Chapter 54

2.2K 135 47
                                    

Naging maayos naman ang late lunch namin. Tiyaka ganado din ang lahat kanina na kumain lalung-lalo na sa mga niluto ko. Panay naman puri saakin ni Pauline pati na ang kapatid niyang si Paul at pati na din si Felix. Pinasabay na din namin ang mga kutsero namin na kumain. Nahihiya nga ang mga ito pero nagpumilit na ako.

Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga lang kami saglit bago namin pinagpatuloy ang paglalakbay. Kailangan din kasi naming makaabot ng bayan ng Zamora na parte na ng Gaia Kingdom bago gumabi.

Ngayon, ay nakapila na ang kalesa namin papasok ng bayan ng Islao, ang pinakahuling bayan sa kanlurang bahagi ng Gaia at ang bayan na malapit sa boundary ng Gaia at Frieda. Rinig na rinig ko naman ang ingay at kuwentuhan ng mga tao dito.
Tahimik naman akong nakikinig dito habang ang mga kasama ko dito sa loob ay parehong tulog except ni Kuya Albie na lumabas. Pinasamahan ko naman ito kay Banjo.

" Narinig mo ba ang balita sa bayan ng Sagana?" Rinig kong sabi ng isang ginang sa gilid ng kalesa namin.

"Oo, narinig ko na may mga bandido daw na sumalubong sa kalesa na pamamay-ari ng Earl Guerrero malapit sa kagubatan ng Mihil at ang narinig ko ay ninakaw daw lahat ng laman nito." Rinig ko namang sagot ng kausap nito.

"Nakakaawa naman. Ang bait pa naman ng pamilyang Guerrero. Balita ko nga na nagbigay ang mga ito ng libreng pagkain at mga tanim sa kabilang bayan buwan-buwan."

"Kabilang bayan?"

"Oo, Yung bayan ng Jafara."

"Diba, iyan yung bayan na may pinakamaraming mga bata na nawawala dito sa Gaia?!"

"Shh. Huwag mong lakasan." Rinig kong bulong nung ginang.

"Bakit?"

"Baka may makarinig saatin. Pinalabas kasi ng Baron Emilio, ang namumuno ng Bayan ng Jafara na hindi totoo ang mga ito."

"Baka naman kasi hindi totoo." Rinig ko namang bulong ng isa sa kanila.

"Impossible Aling Chi, maraming ebidensya na nagpapatunay na halos lahat ng bata sa bayan nila ay isa-isang nawawala.

"Pinakita na sa telebisyon, Rissa na isang malaking fake news ang sinasabi mo. Nagsagawa na ng interview ang K.E.N. sa mga mamamayan ng Jafara at hindi totoo lahat."

"Baka peke lang yung interview. At hindi naman talaga totoong mamamayan yun ng bayan ng Jafara o baka binayaran o napipilitang magsinungaling."

"Ay, Ewan ko sayong bata ka. Basta, huwag mong lakasan yang boses mo at baka may makarinig sayo." Huli ko namang narinig bago naglakad sila papalayo sa kinatatayuan nila kanina. Napakunot naman ang noo ko sa narinig.

Earl Guerrero? Baron Emilio?

Hmm.

"Are you ok?" Rinig ko namang tanong ni Sir Liam kaya napalingon ako sa gawi niya. Lihim naman akong napailing ng makitang walang emosyon itong nakatingin saakin.

Tsk. Hindi ko alam kung concern ba to saakin o ano?

Mahina nalang akong tumango at inosenteng tumingin sa kaniya pabalik. Tahimik naman itong iniwas ang tingin saakin at tumingin sa bandang pinto ng kalesa. Ramdam ko naman ang presensya ni Kuya Albie na papalapit at rinig na rinig ko din ang mabibigat na hakbang niya. Maya-maya'y bumukas naman ang pinto at agad namang bumungad saamin ang pagmumukha ng nakabusangot kong Kuya.

"What happen to you?" Nakakunot ang noo kong tanong sa kaniya. Tahimik naman itong umupo sa tabi ko kaya tinapik ko na ito.

"Say something." Diin at seryoso kong sabi sa kaniya. Nakita ko din kasing namumula ang kaliwang pisngi nito na halatang sinampal. Hindi naman ito nagsalita at hindi din ito lumingon saakin. Sa inis ko ay nilingon ko na si Banjo na nakatayo sa labas ng pinto. Gulat naman itong nakatingin saakin at napalunok.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 17 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Alora: The Nobody Where stories live. Discover now