Ikawalong Kabanata

8 0 0
                                    

"IKAW ang panganay sa ating dalawa, Bond. Nagsinungaling ang ating ina na ako ang pangatlo dahil sa kalagayan mo noon."

Natigilan siya sa mga sinabi ko.

"Ibig sabihin pala niyon walang dalang kamalasan  ang pangatlong anak ayon sa paniniwala ng mga sinaunang Tsino."

"Walang malas na taong isinilang sa mundong ito, Bond. Maling paniniwala lamang iyon ng mga Tsino na magpasa-hanggang ngayon ay ina-adopt pa rin nila sa kanilang buhay. Kaya ako nagkakaganito dahil sa traumang naranasan ko noon sa nangyari sa ating ina at kay ate Esang. Alam mo bang may kinalaman ang magulang ng ating ama sa pagkamatay nila? At ako gusto din nilang mawala!"

Nang gabing pinatay ang ate Esang iyon din sana ang araw ng kamatayan ko. Ngunit may isang extranghero ang nagligtas sa akin. Si Ziliang, ang aming ama!

Sa araw-araw na pabalik-balik ako sa presento kung saan nakakulong ang apat na may kinalaman sa nangyari ng gabing iyon ay hindi ko sinukuan na paaminin sila l. Sa tuwing makikita nila ako na gumagawi roon, takot ang namamayani sa kanila. Hindi ko alam kung bakit.

Hanggang sa isang araw, nagsalita ang isa sa apat. Nakilala ko siya sa pangalang Kristoff Ching. Inihayag niya ang buong katotohanan sa akin.

Mayroong espesyal raw sa akin kung bakit ibig akong dukutin ng boss nila na walang iba kundi ang magulang ng aming ama. May paniniwala daw kasi ang mga ito na sa pag-edad ko ng labing-dalawang taon, kapag kinain nila ang karne ko babata muli ang mga ito.

Dahil sa hindi nagtagumpay ang mga ito, maghihintay muli ito sa ikalabing walong kaarawan ko. Hindi nagtagumpay ang mga ito dahil sa ginawa ni Rico James.

At ayon pa kay Kristoff, si Rico James ay ang pinagkakatiwalaang tao ng aming ama ni Bond upang iligtas ako.

Sa kaso naman ng aking ina, ang doktor na laging kinukunsultahan ay binayaran ng magulang ng aming ama upang painumin ito ng isang gamot na nakamamatay. Hindi sa atake sa puso namatay ang aking ina. Ito ang inamin sa akin ng doktor dahil talagang nakokonsensiya daw ito sa mga ginawa.

Napatawad ko na ang doktor. Kahit labis ko man na kamuhian siya hindi na rin naman maibabalik pa ang buhay ng akin ina.

Bago namatay ang aking ina may ibinigay siya sa akin na kuwintas. Hindi na niya nasabi sa akin ang mga bagay na gusto pa sana niyang sabihin dahil nalagutan na siya ng hininga.

Noong makita ko ang kuwintas na pares ng sa akin na suot din ni Bond. Alam ko na sa sarili ko na siya ang tinutukoy ng aking ina na karugtong ng aking buhay at pagkatao. Ayoko lamang paniwalaan dahil sa matagal na ngang patay ang kakambal ko.

Matapos mamatay ang aking ina nagtungo kami ng mga kapatid ko sa liblib na lugar sa Bicol kung saan walang nakakakilala sa amin. Hindi naging madali sa amin ang lahat. Ngunit may isang matandang mag-asawa ang kusang loob na tinulungan kami. Pinatuloy nila kami sa magara nilang tahanan.

Ngunit ang pagpapatuloy pala nila sa amin ay mayroon palang kapalit- ang sarili kong buhay. Hindi ko alam kung bakit at ngayon maliwanag na sa akin ang lahat.

Mabuti na lamang tinulungan kami ng isang kasambahay ng mag-asawa upang makatakas. Bumalik kaming muli ng mga kapatid ko sa magulong buhay sa Maynila. Dito, kahit paano maaari kaming ligtas.

"Hayaan mo naman ako David na ako ang magprotekta sa iyo."

"Bukas na ang ikalabing walong kaarawan natin, Bond. Tiyak ko..." Hindi ko na naituloy ang aking nais sabihin ng bigla na lamang bumukas ang pinto. Mula roon iniluwa ang isang chinitong lalaki.

Seryosong nakatitig sa amin ang lalaki. Hindi niya inaalis sa akin ang pagkakatitig. Napako ang paningin nito sa sugatan kong kamao.

"Diyan ka lamang Bai, wag mong subukang lumapit," babala ni Bond sa lalaki ng akma sanang lalapit ito sa amin.

"Hindi ako nandito para maghanap ng gulo. Andito ako para sa kapatid natin. Kailangan natin siyang maialis sa lugar na ito sa mas lalong madaling panahon," seryosong sabi nito.

Base sa tono ng pananalita nito mukhang may hindi magandang magaganap.




David Bumalik Ka Na (Third Child Series #1)Där berättelser lever. Upptäck nu