Chapter Twenty

4.8K 281 73
                                    

Silver


Naging abala ako sa pagrereview sa mga sumunod na araw. Sa makalawa nga ay ang araw ng exam ko kasabay ng paglilipat ng mga kapatid ko.

Tinutulungan ako nila Abo sa pagrereview at minsan nga'y magugulat ako dahil biglang dadating si Jade o kaya si Miss Alaica para tulungan at bigyan pa ng kung ano-anong libro.

Gaya ngayon ay narito si Jade kahit araw ng sabado.

Punong-puno na ang utak ko sa lahat ng impormasyon na galing sa libro. Minsan ay naghahanap pa ako sa internet para mapunan ang hindi ko maintindihan.

Nagugulat nga ako minsan at talagang naaalala ko sila.

"Madali lang naman kung tutuusin ang exam para mai-accelerate ka into high school. Pero p'wede ka naman kasing mag exam na for acceleration deretso in college. Bakit pinaghiwalay pa ni Nicola?" Napakunot tuloy ako ng noo dahil sa narinig.

"Talaga?" P'wede pala ang gano'n?

"Kaya nga marami akong pinapareview kasi akala ko gano'n pero hindi naman pala. Ngayon ko lang nalaman as I saw the list of examiners dahil nakapost ito sa website ng BLU." Para naman itong na stress at ako naman ay hindi alam kung anong magiging reaksyon sa narinig.

Para akong pinahirapan na mag review tapos hindi pala kailangan sa exam ko ang iba.

"Eh, paano 'yon?" Napatigil ako sa pagsusulat at binaba ang hawak na ballpen.

Buti nga at marunong pa ang kamay ko sa pagsusulat e.

Nakatingin lang ako kay Jade habang hawak niya ang cellphone nito. Tinitignan ata niya doon ang tinutukoy niyang list.

"Well, no worries. Ako na bahala sa Monday. Continue reviewing kasi hindi naman masasayang at hindi mapupunta sa wala 'yan. You'll take the exam para makapasok na ng college." Ibig sabihin ay ililipat niya ang pangalan ko?

"Salamat sa tulong mo, Jade." Ang laki na ng mga nagawa nila para sa aming magkakapatid e. Hindi ko tuloy alam kung paano ko sila mababayaran sa mga tulong na 'yon.

Bakit kaya ang babait nila?

"It's okay. You need help so we help you. Minsan lang maging mabait si Nicola that is why I am grabbing the opportunity to get to know the girl she seems interested in." Napakunot ako ng noo sa sinabi niya. Hindi ko nakuha ang pinupunto niya at sinong babae ang tinutukoy niya? "I guess, you piqued Nicola's interest, Silver Salazar."

"Si Nicola?"

"Do you like her?" Napabuka ako ng bibig sa gulat. Hindi ko naman inaasahan na tatanungin ako nito ng biglaan at walang pasabi. "Do you?"

"A-Ano—" Napakamot na lang ako sa gilid ng pisngi ko. "Ahm, pero ayaw niyang gustuhin ko siya."

Napayuko ako ng natawa siya ng mahina. Sa ginawa niyang iyon ay mas lumabas ang ganda ni Jade. Maganda kasi ito pero mas gumaganda siya pag tumatawa. Gano'n rin naman si Nicola pero masyadong magaganda ang mga taong malapit sa kaniya at hindi ko naman ikakaila.

Maganda si Nicola pero 'di naman ako bulag sa ganda ng iba. Kung tutuusin hindi ko naman gusto si Nicola dahil lang sa maganda siya.

"Oo o hindi lang naman ang gusto kong marinig na sagot mo, Silver. Pero sa sinabi mo, she already knows?" Paanong hindi e hinalikan ko pa nga siya bago siya nagpuntang Canada. Aasarin kaya niya ako sa pinsan niyang akala mo dragon kung magalit?

"Eh— eh, kasi ano." Napahawak ako sa sariling batok.

"Ano?—"

"Ate! Nasa labas si Miss Alaica!" Napalingon kami pareho ni Jade sa kapatid kong si Abo. Hawak niya ang cellphone ko kasi kailangan daw niya para sa assignment niya.

Ugh, Sugar Mommy! (Marcos Clan Series #1)Where stories live. Discover now