Chapter 42

1.1K 73 1
                                    

"Are you ok, anak?" Rinig kong malambing na tanong nito saakin habang hinahaplos ang buhok ko sa likod. Hindi naman ako sumagot sa kaniya pero mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko. Tahimik lang akong nakayakap sa kaniya ng ilang minuto. I'm sure, kami nalang dalawa dito sa labas dahil naramdaman ko ng dumaan si Kuya Achie, Dimi at Sarah kanina papasok ng bahay.

Hinayaan naman ako ni Daddy dahil ilang beses ko na itong ginawa sa kaniya kapag napagod ako dati sa paggawa ng mga products ko. Alam na niyang sa kaniya ako kumukuha ng lakas. Kumbaga, sa kaniya ako nagrerecharge. Sa katunayan nga ay hindi naman ako mahilig sa mga yakap-yakap sa past life ko. I even felt cringe sa mga napanood kong movie tungkol sa gamot na yakapsul daw na pampawala ng pagod or sakit.

Hindi naman kasi ako pinalaking malambing. Natuto lang ako ng makarating ako sa mundong ito. And honestly, I'm glad na dito ko ito naranasan dahil sobrang worth it lalung-lalo pa na napapaligiran ako ng mga taong minahal ako ng totoo.

"Are you hungry?" Malambing nitong tanong saakin. Mahina naman akong tumango sa kaniya ng dalawang beses.

"Alright, let's get inside na, Sweetie. Your grandma and I just finish cooking our dinner kaya let's go na." Masiglang aya nito saakin na agad ko namang sinang-ayunan.

Pagkapasok namin ng bahay ay agad naman kaming dumiretso ni Daddy sa dining area kung saan bumungad saamin sila grandma at grandpa, Tito Alen at Tita Daphnie at Dimi and Kuya Achie sa hapagkainan. Sabay naman silang napalingon banda namin kaya hilaw nalang akong ngumiti sa kanila at binati sila na agad din naman akong binati pabalik.

Naging masarap naman ang naging dinner namin. Nagluto kasi si Daddy ng tinolang manok at si grandma naman ay nagluto ng specialty niya kaya naging magana ang kain ko. Pagkatapos naming magdinner ay agad naman akong nagpaalam sa kanila na pumasok sa silid ko.

Now, I just finish taking a warm bath na hinanda kanina ni Sarah para saakin. Nakabihis na din ako ng pantulog at ngayon, nandito ako nakaupo sa harap ng salamin ko habang sinusuklay ni Sarah ang mahaba kong buhok.

Geez. I miss this.

Na miss ko din ang ganitong bonding namin ni Sarah. Naging close kasi kaming dalawa sa buong taon. I felt like she's my older sister that I never had. And sometimes, naramdaman ko din na parang nanay ko na ito. Yun nga lang, simula ng nakapag-aral na kaming dalawa ay mas nagiging pormal na ito saakin.

"Sarah?" Tawag ko sa kaniya.

"Yes, my lady?" Mahinhin namang sagot nito.

"May nobyo ka na?" Tanong ko sa kaniya. Lihim naman akong natawa ng makita ko sa salamin ang gulat nitong mukha.

"Ahm, wala po, my lady." Sagot nito saakin.

"Pero may naging nobyo ka na dati?" Tanong ko ulit. Nakita ko namang umiling ito.

"Wala din po." Sagot nito.

"Crush?" Tanong ko ulit sa kaniya. Lihim naman akong natawa ng makitang namula ito.

Geez! Mukhang meron nga.

"Sino?" Tanong ko ulit. Hindi naman ito sumagot pero namumula pa din ang mukha nito.

"Meron nga." Pang-aasar ko sa kaniya.

"P-Paghanga lang naman po, lady Alora." Nauutal na sabi nito saakin.

"Hmm. Ok." Natatawa kong sagot sa kaniya.

"Kakilala ko ba siya?" Nakangisi kong tanong sa kaniya. Tahimik naman ito ng ilang segundo bago tumango saakin.

"Ok, I'll guess." Nakangisi kong sabi at lumingon sa kaniya paharap. Naramdaman ko naman ang kaba nito habang nakatingin saakin.

"Hmm. Feeling ko siya si......." Sabi ko habang nag-iisip ng makita kong pumasok si Kuya Achie sa room ko habang may dalang isang mug. Hindi naman kasi nakaclose ang room ko kaya pumasok na ito.

Alora: The Nobody Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon