Ikapitong Kabanata

8 0 0
                                    

"NASISIRAAN ka na ba David?!" napamulat ako ng marinig ko ang pamilyar na boses- si Bond! Inagaw niya sa akin ang hawak kong kutsilyo.

Ng akma akong lalapit sa kanya, inilayo niya ang kutsilyo sa pag-aakalang aagawin ko ito mula sa kanya. Niyakap ko ng napakahigpit ang kakambal ko at hindi ko maiwasan ang sarili ko na ilabas ang emosyong hindi ko na talaga kaya pang pigilan.

"Sawang-sawa na ako sa buhay ko, Bond. Ibig ko na ang magpahinga."

"Paano ako David? Sa tingin mo hindi ako nasasaktan? Mas masakit sa akin ang nakikita kitang nagkakaganito."

"Pagod na pagod na ang puso at isipan ko, Bond. Ibig ko na ang magpahinga, iyong wala akong mararamdaman na kahit anong sakit at paghihirap."

"David, tama na! Hindi ko...please tama na! Ayoko ng marinig ang mga salitang iyan na binabanggit mo sa akin ng paulit-ulit!"

"Ang daya-daya mo kasi, Bond," at pinagsusuntok ko siya ng mahina sa braso. Hindi niya pinapansin ang bumabakas na pulang likido sa kanyang suot na damit. "Ang buong akala ko, wala ka na talaga. Ngunit heto, matagal ko na palang nakakasalo sa pagkain at mga kalokohan ang kakambal ko."

Naalala ko ang araw na minsan ay tinanong ko ang aking ina kung totoo nga bang may kakambal ako dahil halos gabi-gabi laman ng mga panaginip ko siya. Ang sagot sa akin ni ina  ay wala na ang kakambal ko. Patay na ito. Iyon pala ay buhay siya. Nabubuhay pala talaga ako sa mga kasinungaling bagay.

"Iniwan ko na ang buhay na mayroon ako David. Pinapili ako ng ating grandparents kung ikaw o ang lahat ng ari-ariang ipapamana nila sa akin. Kapag ikaw ang pinili ko tatanggalan nila ako ng karapatan sa lahat ng mamanahin ko sa kanila."

"Kaya ka ba nandito dahil ako ang pinili mo?"

"Oo, David. Hindi ko makakaya ang mawala kang muli sa buhay ko. At isa pa ilalayo kita sa kanila dahil may plano silang patayin ka."

Aasahan ko na sasabihin niya ang mga katagang iyon. Matagal na nilang nais iyon mangyari. Ngunit lagi noon na nahahadlangan ng aking ina. Dahil sa tuwing matatagpuan nila kami kung nasaan madali akong inilalayo ng aking ina patungo sa lugar na hindi nila kami masusundan.

"Nalaman na nilang ikaw ang kakambal ko kaya nagtungo sila agad dito upang kunin ka at ng madala sa Tsina. At hindi ako papayag," nakita kong ikinuyom niya ang kanyang mga kamao.

"Sana di ka na lamang nag-abala na balikan ako, Bond. Magiging maayos ang buhay mo sa kanila. Ayokong maranasan mo din ang mga pinagdaanan ko. Hindi mo na lang sana ako pinili katulad ng ginawa ng ating ama sa amin."

"Hindi ako katulad niya, David. Mas mahalaga ka sa akin kaysa sa kayamanang hindi naman nakapagdudulot sa akin ng totoong kasiyahan. Ikaw ang totoong nagpapasaya sa akin, David. Ikaw na sarili kong kakambal."

Totoong pinapili ang aming ama ng kanyang magulang kung sino o ano ang pipiliin. Kami na pamilya niya o ang lahat na kayamanang mapupunta sa kaniya na mamanahin niya. Dahil sa takot niya na mawala sa kanya ang lahat na kayamanan ng kaniyang pamilya hindi niya kami pinili. Mas pinili niya ang kayamanan kaysa sa amin.

Nagdadalang-tao noon ang aming ina sa amin ni Bond na iwan niya kami. May paniniwala kasi ang mga Tsino ang ikatlong anak ay ang magdadala ng kamalasan sa loob ng pamilya.  Binalak noon ng magulang ng aming ama na ipalaglag kami ni Bond ngunit tutol ang aming ina sa bagay na iyon. Sa Kristiyanong paniniwala isa itong napakalaking kasalanan sa Diyos.

May plano pa sana ang magulang ng aming ama na isahog kami sa pagkain nila. Kung di man ang isa sa amin na hindi pangatlong anak ay ibebenta nila sa isang fast food chain nang maisahog sa mga nilulutong pagkain. Alam mo bang espesyal ang pagkain sa mga unwanted child  sa bansang Tsina? Higit raw itong masarap at malinamnam kaysa sa karaniwang mga karne ng hayop.

Napakuyom ang aking mga kamao habang isinasalaysay iyon sa akin ni Bond. Pagkasuklam ang aking naramdaman sa magulang ng aming ama at sa mga taong gumagawa ng gayong kalakaran. Paano nilang naaatim na gawin ang mga bagay na iyon?

Kung hindi lamang naging alisto ang aming ina baka parehong hindi na namin masilayan pa ang mundong ito. Walang paalam na nilisan ng aming ina ang bansang Tsina at nagtungo siya sa bansang ito. Kung saan ako nagkaisip at lumaki kasama ang ate Esang.

Akala ni ina ay hindi na siya guguluhin pa ng mga nakaraang tinakasan niya sa bansang minsan ay kinamuhian niya dahil sa totoong kalakaran roon. Malupit ang komunistang Tsina lalo na sa mga Kristiyanong mananampalataya. Illegal nilang inaaresto ang mga Kristiyano at pinapahirapan ng husto hanggang sa ang ilan ay bawian ng buhay.

Natagpuan ng aming ama ang lugar na kinaroroonan namin. Apat na taong gulang kami ni Bond ng magkahiwalay kaming dalawa. Nagsinungaling ang aking ina na ako ang pangatlo dahil sa kondisyon ng kalusugan noon ni Bond. Si Bond ang kinuha ng aming ama at dinala siya sa Tsina.

Lagi kong hinahanap sa aking ina si Bond noon ngunit sinabi niyang wala na ang kakambal ko. Patay na ito. Ito ang pinaniniwalaan ko noon ngunit ang totoo pala niyon ay buhay ang kakambal ko.

Napatingin sa akin si Bond.

"Kilala ko ang ating grandparents, David. Gagawin nila ang lahat makuha lang ang gusto. Hindi ibig sabihin na pinili kita dito na magtatapos ang lahat," hindi ko siya maunawaan. "David, ibig kang mawala ng ating grandparents dahil sa paniniwala nilang may dala kang kamalasan sa buhay nila."

Napatawa ako sa mga sinabi ni Bond. Ako, malas sa buhay nila? Hindi nga sila naging bahagi ng buhay ko. Paano nila nasasabi ang mga bagay na iyon. Hindi ko nga sila kilala. Wala nga silang naging ambag sa buhay ko.

"Sabi nila hangga't nabubuhay ka, ang angkan natin ay patuloy na magdaranas ng kamalasan. Kaya nga raw namatay ang ate Esang at ang ating ina dahil daw iyon sa iyo. Sa iyo nila sinisisi ang lahat kung bakit maaga silang nawala."

Bakit nila ibinubunton  sa akin ang lahat ng sisi? Kung di lamang sila makasarili at gahaman sa kayamanan siguro hindi sasapitin iyon ng ate Esang at ni ina.

Kasalanan ko ba kung kamukha ko iyong nasa larawan na ibig nilang dukutin ng araw na iyon. Dahil sa walang hiyang bata na iyon namatay ang ate Esang!

"Wala kang alam, Bond! Pinaiikot lamang nila ang buhay mo," ani ko na ikinagulo ng isipan niya.

Dapat ko na bang sabihin sa kanya ang mga natuklasan ko? Siguro ay dapat na niya itong malaman.

David Bumalik Ka Na (Third Child Series #1)Where stories live. Discover now