Ika-sampung Kabanata

9 0 0
                                    

WALA ding kaalam-alam si Bond na mayroon pala siyang kakambal, nito lamang niya nalaman. Noong makilala niya ako sa unibersidad na nilipatan niya kung saan din ako nag-aaral inaakala niyang nagkataon lamang na magkahawig kami ng wangis. Iyon pala ay kakambal niya ako. Kaya pala pareho pala naming nararamdaman n'ung una palang namin na pagkikita na ang gaan pareho ng aming nararamdaman sa isa't isa.

May mga pagkakataon din na may isang lalaki na nagngangalang Jayson Chou na nakikipagkita sa akin at may ibinibigay na malaking halaga na sapat na sa isang taon na gastusin. Hindi ko ito kinukuha, tinatanggihan ko ito sa pag-aakalang kapalit nito ang sarili kong katawan. Alam ng lahat kung saan ako nagtatarabaho at iniisip nila na ibenebenta ko ang sarili kong katawan. Iyon pala ay tauhan siya ng aking ama upang bantayan ako. Pinagsasabihan din ako nito na itigil ko na ang pagtatrabaho sa naturang bar. Sa halip na pakinggan siya ay nagpatuloy lamang ako sa aking gawain.

Ang aking ama din ang nag-utos kay Tito Xin Carl na wag akong galawin ng kung sinumang bakla o mga lalaki na curious sa pagkatao nila na ibig tumikim ng kapwa nila lalaki. Kahit pa nga mayroong malaking nag-aalok ng malaking halaga kapalit ako hindi pumapayag ang Tito Xin Carl. Mas malaki pa rin ang halagang ibinibigay sa kanya ng aking ama upang mabantayan ako. At nagtataka ako minsan kung bakit sobra ang ibinibigay nito sa akin na salapi sa araw ng sahuran dahil galing pala iyon sa aking ama.

Nagwala pa nga noon sa loob ng bar ang  poging si Matsudo Seiko na isang Japanese dahil hindi nito makuha ang gusto. Kapag ako ang laging naaagrabyado sa bar may dalawang lalaki ang bigla na lamang susulpot  upang patigilin ang sinumang nanggagago sa akin. Mga tauhan din pala ito ng aking ama upang bantayan ako.

Ngunit hindi pa rin tumigil si Matsudo noon, may pagkakataon na pinupuntahan niya ako sa unibersidad at mabuti na lamang lagi akong isinasabay ni Bond sa pag-uwi. Kung hindi talaga, bibigay na ako sa tukso upang tigilan lang ni Matsudo. Hindi lang naman si Matsudo ang gumawa ng ganoong mga hakbang, marami din sila. May isa nga ding sundalo ang ibig din akong matikman at mabuti na lamang ipinadala na siya sa Mindanao. Ayssi! Ganoon ba talaga ako kasarap kahit mga lalaki ay ibig nila akong matikman?


PATULOY pa rin kaming sinusundan ng mga humahabol sa amin.

"Kahit anong gawin kong pagligaw sa kanila nasusundan pa rin nila tayo," tila napipikon ng si Big Bro. "Naaamoy ka nila David dahil sa mga sugat mo sa kamao."

Kahit ano ngang gawin ni Bai na pagligaw sa kanila, lagi pa rin kami nasusundan ng mga humahabol sa amin.


"Tawagan mo ang ating ama, Bond! Humingi ka ng tulong sa kanya!" utos nito kay Bond na agad naman nitong sinunod. "Gusto ko pang makasama ng matagal ang ating kapatid na ipinagkait sa atin na makasama sa matagal ding panahon."


Ramdam ko na natatakot si Bai na mawala ako ng tuluyan sa buhay nila.

Saglit niya akong nilingon.

"Poprotektahan kita David mula sa kanila. Hindi ko hahayaang may gawin silang masama laban sa iyon."

Ngayon ko lamang naramdaman na mayroon din pala akong halaga. Ngayon ko lamang din naramdaman ang pagmamahal ng isang kuya sa nakababata niyang kapatid. Pareho sila ng ate Esang. Handang gawin ang lahat para sa nakababatang kapatid.


Noong maliit pa lamang ako lagi akong ipinagtatanggol ng ate Esang sa mga batang lagi akong binubully dahil sa wala nga raw akong tatay. Siya ang totoong wonderwoman  ng buhay ko. Maging hanggang sa kamatayan ay ako ang iniisip niya sa halip na ang sarili sana niyang buhay.

Ipinagtanggol ako ng ate Esang mula sa mga taong gusto akong dukutin ng araw na iyon ngunit ang sarili niyang buhay ang naging kapalit.

Ang sakit din isipin na wala akong nagawa para sa kanya. Ngunit ito na siguro ang tamang pagkakataon upang maipaghiganti siya.


Kinuha ko ang quarenta y singkong baril na nakalagay sa upuang katabi ni Bai. Binasag ko ang window shield sa likuran kung saan kami magkatabing nakaupo ni Bond.



Hindi nila ako napigilan sa ibig kong gawin. Habang abala si Bond sa kausap sa cellphone natataranta ang boses niya lalo na ng kalabitin ko ang gatilyo ng baril. Narinig ko pang napamura ito ng di sinasadya dahil sa pagkakagulat ng magsimula akong magpaputok.

Pinaputukan ko ang sasakyang nasa unahan na humahabol sa amin. Ngunit hindi ko magawang mapatamaan ito dahil mabilis na naiilagan nito ang bawat punglo na pinapakawalan ko.

Gumanti din sila.

Napayuko si Bond ng gantihan kami ng humahabol sa amin. Maging si Big Bro napapayuko sa t'wing makadirinig ng putok ng baril.

Narinig ko sa kabilang linya ang pagmumura ang aming ama. Mababakas din sa tono nito ang pinaghalong takot at pag-aalala. May inutusan din ang mga tauhan nito na puntahan kami upang tulungan.

Nagtataka sina Bond at Bai kung paano ako natutong humawak ng baril. Karaniwan ng 'pag walang pasok ay lagi akong isinasama ni Jayson Chou lalo na kapag may bakanteng oras. Lagi niya akong isinasama sa malapit na kagubatan sa Batangas, kung saan ito ay pribadong pag-aari ng kanyang pamilya. Nabili nila ang lupaing iyon sa tulong ng aking ama. Dito madalas niya akong sinasanay sa kung paano ang tamang paghawak ng baril. Sa una, hindi ko nagustuhan si Jayson subalit sa kalaunan sobra ko na siyang nagustuhan. Ang galing niyang humawak ng kahit anong klase ng baril. At labis ko siyang hinahangaan. Ang pagsasanay niya sa akin ay isang lihim lamang. Ayaw niyang malaman ito ng kahit sino dahil kung hindi ay malilintikan daw siya. Madalas ko siyang kinukulit sa bagay na ito ngunit inililihis niya ang usapin.

Napangisi ako ng may tinamaan ako ng isa. Head shot. Nakita ko din ang galit sa mga mata ng kasamang mapatamaan ko.

Padaplis na tinamaan ako sa kanang braso ng gantihan ako. Napahiyaw ako. Si Bond sana ang punterya ng lalaki ngunit mabilis kung iniharang ang sarili ko kung kaya ako ang tinamaan. Mabuti na lamang at padaplis lamang.


#

David Bumalik Ka Na (Third Child Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon