21. The Secret 🙊

Start from the beginning
                                    

"Yeah. The question now is... are you ready to know her?"

"I think I am."

Seryoso ang mukha niyang nakatitig sa akin. "You must know that everybody loves her, Mica, oh magkatukayo pa pala kayo. So yeah she's so bubbly and positive about everything. Such a sweet girl."

Everybody loves Mica. Para bang paulit-ulit itong ibinubulong sa akin ni Vicky. "So did my boss," sambit ko na 'di maikakailang nagseselos sa ideya ng ex ng boss love ko na para bang 'di ko kayang pantayan. Ayoko na lang isipin kung gaano katindi ang pagmamahal niya rito.

"Yeah, hindi siya mahirap mahalin. And guess what, sa Lovers' Maze sila nagkita. Two years ago. Matagal na rin naman silang break ni Mara Moral that time. He was wearing his favorite red hoodie and she's wearing the same kind of hoodie he's wearing when they met. Couple's jacket, right?" kinilig niyang sabi.

"Wait. Sa Lovers' Maze sila nagkita? Naging sila ni Madam Mara? At naka-red hoodie sila pareho?"

"Totes. I told you, your boss is very superstitious. Or shall I say, a mushy kind of human being. Naniniwala siya sa soulmate," natatawa pa niyang sabi. "Maybe that's because of Mara. You know a writer could be that powerful. Para kahit ang isang Aki Rushton ay maniwala sa mga teorya niya. But that was before."

"Bakit? Hindi ka ba naniniwala sa soulmate?"

"Hindi 'no. Para lang 'yon sa mga hopeless romantic. At may tama at simpleng term do'n, coincidence."

"I see." Baka nga walang soulmate at imbento lang 'to ng mga taong humahanap ng paliwanag para sa komplikadong pagtatagpo ng dalawang taong nagmamahalan. O para bigyan ng pag-asa ang mga taong ayaw nang umasa.

"It's just a matter of timing and coincidence. Because you know what, Third mentioned to me that Mica, I mean Mystery Mica—that's what they call her now, is not the first woman she met in that maze that time," saad niya. "At bago raw dumating si Mystery Mica doon ay may babae nang nakatagpo itong boss mo. Pero bigla na lang daw nag-walk out ang babaeng 'yon without even talking to him. That's so rude. But well, it's her lost. At dahil nga umalis siya, nagkaroon ng pagkakataon na makilala niya itong si Mystery Mica na naka-red hoodie rin. Timing. Imagine kung hindi nag-walk out 'yung babaeng nakatagpo niya before Mystery Mica sa maze na 'yon, siguro hindi nila makikilala ang isa't isa."

"Destiny ang tawag do'n, Vicky." May bigla akong naalala. Dati kasi noong unang beses na nag-date kami ni Ken sa Lovers' Maze ay may nakatagpo na rin akong lalaking naka-red hoodie sa isa sa mga kuwadrante nito. Pero s'yempre alam kong hindi lang naman sila ang dalawang tao sa mundo na maaaring magsuot ng red hoodie. Baka nga mali ang iniisip ko na siya 'yung lalaking nakita noon.

"Whatevs." Hindi talaga siya naniniwala sa destiny at soulmate. Ipabasa ko kaya sa kanya ang mga librong nabasa ko? Tiningnan niya ako na parang nagtatanong kung ano na ang iniisip ko.

"So after nilang magkita sa Maze, what happened then?" 

Doon kami nakaupo sa bukanang bahagi ng pantry na malapit sa entrance nito. At sobrang natutuwa ako sa kanya. Hindi ko inakalang makakakuwentuhan ko siya. At lalong 'di ko in-expect na siya pa pala ang makakasagot ng mga tanong na matagal nang gumugulo sa akin. Sabi niya, malaki raw talaga ang parte ng Lover's Maze sa love story ng dalawa. And after a few months of dating, naging sila rin. Knowing all the girls he'd loved before, masasabi raw niya na itong Mica na ito na marahil ang greatest love ng boss ko. Mystery Mica never worked for FATE pero dahil nga legal naman ang relasyon niya ay madalas ito sa office. Parang EA na nga raw siya nito. Sabi pa ni Vicky, itong Mica ring 'to raw ang nakaisip ng The Memory Booth Project. Pero sadyang mysterious si Mystery Mica. Never nga raw nakapunta ang boss love ko sa bahay nila. Never din niyang na-meet ang family nito. Pero naging kontento na sila sa gano'ng set-up dahil 'yun daw ang gusto nitong si Mystery Mica. At habang tumatagal ay mas minahal din ng boss love ko ang pagiging mysterious nito. But not until she left. She just disappeared. At dahil walang alam si boss love sa background nito ay hindi niya ito nagawang makita pa. At tulad nga ng sabi ng marami, mahirap makita ang taong ayaw magpahanap. Pero hindi niya iyon matanggap. Mahal na mahal daw niya si Mystery Mica (MM). At willing siyang i-sacrifice lahat makita lang ito.

"That's too much to take in. Pano kung may nangyari na palang masama kay Mica? We don't know."

"Yeah. Iyon din ang iniisip ng boss mo dati. Pero kung iyon nga ang nangyari, sana may nabalitaan tayo sa kanya sa loob ng isang taon. Pero wala. And till now, kahit dalawang taon na ang nakalilipas, wala pa rin tayong naririnig tungkol sa kanya. Wala siyang bakas na naiwan maliban sa impressions na binigay niya sa mga taong nakasalamuha niya noong nagkikita pa sila ng boss mo. Kaya nga sobrang broken ni big boy no'n. Ni hindi siya makapasok sa opisina. Lagi siyang lasing, puyat, at mahirap makausap," kuwento pa niya. Seryoso ang mukha niya at halata mong concerned talaga sa boss love ko.

Kaya naman pareho kaming nagulat sa biglang pagsulpot ng lalaking pinag-uusapan namin.

"Hey, grabe ang aga-aga pinag-uusapan nyo na naman kung gaano ka-hot ang COO ng FATE," mayabang niyang bungad, habang itinataas ang mag-asawa niyang kilay para bumuo ng gitla sa noo niya. Why so handsome? I can stare at him all day.

"Feeling ka, big boy," protesta ni Vicky.

"And what sort of lies are you telling to my girl?" He then looked at me. Parang malalaglag ang mga obaryo ko dahil sa naturan niya. Girl daw niya ako? OMG.

"Ooops. I think I should go now. Ituloy na lang na 'tin 'yung kuwentuhan natin next time Mica. And s'yempre your secret is safe with me. So big boy, daanan ko na lang sa table mo 'yung papers na kailangan ko ha. Tata for now," pamamaalam ni Vicky. And so I felt the need to hug my new friend.

"Sige, salamat Vicky." Magulo ang ekspresyon ng mukha ni Aki nang ibinalik niya ang tingin niya sa akin. "Ano 'yung secret na sinasabi niya?"

"Wala 'yon. It's a girl thing," sabi ko rito sabay tayo mula sa pagkakaupo ko. Tumalikod ako sa kanya, at humarap sa counter, dahil 'di ko makayanan ang malagkit niyang tingin. Kunwari ay may gusto lang akong bilihing pagkain.

"Ah. Girl thing pala ha. Parang 'yung something sa may puwitan mo?"

Oh no.

▪️ Author's Note ▪️

Baves, bavies, and city hunters, we're on our 21st chapter na! Yay. Patapos na ba ang istorya? Ano sa tingin n'yo? Comment lang. Sino sa inyo ang solid na #TeamAmnesia dahil iniisip n'yong siya ang tinutukoy sa title ng istorya, at dahil siya ang first kiss ni MekMek? Haha. At sino sa inyo ang umaasa pa rin sa #TeamMark dahil naniniwala kayong ang magandang relasyon ay nagsisimula sa matamis na friendship? O baka meron d'yang naghihintay pa rin sa #TeamKen dahil alam nilang walang mas titimbang sa first love.

What can you say about #MysteryMica, MM? Hashtag #GoneGirl, #MissingMica. Comment lang para mapag-usapan natin. Kung may question/s kayo about sa story or confusions, you can actually PM yours truly. Salamat sa walang sawang pagsubaybay. Vote by clicking the star button if you enjoy the chapter. Share the love. Love ya!

Shine,
Lex

One Day He Wrote My Name (PUBLISHED)Where stories live. Discover now