Chapter Twenty four

5.9K 214 83
                                    

"Binasag mo 'yong mga balut ko e."

Inosente pero natatawa ko itong sinagot. Natahimik siya ng ilang mga sandali. Hinihintay ko itong sumagot kasi doon lang ako tatawa.

Kung tutuusin, diyan naman din talaga nag umpisa ang lahat e.

Napansin ko na sasagot na sana siya pero...

Merong isang babae na hinihingal na biglang pumasok sa kung nasaan kami ni Nicola. Nagmamadali pa itong lumapit kay Nicola at tumayo ito sa harapan nito.

"H-Hi! I'm sorry, I am late!" Napapaypay pa ito sa sarili.

Hindi ko maintindihan ang itsura ng babaeng 'to.

"Miss Frigada." Ah, ito ata ang ka-meeting ni Nicola ngayon e. Seryoso na rin ang mukha ni Nicola na nakatingin dito.

"I am so sorry for keeping you waiting, Miss Nicola. I had an emergency upstairs and I can't get out easily. I know for sure that I already waste your time-"

"I have to go." Nakita ko ang gulat sa mukha no'ng babae na kausap ni Nicola. Sobrang puti at kapal ng makeup nito at parang sobrang kinulang ang tela ng suot nitong damit. Kaya nga hindi ko maintindihan ang itsura nito kasi hindi ko alam kung anong ginawa niya sa sarili niya.

Tapos maski ako ay nagulat sa isinagot ni Nicola dahil aalis na kami?

"But I just got here..."

"8 am, right? What time is it now?" Pansin ko rin ang pagiging inis sa mukha ni Nicola lalo na sa boses niya.

"8:37 am..." Nahihiya at parang kinakabahan 'yong babae. Late na siya ng 37 minutes. "I am really sorry but I am already here and we can talk about business... you know?"

Napakunot ako ng noo. Nagbago kasi ang boses no'ng babae at pati 'yong ngiti ay nagbago rin. Parang naging katulad siya bigla no'ng ibang mga babae na gustong makakuha ng lalaki.

Anong klaseng business ba ang gusto niyang pag usapan? Bakit may gano'ng galawan?

"You wasted my time in waiting for you, Missy. You should have canceled the meeting because you have an emergency-"

"N-No! I don't have an emergency upstairs! I wake up late and I want to be pretty in front of you and I take time fixing myself." Eh?

Kaya pala sobrang pula at puti ng mukha niya sa make up. Hindi ko tuloy alam kung ilang patong na makeup ang inilagay niya sa mukha niya.

"And? Do you think that I'll be pleased by that?"

"This is called effort, Miss Marcos! I want to have a lot of confidence in front of you and... and I want to be pretty!"

"Effort is waking up early, coming here before the said time, meet me presentable, and be ready for your presentation. Do you think that I need any makeup in this business? Slothful and careless?" Hiyang-hiya ang itsura ng babae. Parang kulang na lang ay umiyak siya kasi napahiya siya sa ginawa niya.

"B-But, I-I'll make it up to you!" Kita ko rin maski ang desperasyon sa babaeng ito.

"My time is far more important than your laziness. I don't need your lies and petty reasons. I am here for business and nothing else. You are a girl but don't know how to wear makeup properly? You look clown." Naging maanghang ang lumabas sa bibig ni Nicola. Natawa naman ako ng mahina at napahawak sa bibig nang lingunin ako no'ng babae at tinitigan ng masama. "Let's go, Silver. I don't want to waste my time anymore."

Tumayo na si Nicola at sumunod naman ako dito agad-agad. Natatawa pa rin ako lalo na sa sinabi nitong clown na talagang sasang-ayunan ko.

Tapos nagsinungaling pa ang isang 'yon at kasabwat niya ang tauhan ng hotel na 'yon. May emergency daw pero late palang nagising. Rinig naman namin pareho ni Nicola na tinatawag siya no'ng babae pero wala e, sinayang niya ang oras na p'wedeng ibigay ni Nicola sa kaniya.

Ugh, Sugar Mommy! (Marcos Clan Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon