Chapter 4

1.6K 106 85
                                    

Chapter 4

In Preparation

Harley was wiping the table clean and Marty just finished drying her hands after washing the dishes.

She stood beside him, wrapping her arms around his neck and letting her head dangle forward just so she could catch his eyes.

"Bee," she called.

"Bakit?"

A glint crossed her eyes with a matching playful grin on her lips.

"Sabi kasi nila effective daw 'yon pang ease ng headache," she said, remembering what one of her colleagues said about it the last time they had a night out.

"Ha?" Harley blinked in surprise.

"P'wede ba nating i-try? Please?"

"Seryoso ba? Totoo 'yon?"

"Hmm . . . sabi raw sa studies may sixty-percent effectivity 'yon. What if lang naman gumana rin sa akin? Ayaw mo ba i-try?"

"Bee," he chuckled.

"Seryoso ka talaga? Gusto mo?"

Napaangat ang kilay ni Marty. "Ayaw mo? One month na nga tayong—"

"Oo, gusto ko rin. Sige. Pagkatapos kong maligo."

Marty smiled again. "Okay! Tapos dual purpose na rin."

"Ready ka na talaga?" Harley asked.

Tumango naman si Marty. "Ready na. Marunong naman ako mag-alaga ng baby dahil kila Rocky tapos kay Ishan din. Marunong ako magpa-burp, marunong ako magpalit ng diaper. Alam ko na 'yong cream na gagamitin para hindi sila magka-diaper rash. Kulang na lang tuwing kailangang i-sterilize 'yong bottles nila, ilagay ko na rin sa autoclave para at least 99.9% microbe free."

"Pero hindi lang naman 'yan 'yon, bee."

"Alam ko rin 'yan. Life long commitment siya and responsibility. 'Di rin naman hihinto pagiging magulang nating dalawa once na lumaki sila at bumukod. Pero na-witness ko rin naman parenting style samin nila Mommy at Daddy, 'yong parents mo din sa 'yo. Gusto ko sana gano'n din 'yong bond natin as a family kung sakali. Willing ako matuto, willing din ako mapagod saka sakitan ng ulo kung sakaling pasaway sila, aware ako na part 'yon."

Harley chuckled, nodding. "Okay. Nandito rin naman ako s'yempre."

"I know! Saka ano . . ." Marty sighed. She sat down at the dining table again and so did he.

"Ano 'yon, bee?"

"Hindi ko pa nasasabi sa 'yo 'to pero kasi every time na may salary ako, ever since kinasal tayo, nagtatabi ako para sa kanila kahit wala pa sila. May separate bank account ako."

"Ha?"

"Natandaan ko lang kasi na sinabi 'yon ng parents ko dati kay Uly. If nasa isip daw nila ni Isobel bumuo ng family na maganda raw mag-start up mag-save nang paunti-unti kahit wala pa sila. Kasi what if daw may mangyari tapos kailangan ng huge sum of money tapos during pregnancy nangyari 'yon? At least daw kahit papaano may nakatabi agad na para sa kanila lang."

"Ah . . . okay. May point naman do'n pero bakit ngayon mo lang sinabi sa akin?" Harley asked.

"Kasi bagong kasal pa lang tayo no'n. Baka magulat ka or baka ma-pressure kita. Baka akalain mo na gusto ko na agad magka-anak noon. Nagtabi ako kasi alam ko una pa lang na gusto nating dalawa na bumuo ng family. Ngayon ko sinasabi kasi alam ko ready na ako and napaghandaan ko na. Alam ko ikaw 'yong breadwinner sa 'ting dalawa pero ayaw ko namang ma-feel mo na dapat palaging ikaw gagawa ng means para sa family natin. Na hindi mo shoulder lahat kasi nandito rin ako. Na kahit gusto ko mag-resign ngayon, may means pa rin ako para kumita at gastusan sarili ko nang hindi fully naka-asa sa 'yo kasi nag-invest ako kila Tita Chia, sa restaurant nila Kuya Gabbie, pati na rin sa bakeshop ni Nana kahit alam ko sinabi mo dati na kayang-kaya mo."

Love Lingers: Hearts CollideWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu