Chapter 23

1.9K 109 28
                                    

Sa wakas natapos din ang mansion sa Sirca. Actually, kakalipat lang namin   ni daddy last month. Masaya naman kami sa kinalabasan ng bahay lalung-lalo na si daddy. Palagi nga niyang sinasabi na ang unique daw ng bahay. Nalagyan na din namin ito ng paint, mga furnitures at iba pang accessories ang bahay. Of course, ako yung nagdesisyon at namili lahat.

Nalagyan ko na din ng furnitures ang underground hall at secret room ko. Naalala ko na naman kung paano ko kinunsyaba si Sir Grigo, Nardo at ang dalawa pa na si Simon at Leroy na pasikretong maglagay ng furnitures doon. Malapit pa kaming mabulyaso dahil di ko inakalang pupunta doon sa Sirca si Daddy ng araw na yun.

Kinuha din ni Dad si Nardo bilang assistant niya dito sa bahay pati na din ang kapatid nito na si Ate Sarah na pitong taon ang tanda saakin para maging personal maid ko at ang nanay nila na mas matanda kay daddy.

Si Simon at Leroy naman ay kinuha din ni daddy bilang kutsero kapag may lakad at katulong sa pagtanim ng mga gulay at pag-aalaga ng mga hayop. Actually, ako yung nagrequest kay daddy dahil hindi naman kasi permanente ang trabaho nila kay Sir Grigo. Mabuti na lang pumayag si Sir Grigo na kunin namin ang tatlong tauhan niya.

Dad decided kasi na mag-agriculture business just like the main business of the Navin Clan. Nagpag-usapan kasi namin na ibenta ang mga pananim namin sa mga karatig bayan na malapit saamin. Pandagdag na din ito sa kita namin. At tiyaka alam din kasi ni daddy ang plano kong magbukas ng restaurant in the future. Atleast, kapag nangyari yun ay may sarili na din akong supplier.

Plano ngang kumuha si daddy ng mas marami pang katulong para sa bahay pero humindi ako dahil hindi pa kaya ng budget namin sa ngayon. Baka kasi maubos na ang savings ni daddy. Ang alam ko kumuha din kasi siya ng tindero para sa shop niya sa town center para hindi na niya kailangang pumunta doon araw-araw.

In 4 months, tatlong beses lang din akong nakapunta sa Navin Residence. And finally, nakilala ko din ang Lolo ko at asawa ni Tito Alen. Masayang Masaya naman ang buong pamilya tuwing bumibisita kami doon. At sobrang amaze din ako sa mansion doon. Ang ganda kasi dahil ang elegante ng theme ng interior design which is Baroque, yung pang 1500s na design ng mga noble house. Hanggang limang palapag din ito and I also heard na yun daw ang main ancestral mansion ng mga Navin. Ang ganda din ng landscape na nakapaligid sa buong mansion. Halatang inaalagaan. Bago din makarating sa mansion ng mga Navin ay madaanan mo muna ang malawak nilang palayan at taniman. Ang kuwento nga saakin ni daddy na ang Navin daw ang pang-lima na may malaking lupain sa buong Frieda. Nangunguna din ang mga Navin bilang food supplier ng buong Dendro Kingdom at sa Frieda Capital. Nang narinig ko nga yun ay sobrang na amaze ako sa pamilya ni daddy.

Sa tatlong beses din naming punta doon ay dumidiretso din kami ni daddy sa Frieda Capital para bisitahin si Kuya Achie at si Kuya Albie sa Academy. Masayang-masaya naman sila especially kapag nagdadala ako ng pasalubong na pagkain lalung-lalo na si Kuya Albie. Short time lang kasi ang pagkikita namin, mga isang oras lang ang limit at nakastay lang din kami sa visiting area buong magdamag. Medyo exclusive at strict kasi ang Academy nila.

Ngayon, nandito ako sa secret room ko na ginawa kong laboratory. Tinatapos ko kasi ang formula ng ibang products ko.

Natapos ko na kasi ang formula ng body soap at body lotion two weeks ago. At ngayon, ang pinag-aabalahan ko naman ay ang Shampoo at conditioner. Mabuti na lang talaga tanda ko pa ang mga ingredients ng products ng kompanya namin sa Earth. The Zara Company that I handled in my past life focus on cosmetics like make up, body care products, bath essentials, hair care products and fashion. And every products na pinalabas ng company especially the cosmetic products ay kailangan muna na dadaan sa akin. Pag-aralan ko muna ito ng maayos before I sign my approval for the products.

Mabuti na lang talaga nagkita kami ni Lola Liyana 3 months ago. She's the one who help me meet her student who's already one of the professor now in Frieda Academy of Healers and Alchemist. May kapatid kasi itong chemist na nasa Gaia Kingdom. Doon ako nakahingi ng tulong para ma complete ang mga ingredients na gagamitin ko sa mga products ko.

Alora: The Nobody Where stories live. Discover now