Unang Kabanata

47 1 0
                                    

David Tan's Point of View

PAULIT-ULIT kong pinagsusuntok ang haligi ng aming bahay. Sa ganitong paraan lamang ay mabawasan at maibuhos ko ang lahat ng inis, galit at sakit na nararamdaman ko. Sa dinami-rami ng tao sa mundo, bakit ako pa ang kailangang magdusa ng ganito? Kung hindi lamang kasalanan ang pagpapakamatay baka matagal ko ng kinitil ang sarili kong buhay. Bakit ba kasi naging ganito kamiserable ang buhay ko? Ano bang kasalanan ang nagawa ko upang parusahan ako ng ganito? Mabuti at mabait naman akong tao. Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit ako na lang lagi ang pinahihirapan ng tadhana. Sana...sana noong nasa sinapupunan pa lamang ako ng aking ina ay di na lamang niya ako hinayaang maisilang pa. Sana iyong kakambal ko na lamang ang binuhay niya at ako, sana pinatay na lamang. Ang sakit isipin na ganito pala katinding hirap ang aking pagdaraanan.

Isa, dalawa, tatlo...

Naririto pa rin ang sakit, tila hindi nababawasan. Kulang pa ang mga sugat sa magkabilang kamao upang makalimutan ng aking isipan ang mga sandaling ako ang laging saksi sa masasakit na kaganapan sa aking pamilya.

Walang tigil ko pa ring inuundayan ng suntok ang haligi ng aming bahay. Binabalot na ng mainit at sariwang pulang likido ang aking magkabilang kamay. Nakakaramdam na rin ako ng paghapdi ng aking mga kamao ngunit kulang pa ang sakit na ibinubunga nito kaysa sa mga paulit-ulit na sakit na aking naranasan mula ng ako ay magkaisip. Kulang na kulang pa ito sa kung paano yurakan ang aking buong pagkatao ng maraming nakapaligid sa akin. Akala nila ay sila na ang malinis at walang itinatagong baho.

Malungkot akong napatingin sa kisame ng bahay. Pilit na inaalala kung kailan ako huling ngumiti.

Ah! Noong nakaraang araw, habang nagpapatawang nagtuturo ang aming guro sa nakakabagot na asignatura sa Pilosopiya. Ang sarap din pala sa pakiramdan ang masaya, ano?

Ngunit, ang mga ngiti at tawang iyon ay mga pagpapanggap lamang. Iyon ay ang totoong ako. Marunong akong magpanggap na masaya sa harapan ng maraming tao. Ngunit sa kaibuturan ng aking puso, ibig ko ang umiyak lagi upang mabawasan kahit pa'no ang sakit na nakatago sa aking dibdib.

Kinatatakutan ko ang maging masaya, dahil ang kasunod nito ay ang kalungkutang walang patid.

Kailan ko ba naranasan ang kasiyahan na pagkatapos nito ay kalungkutan ang sumilip sa aking mga mata?

Lagi at lagi, kaya kung maaari iniiwasan ko ang maging masaya.

Katulad na lamang noong nakaraang linggo kung saan inimbitahan ako ng kaibigan kong si Bond na dumalo sa ika-labing pito niyang kaarawan. Ang pagkakataon nga naman, pareho pala ang araw ng aming kapanganakan. Ngunit hindi niya alam ang tungkol sa bagay na ito.

Hindi ko naman mapaghindian ang kanyang paanyaya. Lalo na at siya lamang ang nag-iisa kong matalik na kaibigan.

Hindi porke't matalik ko siyang kaibigan ay alam na niya ang lahat ng tungkol sa akin.

Mapagpanggap akong tao, sa tuwing pag-uusapan namin ang patungkol sa sarili naming pamilya. Lahat ng maririnig niya ay pawang mga magagandang bagay lamang.

Ayoko na ring malaman niya na dumaan sa maraming pagsubok na kinaharap ang aking pamilya.

Ang bangkete ay lubhang magarbo, maraming mga panauhin. At ako nasa isang sulok lamang. Pinagmamasdan ang mga panauhin ni Bond na may mga magagarang kasuotan. Bawat dumarating ay may inaabot sa kanya na mga regalo.

Samantalang ako, walang nakakaalam na kaarawan ko rin.

Ang tanging maiaabot ko lamang sa kanya na regalo ay ang isang birthday card. Palihim ko lamang itong iniabot sa kanya. Alam naman niya na naghihikahos ako sa buhay.

David Bumalik Ka Na (Third Child Series #1)Where stories live. Discover now