Ikalawang Kabanata

15 1 0
                                    

NAPATINGIN ako sa isang dosenang beer na inilapag ni Bond sa buhangin. Ibinato niya sa akin ang isang balot na piatos. Sinamaan ko siya ng tingin ngunit tumawa lamang siya.

Sinabi ko na sa kanyang ayokong uminom. Hindi ba siya makaintindi?

"Pagbigyan mo na ako David, kaarawan ko naman," panunuyo nito sa akin.

"Kapag nalasing ka, sino ang magmamaneho ng sasakyan?"

"Dalawa lang ang iinumin ko and the rest na matitira ay para sa iyo," tumawa pa ito ng malakas na parang inaasar ako.

"Sinong may sabi sa iyo na iinumin ko ang mga iyan?"

Kinuha niya ang isang bote ng beer at binuksan ito. Ibinigay niya ito sa akin pagkatapos.

Hindi ko ito inabot. Kapag sinabi kong ayoko, ayoko talaga!

Dahil sa hindi niya ako napilit siya ang lumagok ng binili niyang beer.

Nang malasing ang loko kung anu-ano ang ginawa. Nariyang sintunado siyang kakanta ng "The Ways to Say Goodbye" ni Kyuhyun. At parang nasisiraan ng bait na sasayaw sa ritmo ng mga paghampas ng alon sa dalampasigan. Napakarami din itong sinabi na hindi ko na maalala pa.

Tumigil ito sa mga kabaliwang ginagawa at naupo sa dating pwesto nito. Ang ningas ang siyang pumapagitna sa aming pagitan.

Seryosong tumingin sa akin si Bond. Namumungay na ang mga mata niya dala ng tama ng alak na nainom. Malay ko bang uubusin niya ang lahat ng beer na iyan? Parang wala ng bukas nang sunod-sunod niyang lagukin ang mga iyon.

"Alam mo David ang pinakamagandang regalong natanggap ko sa lahat ay iyong galing sa iyo. Alam mo ba kung gaano ako kasaya habang binabasa at tinitingnan ang mga larawan nating dalawa na inilagay mo roon?" Tumawa ito ng pagak. "Sa maraming naging kaibigan ko, alam mo bang ikaw iyong totoo? Ikaw iyong tipo ng kaibigan na hindi basta itinatapon ang lahat ng mga alaalang pinagsamahan natin. Ikaw rin iyong tipo ng kaibigan na hindi katulad ng iba na kaibigan ka lang dahil sa may kailangan sila sa iyo. Iba ka sa lahat, David. Ibang-iba ka sa kanila, pare."

Iba talaga ako sa kanila, Bond. Ako iyong tipo na kaibigan mo na kahit paulit-ulit mo mang saktan naririto pa rin at nananatili sa tabi mo.

"Pero pare may isang bagay lang ako na hindi ko magustuhan sa iyo. Iyon ay ang lagi mo akong iniiwasan. Alam ko pare, ramdam ko. Kahit hindi mo man sabihin nararamdaman ko iyon."

"Matalik tayong magkaibigan pare, kung ibig mo ng makakaramay sa mga problema mo andito naman ako lagi, e. Ngunit ayaw mo namang magsabi o magkwento," pagpapatuloy niya.

"Wala akong problema, Bond," aniya ko at umiling. "Bakit ba natin pinag-uusapan ang mga bagay na di na dapat pang ungkatin? Magsaya tayo, pare! Kaarawan mo ngayon! Kaya dapat magsaya tayo!" garalgal ko ng sabi sa kanya at inagaw ang huling bote ng beer na kaunti pa lamang ang kanyang nababawas.

Nilagok ko ang lahat ng laman niyon. Pinanood niya lamang ako.

"David magkano ba ang natatanggap mo sa trabaho mong iyon?" seryoso niyang tanong sa akin na ikinatigil ko sa pagkuha sana ng pulutan naming piatos. "Bibilhin kita sa kanila, tumigil ka lamang sa ginagawa mo."

Napatingin ako sa mga mata niya. Nasasabi lamang niya iyon dahil lasing na siya.

Bibilhin niya ako? Akala ko ba kaibigan ko siya? Pagkatapos niyon, anong kapalit? Ang katawan ko? O ano? Ayokong maging alipin ng sinuman.

"David ayokong dinudungisan mo ang sarili at pagkatao mo."

"Nandidiri ka rin ba sa akin pare katulad nila?" galit na tanong ko sa kanya. "Ninais ko din ng maringal na hanapbuhay ngunit, anong ginawa nila? Pinagtabuyan nila ako dahil ba sa..." Napatigil ako sa gusto ko pa sanang sabihin. Hindi dapat niya malaman.

David Bumalik Ka Na (Third Child Series #1)Where stories live. Discover now