Chapter 38

1.2K 75 1
                                    

"Alora?" Rinig kong tawag ni Kuya Achie saakin kaya napalingon ako sa kaniya. Napakunot naman ang noo nito.

"Kanina ka pa tulala, Alora." Seryosong sabi ni Kuya saakin. Nakaramdam naman ako ng hiya ng napagtanto kong kanina pa ako tulalang nakatingin kay Liam.

"Napaisip lang po, Kuya. He just look familiar." Pagdadahilan ko. Mahina naman itong napatango.

"Are you hungry?" Tanong nito saakin. Napahawak naman ako ng tiyan ko ng makaramdam ako ng gutom. "I'm sure hindi ka pa kumain ng lunch." Sabi nito saakin. Tumango naman ako bago nagsalita.

"I'll just eat later, brother. Bababa muna ako. I need to talk to Bella" Sabi ko at tipid na ngumiti. Napabuntong hininga naman ito bago tumango. Nagpaalam din ako sa mga kaibigan nito bago bumaba patungong first floor. Pagkababa ko ay naabutan ko naman si Sarah na katatapos lang kumain at Lily na kumakain pa.

"My lady?" Gulat na sabi ni Lily saakin. Siya kasi unang nakakita saakin. Tipid naman akong ngumiti.

"Just continue eating, Lily." Sabi ko sa kaniya. Napatango naman ito bago nagpatuloy sa pagkain. Agad namang lumapit saakin si Sarah.

"My lady? Gusto niyo po bang ipaghanda ko kayo ng pagkain?" Tanong nito saakin.

"Yes, please." Malambing at nakangiti kong sabi sa kaniya. Tumango naman ito bago nagsalita.

"Sige po, lady Alora." Matamis nitong sagot saakin.

"But before that, Sarah. Can you please tell Bella that I want to talk to her. Hihintayin ko kayo sa office." Sabi ko sa kaniya.

"Opo, my lady." Nakayuko nitong sabi saakin bago umalis.

Bago ako umakyat pabalik ay sinilip ko muna sandali ang loob ng shop ko gamit ang maliit na glass window sa pintuan mismo papasok ng shop. Napangiti naman ako nang makitang madami pa din ang mga customers sa look ng shop. Nang nakaakyat na ako pabalik ay naabutan ko naman na nagkukuwentuhan ang mga kaibigan ni Kuya. Nang makita nila ako ay nagtataka itong nakatingin saakin lalung-lalo na si Kuya Achie. Tipid naman akong ngumiti sa kanila bago pumasok sa opisina ko.

Nang dumiretso ako sa mesa ko ay agad ko namang napansin ang isang liham na nakabukas sa ibabaw ng mesa ko kaya kinuha ko muna ito bago umupo sa upuan na tapat ng mesa ko.

Kaya pala wala si Daddy.

Sabi ko sa isipan ko pagkatapos mabasa ang liham. Ang nakasulat kasi sa liham ay malapit na daw dadating sila grandma at grandpa dito sa Frieda Capital. At gusto daw ni grandma na magpapasundo ito kay Daddy sa West gate dahil baka daw mawala sila papunta dito. Nakaramdam naman ako ng saya ng malaman na dadating ang grandparents ko.

I'm really lucky to have them.

Napangiti na lang ako bago ko niligpit ang liham at inilagay sa cabinet ng mesa ko. Sakto namang may kumatok sa pintuan ng opisina ko.

"Come in." Sabi ko. Narinig ko namang bumukas Ang pinto kaya napalingon ako dito. Agad namang bumungad saakin si Bella na ngayo'y naglakad papalapit saakin. Napakunot naman ang noo ko ng makitang may hawak itong box.

"Good afternoon, lady Alora." Bati saakin ni Bella.

"Good afternoon, Bella." Tipid kong ngiting bati sa kaniya. "I'm sorry kung ngayon lang ako nagising. By the way, did all of you take a lunch break already? Tanong ko sa kaniya.

" Yes, lady Alora. We took a short break kanina just to eat our lunch. We just alternate kasi hindi pwedeng maiwan ang shop dahil ang dami pa ding customers." Sabi nito saakin. Napatango naman ako.

"Nakapagrestock na ba kayo?" Tanong ko sa kaniya.

"Yes po, kakarestock lang po namin. Malapit na kasing maubos kaninang umaga ang mga products na nakadisplay sa loob ng shop lalung-lalo na ang mga soaps at shampoo." Sabi nito saakin sabay lapag sa box na hawak niya sa ibabaw ng mesa ko.

Alora: The Nobody Where stories live. Discover now