried sa mga taong nakapaligid saakin. Napabuntong hininga nalang ako ng malalim. Napalingon nalang ako sa taong kanina pa nakamasid saakin.

Alora: The Nobody Where stories live. Discover now